Isang buwan na ang makalipas, simula ng huli kong makita ang babaeng yelo...I mean si Miss Montero.
Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko, noong nandyan siya naiinis ako, nung hindi naman na nag pakita mas lalo akong naiinis sa kaniya!
Mas lalo pang lumala ang pag iisip ko sa tuwing maalala ko ang huling tawag niya sa akin. Sa simpleng nickname na B, halos mabaliw na ako. Hindi ako papayag na siya si Yumi. I mean is, hindi ako naniniwala na siya. Ang layo kaya at malaki ang pag kakaiba nila sa ugali, kahit meron silang pag kakapareha sa kilos, iba naman sila sa ugali.
Mag isa lang ako ngayon dito sa office, dahil malapit na ang dinner break. Wala naman kase si Sanndy dito, dahil marami siyang inaasikaso ngayon. Over time na kami lagi sa trabaho.Nag overtime na ako, dahil magaling na rin naman na si Nanay pero hindi na siya lahat ang gumagawa sa gawaing bahay, pinag stay ko na si ate May para may kasama siya. Hindi na rin siya tumanggi.
"Hey babe!" Napatingin naman ako sa babaeng pumasok at bongga pang pumasok. Buksan ba naman ng sagad ang pinto. "Dinner?" Tanong ni Sanndy na may malawak na ngiti at kumikinang pa ang mga mata. May kailangan ang bruha na'to.
"Sure....But-"
"Let's go na babe I'm hungry na kase e." Maarteng sabi nito. Inirapan ko siya at tumayo na. Parehas kaming isang linggong ot ni Sanndy.
Sinusundan ko lang si Sanndy sa pag lakad. Parang bata naman siyang nag lalakad, minsan ang moody talaga ng babae nato. Kanina halos hindi na maipinta ang mukha niya sa hindi ko alam na dahilan.
Napatigil naman ako ng lumagpas kami sa canteen ng Hospital kaya humarap naman siya at tinaasan ako ng kilay. "What?"
"Hindi tayo doon?" Tanong ko at tinuro ang canteen. Umiling naman siya at nag lakad uli. Papunta kami ngayon sa parking lot.
"We're going to celebrate" Sabi ni Sanndy habang nag mamaneho, kanina pa ako nag tataka sa ngiti ng babae nato.
"Really?.....Ano naman yan?" Tanong ko at tinignan siya. Nang makasakay kami sa kotse ay mabilis na pinaandar ni Sanndy agad, gutom na siguro talaga ang mga alaga niya.
"Natapos ko na kase ang lahat nang pinagawa sa akin ng board, kaya dapat mag saya tayo" Masayang sabi nito. Kaya naman pala, mag sasaya talaga dapat simula kase ng gawin niya yun ay para raw siyang nasasakal pati ang oras niya na dapat ay pahinga ay inuuna niya. Tamad lang talaga ang isang Sanndy Whong. Kidding.
"Good to hear at may kasama na rin ako sa office" Natutuwang sabi ko, tinignan naman ako ni Sanndy na parang may nakakakilig akong nasabi. Ngumisi pa ang gaga."Bakit Sanndy Whong?" Mataray na tanong ko na mas lalong nag palawak ng ngiti niya.
"Do you miss me babe?" Malanding tanong nito na ikinapula ko. Kahit kailan talaga ay hindi mawawala ang pag kamalandi niya sa akin kapag mag sasama kami. "Ouch! I'm just asking lang naman babe" Natatawang sabi nito ng paluin ko ang braso niya.
Nag papark na siya.Malapit lang naman sa Hospital ang kakainan namin. Dito ako laging dinadala ni Sanndy kapag mag aaya siya ng dinner.
"Tara na gutom nako, inuuna mo pa yang kaharutan mo" Sabi ko at bumaba na sa sasakyan. We're here sa isang Italian restaurant. Mahilig kase si Sanndy sa ganitong restaurant, kaya maging ako ay nagustuhan na rin ito. Parehas kami ng taste pag dating sa pag kain. Mas mahilig ngalang si Sanndy sa matatamis, kaya palaging hyper.
Parehas na Pork Braciola and wine ang inorder namin ni Sanndy yun ang pinaka baborito naming dalawa sa ngayon, kaya yun lagi ang inoorder namin.Busog rin naman ako, ganun din siguro siya.
"Babe kailan free sila Fatima?" Tanong ni Sanndy kasabay nun ay ang pag dating ng pag kain namin.
"Hindi ko pa alam Sai, ask ko nalang sila later or maybe tomorrow baka nasa trabaho pa rin ang mga yun" Sabi ko at nag simula na kumain, ganoon rin ang ginawa ni Sanndy.