Lady and Heather were so busy asking us about jojowain, totropahin, and our love standards. I am just listening to them since all of the sudden, my head aches.
"How about that lady Vasquez? I saw you at the coffee shop with her, ah!" Ani Lady. Umayos ng upo si Keanne. Inangat niya pa ang baba niyang nasa balikat ko kanina. I didn't mind him. Busy ako sa pag-press sa puson ko dahil medyo masakit ito.
"Just groupworks." Sagot ni Keanne. Lady teased him kaya nadamay pa ako. Hindi nagtagal ay nagpaalam ako na papasok muna ako dahil masama ang pakiramdam ko.
"Are you okay?" Tanong ni Keanne, ayaw akong pakawalan. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at naglakad papalayo. I suddenly feel pissed about something. Bukod sa masakit ang puson ko, masakit pa ang ulo ko, kaya mas madali akong mairita.
Humiga lang ako sa sofa sa sala. Mamayang gabi ay balak nilang mag-movie marathon dito. May malaki namang TV dito at smart TV din kaya siguradong hindi kami mahihirapang mag-set up.
Ilang sandali lang ay may narinig akong pumasok mula sa pintuan. Narinig ko rin ang tunog ng air-con, hudyat na binuksan iyon.
"Are you okay?" Narinig kong tanong ni Keanne. Naramdaman ko ring lumapit siya saakin. Nakadapa lang ako sa sofa, busy sa paglalagay ng unan sa puson. "Are you mad?"
"No.." Halos pabulong kong sagot. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Lalabas kami nila Kuya Paul. May titignan kaming lupa malapit dito. May gusto ka bang pabili? What about miryenda and dinner? My treat." Tuluy-tuloy na salita niya. May nabibili bang hot compress sa malapit? Oh, I don't know. I left mine.
"Painkillers?" Patanong na sagot ko. Yes, painkillers will actually work, right?
"Why? Anong masakit sa 'yo?" Naalarma niyang tanong. He even put his palm on my forehead. "Cramps? Period Cramps?"
Tumango lang ako sakaniya, hinahanap pa rin ang pwesto kung saan hindi ko mararamdaman ang sakit ng puson ko.
"Are you sure that's enough?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa gilid ko.
"Pansamantala lang. I will try to find heat packs sa labas." Ipinatong niya ang makapal na tela sa puson ko. Maligamgam iyon kaya unti-unting nawawala ang sakit ng puson ko. "Here's water."
Iwinagayway ko lang ang kamay ko, pinapaalis na siya. He was hesitant to go but he still grabbed his car keys. Pagkalabas niya at tumayo ako sa kinahihigaan kahit masakit. Dumaretso ako sa banyo para maglagay ng pad. Hindi pa naman nagsisimula, pero malakas ang kutob ko na maya-maya lang ay mayroon na. Buti nalang at mayroong stock ng napkin sa banyo. Pagkatapos ay bumalik ako sa sofa para humiga.
Naririnig ko ang videoke mula sa labas. Kumakanta ata sila. Hinayaan ko lang sila at pinikit na ang mata, dinadamdam ang ligamgam ng telang dala ni Keanne kanina.
Nagising ako nang may pumulupot saakin na comforter. Bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Keanne. He tried to lift me up. Of course, he succeeded.
"Where are we going?" I whispered. Wala ata akong lakas. I am usually like this during my menstruation days. Especially ngayon na first day ko.
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...