Chapter 10

237 31 3
                                    



"Babe, wala nang pencils" Sabi ni Sanndy ng makalapit ito sa akin at hindi maipinta ang mukha. "Pwede pakuha? tinatamad na kase ako umakyat sa office" Sabi nito at nag papaawa pa. Tumango ako at agad na nag liwanag ang mukha niya.

"Ikaw na mag lagay niyan" Sabi ko at inabot sa kaniya ang isang box na puno ng mga biscuit.Kinuha niya naman iyon kaya pumunta na ako sa elevator.

Nasa YG University kami, dahil kailangan na naming ayusin yung mga ipamimigay sa mga taga Pampanga. Hindi naman masyado malayo ang YGU Hospital dito,dahil mag katabi lang naman ang University at building ng Hospital.

"Shit!" Nanlaki naman ang mata ko ng may mabunggo ako at nag laglagan yung dala niya.

"Sorry Miss, I didn't mean to-"

"Nurse Bianca!" Nang matapos namin pulutin ang mga gamit niyang nalaglag ay masigla itong nakating sa akin. Wow. Kilala niya ako. "Finally" Nagulat naman ako ng parang kinikilig na siya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakangiti ng alanganin. Nang mapansin niya ata iyon ay agad siyang natahimik. "Sorry, nabigla lang po ako na kayo yung nakabungguan ko" Nahihiyang sabi nito.

"Sorry talaga, okay kalang ba?" Bumalik ang ngiti nito at tumango.

"Ava po" Pakilala nito. She's pretty honestly, hanggang balikat ko siya. "Miss?" Napatigil naman ako sa pag check sa kaniya ng mapansin kong naiilang na siya. My gosh! umayos ka nga Bianca.

"I'm Bianca Santos, call me Nurse Bianca" Sabi ko at ngumiti sa kaniya, kaya medyo na wala ang pag kailang niya. "Are you okay, Ava?" Tanong ko ng mapansing namumula siya. "Nilalagnat ka ba?" Tanong ko uli. Agad naman itong umiling.

"Hi-hindi po Nurse Bianca, nahiya lang po ako sa ganda niyo. Nakikita ko na po kayo sa social media, pero I didn't expect na mas maganda ka pala talaga in person" Sabi nito na parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya. Cute.

"Student ka ba dito?" Pag iiba ko ng usapan, dahil sa totoo lang ay hindi ko kinakaya pag ang usapan ay tungkol sa akin. Baka maging kamatis na ako dito, madali pa naman akong mamula at madaling makita iyon, dahil sa maputi ako.

"Student po and I'm taking BS Nursing, kaya po masaya ako na kausap ko ang isa sa mga sikat na Nurse" Masiglang sabi nito at doon ay alam kong namumula na ako. I like her attitude. She's so talkative, pero hindi nakakairita.

"Hindi naman masyado and I'm happy too na naka kausap ako ng katulad mo na sobrang energetic" Natatawang sabi ko. Ang cute niya talaga." By the way wala ka na bang class, parang nag mamadali ka ata kanina e" Nang sabihin ko yun ay agad naman nanlaki ang mata niya na parang may naalala.

"Thanks po at pinaalala niyo, need ko na po umalis, ayoko pong malate sa klase ni Prof. Sungit" Mabilis na sabi nito at agad nang tumakbo. " Bye Nurse Bianca!" Napalingon ako sa kaniya at kumaway sa kaniya.

Nang mag lakad uli ako ay wala naman masyadong student sa hallway, siguro ay oras pa rin ng klase nila. Dito kami sa University nag ayos ng mga dadalhin sa Pampanga,dahil wala ng kwarto na pwedeng pag lagyan ng mga gamit na ipamimigay para sa mga bata. Bukod kase sa libreng check up at gamot ay mamimigay rin kami ng mga school supplies para sa mga bata doon.

Kaya hindi na ako nagugulat, kung bakit maraming natutuwa o gustong maka business partner ang mga Garcia,dahil mabait sila at mukhang maganda silang kasama sa negosyo. Nalaman ko rin na hindi lang Hospital at School ang meron sila. They also own a few famous buildings here in the Philippines, including the YG Building, idagdag pa ang iba pa nilang negosyo sa labas ng bansa. Kahit kaming may mga kayamanan at angat sa buhay ay manliliit na lang,dahil hindi matutumbasan ang pag aari nila.

"Ang bigat naman pala nito" Reklamo ko ng simulan kong buhatin ang dalawang box na puno ng mga pencils at may iba pa atang kasama, dahil may kabigatan. Nang mabuhat ko ay pinilit ko na bilisan ang pag pasok sa elevator, iniiwasan ko kase na makasalubong ang may ari ng katabi naming office.Nakahinga naman akong ng maluwag ng mag sara na ang elevator. Mabait sa akin ngayon si tadhana.

Until She ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon