Chapter 12

288 33 6
                                    




Isang buntong hininga ang ginawa ko ng makaupo sa swivel chair ko. Narito ako ngayon sa office.Kakatapos lang ng duty ko sa lahat ng pasyente na naka assign sa akin.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod simula kaninang umaga. Marami kami ngayon inaasikaso na pasyente at halos lahat ay may kasong Dengue. Ito ang sakit ngayon ng karamihan, dahil na rin sa panahon na palaging umuulan.

Mapupuno na rin ang mga rooms dito sa YGU Hospital ngayon araw, dagdag pa ang mga nakita ko kanina na papasok pa lang sa emergency room.

Kaya lahat ng Nurse na may duty ngayon araw ay pinag overtime. Maging ang mga off duty ay pinapasok na rin. Hindi kase sasapat ang bilang ng naka duty ngayon, kaya kailangang papasukin rin sila.

Hinayaan muna kaming mag pahinga ni Doc. Salves kanina pa kase kami pabalik balik sa mga kwarto, para kuhaan ng blood sample ang mga patient. May'ron pangang nagalit sa 'amin na Nanay, dahil raw nakailang kuha na kami ng dugo sa anak niya. Wala rin namang kaming magawa yun ang kailangan kaya pinakalma ko na lang si Nanay at pinaliwanag kung bakit ganoon ang proseso ng pag gagamot sa anak niya.

"You're here na rin pala" Napabaling naman ako sa pinto ng pumasok ang pagod na Sanndy.

"Kababalik ko lang" Sabi ko at sinundan lang ang bawat galaw niya hanggang sa maka higa ito sa sofa na nakaharap sa mesa ko. Nakapikit ito at tila randam na ramdam ang pagod sa katawan niya.

Hindi naman kase ugali ni Sanndy ang mahiga, kaya tukoy kong pagod ito. Scratch that. Hindi siya pagod sa duty kundi kay Doc. Salves I mean yung about sa pag tatalo nila simula kanina pa.

"Stop minding it" Naputol naman ang pag alala ko sa kaning nangyari nang nakapit na nag salita si Sanndy pero nag dumilat ito at umayos na ng upo. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

Nakakabasa ba siya ng iniisip ng tao?

"Ano naman ang iniisip ko? Aber" Mataray na tanong ko pero tinawanan lang ako nito.

"I don't know" Sabi nito. " Gusto lang kitang patigilin sa pag iisip ng kung ano man yan" Dagdag pa nito na nag pailing sa akin.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa parang parehas kaming may sariling mundo ngayon dahil nakatingin lang sa kawalan si Sanndy tila malalim ang iniisip.

Doon ay nakaramdam ako ng lungkot gustohin ko man na matuwa na nakikita ko na tahimik ni Sanndy simula kanina ngunit hindi sa ganitong paraan. Pansin kong malungkot at tahimik ito nitong mga nakaraang araw. " I want ice cream Sai" Out of nowhere kong sabi para makuha lang ang atesyon niya.

Nag tataka naman itong tumingin sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. Ngiti na walang nakakatanggi kahit na sino. "Fine, let's go" Sabi nito ng hindi manalo sa ngiti ko.

Natutuwa naman akong tumayo at sumunod sa kaniya palabas. Napalitan naman agad ng pag tataka ang ngiti ko kanina.

I saw Sanndy seriously talking Miss Montero. Hindi agad ako lumapit sa kanila pinanood ko lang ang mga emosyon na meron sila doon ay masasabi kong seryoso ang pinag uusapan nila.

Lumapit na ako kaya nakuha ko na ang atesyon nilang dalawa. Nang tignan ko si Sanndy ay parang humihingi ito ng paumanhin na nakatingin sa akin. Why?

"Good evening po Miss" Pag bati ko ng makalapit ako sa kanilang dalawa at as usual walang naging sagot ito seryoso lang itong nakatingin sa akin. "K-kailangan niyo pa po atang mag usap, inatayin-"

"H-hindi babe, ikaw naman talaga ang kakausapin ni Ms.Montero" Alanganing sabi ni Sanndy na parang kinakabahan rin sa presensya ng babae na kaharap namin.

Until She ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon