I am staring at him while he is driving. Papunta kami sa bahay nila ngayon. He wants to wash up. Iniwan namin ang event kahit pa kailangan kami roon, lalo na siya. I was thinking of comfronting Sir Hernandez for what he did pero hindi ko maiwan si Keanne kanina. He was afraid, and it took a lot of time to calm him down.
"What are you feeling? Anong naiisip mo?" I asked gently. Ang lalim ng mga mata niya at halatang may malalim na iniisip. His breathing is also heavy.
"I'm sorry." Nilingon niya ako nang mabilis bago ibinalik ang tingin sa daan. Hinarap ko ang katawan sakaniya at hinaplos ang buhok niyang basa pa rin. Kahit hirap na hirap ako sa pwesto ay patuloy ko iyong ginawa dahil mukhang mas kumalma ang sistema niya.
"What do you want to do after? Hmmm?" I asked. Tumikhim siya bago i-park ang sasakyan sa harapan ng bahay nila.
"Ate Brittany!" Sigaw ni Karmela nang makita ako. Maingay ang kantang pambata sa sala nila. Agad na umakyat si Keanne sa hagdanan nila habang ako ay naiwan kay Karmela. Hinila niya ako sa sala nila para ipakita saakin ang mga laruan niya.
"I'm not allowed to put makeup on you na, Ate! Kaya play nalang tayo, hihi!" Ngumiti ako sakaniya at tumango. Nilaro namin ang barbies, lutu-lutuan, at iba niya pang laruan. "So tagal naman ni Kuya. Are you from school, Ate? Tapos na class niyo?"
"Yes, tapos na." I answered her. Kumikinang ang mga munti niyang mata habang tinitignan ako. Her cheeks are pinkish while her lips are moisturized and red.
"Date kayo 'no? Yieeeeee!" She teased. Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko kaya natawa ako. "Sama ako?"
Natawa ako dahil ang kaninang nakangiti niyang mukha ay biglang naging paawa. Bumagsak ang pisngi niya at sinibi niya pa ang labi. Ang cute naman!
"Let's ask your Kuya first." Sagot ko kaya sumigla na muli siya. Batang 'to!
Sa tagal ng kuya niyang maligo ay tinulak niya na ako paakyat hanggang sa tapat ng isang kwarto.
"Tell him to hurry naman, Ate! Excited na ako. Let's go to arcade, ha? Bye!" Nagulat ako nang itulak ako ni Karmela papasok sa kwarto. Hindi agad ako naka-react kaya napagsarahan ako ng pinto. Agad akong lumingon nang marinig ang pagbukas ng isa pang pinto.
I saw Keanne wearing his white plain shirt, and maroon taslan shorts. His hair is wet, obviously because he just finished taking a bath.
"Ahh... Gusto lumabas ni Karmela... raw. I mean, sabi niya." Nangangapa ako ng mga salita. I pressed my fingers to calm myself. My heart is pumping so hard. Ang gwapo niya kapag bagong ligo.
"Hindi p'wede." Sabi niya at umupo sa kama. Ipinaikot niya ang twalya sakaniyang batok atsaka tinignan ako. I am standing awkwardly in front of the door.
"Huh? Bakit naman? Kawawa siya, excited pa naman." Sabi ko.
"We'll talk first. I don't want her to see me beg for your attention." Sabi niya at tumingala sa kisame niya. Humakbang ako nang dahan-dahan papalapit sakaniya.
"Let's talk now. Pagkatapos ay ilabas natin si Karmela. Para rin m-malibang ka.." I whispered the last words. Bumalik ang tingin niya saakin.
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...