Chapter 13

333 28 2
                                    



"Thank you po Nurse Bianca" Napangiti ako at tumango sa kaniya bago siya lumabas sa clinic. She's my third patient na dumating ngayong araw dito sa clinic ng University.

Kakatanggap ko pa lang ng offer ni Mr. Garcia noong isang araw ay sinabihan niya na akong mag sisimula na ako kahapon agad, kaya pangalawang araw ko na dito sa loob ng University bilang isang Nurse. Kahapon ay may mga Nurse student na nag welcome sa 'akin pag pasok ko dito sa clinic.

Syempre ay kasama na roon si Ava na pinaka maingay dito sa clinic kahapon.

Hindi ko pa rin nakikita ngayon ang babaeng yelo- I mean si Miss Montero ang huling pag uusap namin ay hindi naging maganda, kaya siguro'y mas maganda na hindi muna kami nag kakasalubong. Masyadong mainit ang dugo sa akin ni Miss. Cute naman ako, maganda ang mga mata ko. Hindi rin panget ang boses ko kaya hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo sa 'akin nang babae na yun.

Nevermind.

Hindi ko na problema yun kung ayaw niya sa 'akin basta ako gusto ko siya. Let me rephrase. Gusto ko siyang bumalik bilang kaibigan ko uli at maging kaclose like before.

Luch break na ngayon, medyo hindi ako sanay na mag lalakad mag isa dito sa hallway papunta sa canteen ng school late na kase kami parehas ni Ashtine nagising kaninang umaga kaya parehas kaming nag decide na bumili nalang sa labas ng food.

Ang sabi ni Sanndy ay dito na lang kami sa canteen ng University para maiba naman raw. Ewan ko sa babae na yun e' mas mahal panga ang pag kain dito kesa sa canteen ng Hospital. Sa bagay' ay mayayaman naman ang mga studyante dito kaya wala na yun sa kanila.

"Babe" Salubong sa akin ni Sanndy sa entrance ng canteen. Naguguluhan ko itong tinignan dahil first time niya akong hinalikan sa pisnge sa public. Kaya masama ko itong tinignan pero tinawanan lang ako nito at hinila na papasok sa loob. " Let's go I'm hungry na"

Nang makapasok kami ay madami ang nakatingin sa 'amin ni Sanndy. Nung una ay nag tataka ako kung bakit pero napag tanto ko nalang kung gaano kadikit ang babaeng katabi ko.

"Oh my! sila ba ni Nurse Sanndy?" Rinig ko na mga bulong ng mga student na madadaanan namin. Kaya napasapo na lang ako sa noo.

"Sai bumitiw kana nga" Iritang bulong ko dito pero mas hinapit lang ako nito palapit sa 'kaniya.

"Upo kana dito, ako na mag order ng food natin" Paalam nito ng makahanap kami ng table. Tumango na lang ako at umupo na. May iilan pa rin akong nakikita na nakatingin sa 'akin kaya ngumingiti na lang ako sa kanila, ang pinag tataka ko ngalang ay umiiwas agad sila ng tingin tapos yung iba namumula pa. Ang weird ng mga students dito.

Nang makabalik si Sanndy dala na ang mga pag kain na inoder niya."How's the second day here?" Tanong nito habang may laman pa ang bibig.

"Ano ba yan Sai lunukin mo muna ngayang na sa bibig mo" Pag sermon ko dito kaya napasimangot ito. Ganito talaga ang babae na ito kapag ako ang kasama ay bumabalik sa pag kabata. "Okay naman may mga student kanina na dumating sa clinic kaya marami rin akong inasikaso kanina" Sagot ko dito.

"Sorry hindi kita nasamahan dito kahapon"

"Ano kaba, okay lang yun sayang ngalang dahil hindi  mo nakita ang pag welcome ng mga Nurse student sa 'akin" Masayang sabi ko habang inaalala kung gaano kasaya kahapon. I find it cute.

"That's good, so I assume na meron kanang friends dito" Nanlilisik ang mata ni Sanndy na tumingin sa akin.

"Second day ko palang friends agad. I'm busy" Sagot ko dito na nag pakamot sa kaniya. Sanndy's always pushing me to have a new friend or palawakin ko pa raw ang circle of friends ko. Ang boring ko raw kase sa buhay.

Until She ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon