Chapter 15

396 34 20
                                    




Isang buwan na ang nakalipas simula nang iwan ko si Miss Montero sa Tagaytay matapos ang pag aaway namin. Akala ko panga nung gabing yun ay lalakad ako pabalik ng Manila dahil wala naman akong dalang sasakyan. Ang phone ko naman ay hindi ko na alam kung sino ang may hawak o di 'kaya kung gumagana pa ba.

Nakitawag na lang ako sa tindahan na nakita ko nung gabing 'yun at mabuti na lang ay natawagan ko si Sanndy at siya ang sumundo sa 'akin.

Hindi pwedeng malaman ni Ashtine o ni Fatima ang nangyari. Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan kung malaman man nila. Knowing that Ashtine is very OA baka kung ano pa ang pumasok sa utak 'nun at may magawang hindi maganda at alam kong sasabwat din si Fatima doon.

"Feeling ko may gusto talaga siya sa girl 'e" Pag pupumilit pa rin ni Sanndy. Kanina pa niya inuusisa kung tama ba nag hinala niya tungkol sa issue kay Fatima, na nakikipag date raw ngayon sa isang sikat na Model.

Maging si Sanndy ay nakikigulo na rin sa mga Nurse na nakukumpulan dito sa Canteen.

Kanina ay tahimik naman kaming kumakain dito tapos ang bwiset na si Sanndy ay may narinig tungkol sa kaibigan namin. Kaya tinawag niya yung tatlong Nurse at naki chismis rin.

Imbis na ipagtanggol si Fatima ay mas hinihikayat niya pa na totoo raw yun.

"Sanndy! tama na nga yan, hindi ka pa tapos kumain" Pag saway ko at sumenyas sa mga Nurse na bumalik na sa table nila. Naka simangot namang umayos ng upo si Sanndy at kumain na uli. "Hoy! ikaw pag nalaman ni Fatima na mas pinapalala mo pa ang issue niya malalagot ka dun" Pananakot ko pero inirapan lang ako nito.

"Ano ka ba naman babe, minsan lang mapabalita na lumalandi ang bestfriend natin, kaya dapat todo support tayo" Nabato ko kaagat sa kaniya ang tissue na gamit, nailagan niya naman iyon. Support? Ibang klase talaga na kaibigan ito.

"Hindi ganun si Fatima, maharot yun pero wala naman planong makipag date yun at sa babae pa?" Pag kontra ko. Really? Wala namang nasasabi si Fatima na bisexual siya. I know Fatima, she's straight as ruler.

"Bahala ka! Basta ako boto na ako sa girl, di na lugi si Fatima Vennise don 'no!" Natutuwang sabi nito at parang nag daydreaming pa sa harap ko. "At ikaw! wag mo rin idamay si Fatima sa pag katorpe mo"

"Anong torpe pinag sasabi mo diyan? Kumain ka na ngalang!" Wala naman akong nililigawan kaya bakit ako magiging torpe? Hindi rin ako manliligaw 'no, lalaki ang gagawa 'nun at hindi ako.

"Attention, calling for Nurse Bianca please proceed to President's office. Thank you and good day everyone"

Napalingon naman ang iilan na narito sa Canteen sa akin nang mag salita ang announcer. Maging ako ay napatingin sa speaker na narito sa Canteen. Hindi lang ako ang Bianca dito. Please, Hindi lang naman ako di'ba?!

"Hoy! Ano pang inuupo mo diyan? Tawag ka na nang bebe mo"Natatawang sabi sa akin ni Sanndy kaya binato ko na naman siya ng tissue. "Aray!"

"Ang arte mo, baka hindi naman ako yun"

"Again, Nurse Bianca Santos your presence need in President's office.Thank you"

Napapikit ako nang mariin nang madinig ko na ang buong pangalan ko. Bago tumayo ay matalim ko munang tinignan si Sanndy na nang aasar na nakatingin sa akin.

Wala namang something sa 'amin ni Miss Montero. Issue talaga nitong babae na'to.

Akala siguro nito ay sweet kami kapag mag kasama. The heck. Kung alam niya lang kung paano kumulo ang dugo sa akin ni Miss Montero.

Until She ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon