I finished arranging and put my things in the suitcase.Ngayon na ang alis namin dito sa Vigan nag desisyon kasi si na Mommy at Daddy na lumipat na kami ng bahay sa Manila.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong ito halos kabinet at isang kama nalamang ang laman nito.Isinara ko ang mga drawer para maayos tignan ngunit nakita ko sa loob nito ang isang lumang picture ng dalawang batang babae.
I'm the skinny kid in the picture and the one kid with the healthy cheeks is Yumi.My bestfriend for almost 10 years.
I will miss her.
Umangat agad ang ulo ko ng maalalang ngayon pala ako mag papaalam sa kaniya.Inilagay ko lang sa bag ko ang picture at bumaba na agad ako para pumunta sa bahay ni na Yumi.
Hindi ako nakapag paalam sa kaniya nung nakaraang araw dahil hindi niya ako pinapansin dahil nalaman niya na kaya hindi ako nakipag laro sa kaniya ay dahil may batang babae akong nakilala.Mabilis mag tampo si Yumi lalo na kapag inuuna ko ang iba kesa sa kaniya.
"Yumi?" tawag ko sa pangalan niya habang hinahanap siya ng mga mata ko.Wala atang tao sa kanila dahil nakasarado lahat ng bintana.
Nakita kong nakakulong si Austine sa kulungan niya kaya nilapitan ko ito para makapag paalam.Aso ito ni Yumi ,dati lagi ako nitong tinatahulan tuwing pupunta ako dito pero isang araw hindi niya na ako tinatahulan, sabi ni yumi baka nasanay na raw si Austine sa akin.
"Hi Austine"I touched his head."Aalis na ako,lagi mong babantayan si Yumi"
"Bianca andito ka pala"Tawag sa akin ni tita Jo.
"Tita nakita niyo po ba si Yumi?"
"Kaninang umaga nung pasakay na siya sa car, aalis ata sila"tita Jo said.
"Saan raw po ang punta nila....Matatagalan po ba kaya sila makauwi?"
"Siguro,dahil may mga dala silang bag"I just shook my head pano nato hindi ako makakapag paalam kay Yumi baka sa susunod na mag kita kami hindi na ako pansinin non."Ikaw saan naman ang punta mo?" tita Jo asked.
"Ngayon po kasi ang lipat namin sa Manila,kaya ko po hinahanap si Yumi dahil hindi ako nakapag paalam sa kaniya na ngayon ang alis ko" I said
"Ganun ba.....ganito na lang magsulat kana lang sa papel tapos iaabot ko sa kaniya dahil baka hindi kana niya maabutan"napangiti naman ako sa sinabi ni tita Jo
"Sige po"agad akong umuwi at kumuha ng papel at lapis para isulat ang paalam ko kay Yumi.
Inabot ko ang papel kay tita Jo"Mag iingat ka doon Bianca sana makabalik ka uli dito sa Vigan baka hanap hanapin kanun ni Yumi"
"Opo, pabigay na lang po yan kay Yumi at pasabi po na babalikan ko siya dito"
"Bianca aalis na kayo!"tawag sa akin ni Nanay.
"Lakad na baka maiwan kapa,iaabot ko nalang ito kay Yumi"
"Salamat po tita Jo"
Sinakay na lahat ng gamit sa Van.Before getting in the Van, I rolled my eyes around the house.
I'm gonna miss this place and the people that I meet here lalo na si Yumi.
Hindi pa naman siguro ito ang huli naming pag kikita.Babalik ako....babalikan ko pa ang bestfriend ko.