"Sorry Bianca na late kami" Biglang sulpot ni Fatima at ni Ashtine. We're here sa Tim&Tam cafe.Wala kaming pasok ngayon ni Sanndy. It's been Two months simula nung nakapasok ako sa YGU Hospital.
"Bakit ngayon lang kayong dalawa?" Tanong ko sa kanila at tinignan sila ng masama. Halos kalahating oras na kaming nag iintay dito sa cafe ni Sanndy.Yeah. Kasama ko ang lintang yun. Pero wala siya dito dahil nag cr siya.
"Eto kasing si Ashtine sobrang tagal mag ayos" Pagsisi ni Fatima na agad naman na pinatulan ni Ashtine.
"Hoy! ikaw kaya ang matagal" Hindi talaga sila nag papatalo sa isa't isa." Asan na nga pala si Sanndy? hindi naman siguro umalis, dahil sa inip?" Bakas na ang dismaya sa mukha nang dalawa, dahil sa akala nilang umalis na si Sanndy.
Asa pang umalis rin ang isang yun. Sabi niya panga kanina e, kahit raw abutin siya ng gabi kaiintay makilala niya lang raw ang dalawa. Feeling niya raw kase ay magiging close silang tatlo.
"Umalis na" Pag sisinungaling ko sa kanila na naging dahilan para manlumo ang dalawa." Pag intayin niyo ba naman ng kalahating oras ang tao" Sabi ko habang umaaktong dismayado. Naniniwala naman sila sa mga sinasabi ko, dahil naka subsob na ang mukha ni Ashtine sa mesa, habang si Fatima naman ay nakasimangot na.
Grabe ang hirap mag pigil ng tawa.Pero hindi ako pwedeng bumigay, dahil lang sa mga itsura nila.
"Sayang naman. Ikaw kase e!" Pag mamaktol ni Fatima.
"Ang kapal mo! kung hindi kana kase dapat naligo ng matagal edi sana kanina pa tayo nandito" Rebat ni Ashtine at inirapan pa si Fatima. Halos mawala na ang itim ng mata ni Ashtine sa pag irap niya, pero hindi nag patalo ang isa at inirapan rin ito. My goshh! parang mga bata."Kala naman may igaganda pa" Pabulong na sabi ni Ashtine. Ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ng katabi niya. Ako naman ay kanina pa sila pinapanood habang pinipigil ang pag tawa ko. Nalunod na siguro si Sanndy sa tabo ang tagal.
"Sobra ka-!" Naputol ang pag hihinakit ni Fatima ng may umupong mala anghel ang mukha sa tabi ko.
"Sorry guys, nag cr kase ako e" Nahihiyang sabi ni Sanndy. Habang nakatingin kila Fatima at ang mga gaga naman akala mo ay nakakita ng artista mga nakatitig lang sa babaeng katabi ko.
"You're Sanndy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ashtine. Halos mapunit na ang labi nilang dalawa sa lawak ng ngiti nila parehas.
"Oh.My! you are Sanndy Whong? the famous nurse in YGU Hospital" Halos itili na ni Fatima ang sinabi niya. Nagulat naman ako ng piglang magtayuan silang tatlo at nag yakapan habang mga kinikilig pa. Hello andito pa ako.
Napupunta na ang atensyon ng ibang tao dito sa cafe dahil sa ingay nilang tatlo. Hindi kase na wala ang mga tawa nila sa pag uusap nilang tatlo. Habang ako andito parang ako panga ang bisita dito, dahil hindi na nila ako pinansin simula ng mag usap silang tatlo. Take note, about lahat sa kalokohan nilang tatlo ang pinag uusapan nila.
"Buti, hindi ka natakot dyan kay Bianca Sai?" Napatigil naman ako sa pag kain at tinaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi ni Ashtine. Kanina pa nila ako pinapahiya.
"No, actually Bianca is so nice, nung una naming pag uusap" Nakangiting sabi ni Sanndy at itong mga kumag na ito ay nag tatakang tinignan ako. Why? mabait naman talaga ako sa tao.
"Hindi ka niya sinungitan Sai?!"
"Aba ang unfair nun Bianca Santos, tayo nung una nating kita e halos isumpa muna kami, dahil sa sama ng tingin mo sa amin" Ang over acting talaga nila.
"Pwede ba, tigilan niyo na yan. Kumain nalang kayo" Pag saway ko sa kanila bumusangot naman ang mga mukha nilang tatlo at nag patuloy na sa pag kain, dahil hindi na nga sila kumakain kakausap nilang tatlo at ang katabi ko naman aliw na aliw sa mga kauri niya.