" Problema no'n?" Nagtatakang tanong ni Sanndy. Nagkibit-balikat nalang ako.Hindi ko rin naman kase alam. Naiiling na pinagpatuloy namin ni Sanndy ako pagkain.
Tumagal kami ng halos isang oras sa Canteen ng Hospital, dahil na pagkwentuhan din namin yung magaganap na retreat next week. Mukhang excited na ang isang'to dahil gusto na namang mag shopping para raw sa susuotin niya. Pero kahit ako excited din.
Nagtaka pa nga ako dahil may retreat din pala sa trabaho. I mean mostly kase sa mga school talaga ginagawa yung mga event na'yun. Sabi naman ni Sanndy ay kaugalian na daw yun ng Hospital para sa mga employee nila. Kumbaga rest day na may activity?
" Sa ward muna ko babe" Paalam ni Sanndy ng bumalik na kami sa office.Tumango nalang ako dahil may ilang records pa'kong hindi tapos i-check.
Habang patuloy pa rin ako sa pag check ng records ay bigla ko namang naalala yung dala. Agad ko tinignan ang oras. 5 pm na rin pala. Kinuha ko ang paper bag na nag lalaman ng jacket ni Miss. Balak ko na kaseng ibalik agad sa kanya dahil baka may pag gamitan pa siya' nun.
Tinupi ko ito ng maayos at inamoy ng kaunti, naninigurado lang na hindi mabaho. Nakakahiya naman kaseng ibalik ko ito sa kaniya ng hindi nalalabhan. Nang maamoy ko ito ay bahagya akong napangiti, andito pa rin kase yung amoy ng pabango niya kahit nalabhan ko na'to. It smells like vanilla.
Since 5 pm naman na pumunta nako sa office nito, dahil tuwing 5 pm ang balik nito sa Hospital galing sa university. Nang makarating ako ay agad nakong kumatok pero napansin kong naka lock pa rin ang pinto. Ibig sabihin ay wala pa rin siya, pero 5 pm na.
Hindi ko naman siyang magawang intayin dito dahil may readings pa'ko . Kaya sinama ko nalang muna uli sakin ang paper bag at dumeretso na'ko sa library.
Kahit kase isa kanang Nurse, may mga bagay pa rin talagang need pa rin aralin. Lalo na kapag ang sakit ng pasyente ay hindi mo masyado alam. Don't get me wrong, may times talaga na nakaka bobo ang trabaho ko. Kaya feeling ko need ko rin aralin uli kahit papaano ang ibang symptoms ng mga sakit. Tulad ng sakit ng isa kong pasyente Pompe Disease. This one is really new desease for me since rare lang ang sakit na'to sa bansa natin
Nag patuloy lang ako sa pag babasa.Patagal ng patagal ay nararamdaman kona ang lamig sa loob ng library, lumipat nalang ako ng pwesto sa kabilang table para malayo masyado sa aircon. Pero abot pa rin dito ang lamig. Apat ba naman na aircon sa isang kwarto lang, sinong hindi lalamigin?
Nang hindi ko na napag tiisan ang lamig ay kinuha ko muna ang jacket sa paper bag. Wala kong choice matatapos ko naman na itong binabasa ko, dahil konting notes nalang ang hinahanap ko at matatapos na rin ako. Lalabhan ko nalang siguro uli.
After wearing it again. Her smells dominate in my sit. Grabeng pabango naman. Hindi na nga ko nadistract sa lamig sa amoy naman ngayon ng jacket ni Miss.
Nag patuloy ako sa pag babasa at minsan ay nag susulat ng notes. Kaunting page nalang at makakalabas na rin ako sa ref na room na'to. Kidding.
" You're wearing it huh." Napatigil naman ako sa pag sulat ng marinig na ang boses na mas malamig pa sa temperatura dito sa loob. Tumama ang mainit nitong hininga sa bandang leeg ko, dahilan para bumigat bigla ang pag hinga ko.
Nang makabawi ay agad ko itong hinarap, na dapat ay hindi nalang. Mabilis kami napalayo sa isa't isa. Muntik na yun Bianca!
Agad naman akong napaiwas ng tingin nang maramdaman bigla ang pag init ng aking mukha. Walang tao sa mga table ngayon ng library as in kaming dalawa lang.