Epilogue

157 0 0
                                    

Thank you for making it this far. I hope you enjoyed Keanne and Brittany's sunsets over the seas! 🌅 Happy reading! ♡

。*゚+*.✧ 。*゚+*.✧ 。*゚+*.✧ 。*゚+*.✧

After she stole my first kiss in front of the sea, I've never forgotten her. Every night, I would punch my bed because of frustration. I want to give my first kiss to my first girlfriend who's going to be my wife. Then someone who I don't even know got it?

Hanggang sa makita ko siya nang sinundo namin siya sa tinutuluyan nila kasama ang mga pinsan ay talagang dala ko pa rin ang inis. It's been almost 15 years pero ayan na naman! She would just appear and leave whenever she wanted.

"Maganda 'yon, Kuya. Baka bet mo." Sabi ni Hailey, ang pinsan ko, mula sa likuran.

Hindi ako nagsalita at tiningnan ang babae binuksan ang pintuan ng van sa likod. Wala naman nang space roon. Shit, dito pa ata siya uupo sa tabi ko.

Tinukso muna siya ng pinsan kong si Lady bago siya sumakay sa gilid ko. Madali akong nainis dahil may tinatago na akong inis sa kanya dati pa kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pagsabihan siya sa suot niya. It's showing! Baka makita ng mga pinsan kong lalaki. Ano? Sila naman ang hahalikan niya at iiwan ding nakatunganga pagkatapos? Paasa.

"Magandang gabi po!"

Sumunod ako sa kanila nang sumilong sila sa hallway. Agad na hinanap ng mata ko si Brittany para sa kanya tumabi.

"Naabutan kayo ng ulan, ano? Kanina ay maganda ang panahon kaya hindi rin namin inaasahang uulan."

Nakita kong nagpunas si Brittany dahil sa ulan at pawis na rin sa pagtakbo. Anong gagawin ko? Should I offer my handkerchief? Baka ma-weird-uhan sa akin! Tumingin muna ako sa malayo para makapag-isip. Why's my mind clouded when it comes to her? Nakakainis.

"Oo nga po, eh. Sayang at kaka-set up lang namin sa dalampasigan." Sagot ng pinsan ni Brittany.

Hindi ko na matiis. Pinatong ko ang jacket ko sa kanya. Kung lamigin siya edi isuot niya. Pwede rin namang ipangpunas niya ng tubig ulan. Nataranta ako nang tinignan niya ako kaya pinaypayan ko ang sarili ko, nagkukunwaring naiinitan.
    
"It's hot." Sabi ko pa para maniwala siya. Medyo nilalamig na nga ako dahil nakatapat pa ako sa electric fan pagkatapos mabasa. "What?"

Ayaw atang maniwala sa 'kin! Ayaw akong lubayan ng tingin eh. Kinuha ko na lang ang dala niya para maisuot niya o maipangpunas ang jacket ko. Para na rin mabaling sa iba ang atensyon niya. 

"Akyat na po kami." Rinig kong paalam nila. Nakitang kong inayos ni Brittany ang jacket. Gago, ang cute pala. Bakit hindi niya pa suotin nang tuluyan? Let me see!

"Uy! Kay Keanne 'yan ah!" Halos pakyu-hin ko si Francis sa ingay niya pero hindi ko magawa dahil nasa tabi ko si Brittany.    

"I told you, guys!" Dagdag mo pa 'tong si Lady.

"I was feeling hot kaya pinahawak ko muna." Sabi ko dahil baka mailang si Brittany. Binaba ko ang mga dalang chips dahil kanina pa ako nangangalay.

"Hot? Ang lamig kaya because of the sea air and rain! Echos ka talaga, Kuya Keanne!" Binuksan niya ang isang chip.

I don't know if I'll be happy na kasama ko siya sa pagaasikaso sa event sa school. This is hella tiring pero at least kasama ko siya 'di ba? Pinakiusapan lang ako ni Hernandez, shit. Hindi ako makatanggi dahil sinabihan niya na pala halos lahat ng prof ko.

"Come with me." Tawag ko kay Brittany pagkatapos naming mag-meeting. Isasama ko na lang siya sa pag-che-check para hindi gaano nakakapagod. Tapos papabalikin ko sa room niya kapag gagawin ko na 'yong mga mabibigat na tasks.

What Comes After Sunset (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon