Chapter 8

194 27 5
                                    




Nagising ako ng may marinig na ingay mula sa labas ng kwarto ko. Kaya naiinis na bumangon ako, para tingnan kung sila ate May ba iyon at si Nanay.

"Ganyan ka na ba kawalang kwentang Ina! Nica" Nagulat naman ako nang marinig ang boses ni Daddy. Nag lakad ako papunta sa Office ni Mommy, dahil doon ko si Daddy narinig.

"Wow. You have the guts to tell that shit on me. Tandaan mo Benjie, hindi ako ang nag simula ng kalokohan nato!" Napatigil ako sa pag hakbang nang marinig ko si Mommy.

Andito sila parehas. Kailan pa sila nakauwi? Kagabi ba?

"Wag mo sa akin sinisi ang kalokohan na ikaw lang naman ang may gawa. You lie to us Nica!" Nanginginig ang kamay ko nang makalapit ako sa saradong pinto ng office ni Mommy. Ito unang beses, na marinig ko sila na ganyan. Alam kong nag aaway sila noon, pero hindi nila sa akin pinapaalam yun, sadyang napapansin ko lang sa kilos nila.

Ang gandang umaga naman!

"A-anak" Napatingin ako sa pinto at nakita kong nasa harap ko na si Daddy, bakas sa kaniya ang gulat at sakit. Bakit ano bang nangyayari sa kanila? Ngumiti ako nang mapait sa kaniya at pinunasan ang pisnge ko.

Nang lingunin ko si Mommy ay nakatayo siya sa likuran ni Daddy habang nakayuko. "Kailan pa po kayo nakauwi?" Nakangiting tanong ko, kahit ramdam ko ang tesyon sa aming tatlo ay pinilit ko pa rin ngumiti. Alam kong pagod sila pag uuwi sa bahay, dahil galing sila sa trabaho at pagod na rin ako, pagod na pagod sa ganitong sistema namin.

"Kaninang madaling araw lang anak" Sabi ni Dad at niyakap ako. Kaya hindi ko naiwasang mapaluha uli. I miss this.Ang tagal kong nag antay sa kanila at sa mga yakap nila sa akin."Good morning, princess" Napakalas naman ako ng yakap kay Dad at tinignan siya ng masama. Ang laki laki ko na tapos princess pa rin!

"Dad naman, look I grow na po, I'm not a princess anymore" Reklamo ko na ikinatawa niya, kaya napangiti ako. Dad smile makes me calm. Daddy's girl ako kaya mas malapit at makulit ako kay Daddy. Lagi niya ako gustong naiinis, dahil raw nagiging kamukha ko si Mommy, kapag na simangot raw ako.

"You're still my only princess" Malambing na sabi nito at niyakap ako, pero mas mahigpit na ngayon. Alam kong hindi sila okay ni Mommy at ayaw ko naman na makialam sa kanila. Maybe ang away nila ay tungkol na naman sa trabaho, yun lang kase lagi ang pinag aawayan nila ni Mommy, kaya hindi ako nakikisali sa kanila, dahil wala pa naman akong alam sa trabaho nila.

My Mom and Dad is like a business partner. Pinag isa  nila ang company na pinamana sa kanila ng mga parents nila. Kaya mag kasama na sila sa iisang kompaniya at mag kasama rin nilang pinapalago ito.

"Bianca lets talk" Napalingon naman kami parehas ni Dad kay Mommy. Wala itong emosyon na nakatingin kay Dad, kaya tinignan ko si Dad na masama ang tingin kay Mom. Ramdam ko uli ang pag bigat ng tensyon sa kanilang dalawa. Ano bang problema nila? "Bianca" Tawag uli sa akin ni Mommy, tumingin naman ako sa kaniya nang nag tataka.

"We're talking naman na po Mom" Alanganing sabi ko at mas naging madilim ang tingin nito sa akin. Napayuko ako nang hindi ko kayaning tignan ai Mom. She's like a Monster now. Parang hindi niya anak ang kaharap niya ngayon, dahil sa tingin niya sa akin.

"Umalis ka muna Benjie kaka usapin ko ang anak mo" Sabi nito kay Daddy. Umalis si Daddy at patabog na sinara ang pinto. Kaya naman kinabahan ako bigla. Hindi ganun si Daddy, kapag alam niyang andito ako or nakikita ko siya. Pero iba ngayon, lahat ng kilos nilang dalawa ay parang iba. Kung umasta sila ay parang hindi sila mag asawa.

"How's your work in YGU Hospital?" Tanong ni Mommy. Lagi naman ganyan ang tanong niya sa akin. Kahit nga noong bata palang ako ay, about sa future work kona ang pinag uusapan namin. Mom's love that topic, but I hate it.

Until She ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon