"Nurse Bianca, bakit po ganyan yung face ni ate ganda?" Tanong ni Linxy habang nakaturo sa babae na kanina pa nakasimangot sa tabi ko.
"Ayusin mo nga yan pag iitsura mo Sanndy Whong nasa trabaho ka at nakikita ka ni Linxy" Pag sita ko kay Sanndy, pero inirapan niya lang ako at lumabas ng kwarto. " Linxy, wag mo na pansinin si Nurse Sai, very good ka pala ngayon,dahil maayos na ang lagay mo hindi ka na rin nilalagnat nitong mga nakaraang araw" Sabi ko kay Linxy at inayos kona ang mga gamit na nagamit ko kanina ng kuhaan ko siya ng dugo,dahil ito na ang huling blood test na gagawin sa kaniya. Nag karoon ng dengue si Linxy.
Mag iisang linggo na siya dito sa Hospital, kaya naging close na rin kami ni Sanndy sa kaniya. "Makakalabas na po ba ako Nurse ganda?" Natawa naman ako dahil ang cute niya. " Pero kahit gusto ko na po makapag laro, hindi ko naman na kayo makikita kapag naka labas na ako" Napatingin ako sa kaniya at nakatungo na ang ulo niya.
"Ayaw mo ba nun makakalaro kana kasama yung mga friends mo and I know naman na hindi pa ito ang huli pag kikita natin"
"Mag kakasakit pa ba ako Nurse Bianca, kaya po mag kikita pa tayo kase po pwede lang tayo mag kita dito sa Hospital" Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling, dahil sa sinabi ni Linxy.
"Hindi ganun baby, pwede naman tayo mag kita sa ibang lugar at hindi dito sa Hospital, pwedeng sa park kase diba mahilig ka pumunta doon" Sabi ko na nag paliwanag sa mata ni Linxy, tumango naman ito kaya napangiti ako.
" Lunch na" Sabi ni Sanndy at padabog na nilapag sa table ko ang isang paper bag ng Jollibee. Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay naka kuno't noo na nakatingin lang sa bintana.Bakit ba lahat na lang nang nagiging kaibigan ko ay may topak?!
Hindi naman ako magaling manuyo, kaya hindi ako nag kakajowa, dahil sa kanila palang tatlo ay kulang pa ang charming ko.
"Sai" Tawag ko pero hindi ako nito pinansin at kumuha ng mga papel sa drawer. " Sanndy" Pag tawag ko uli dito, pero padabog na tumayo ito at lumabas ng office. Laglag panga naman akong tumingin sa pinto na kakasara lang. Gracias!
Wala naman akong ginawa!
Ang sabi ko lang sa kaniya ay humingi siya ng tawad kay Miss Montero. Sumang ayon naman siya, tapos nung pumunta na kami kay Linxy, bad mood na siya. Wala naman kaming napag talunan.
Hindi ko na rin naman siya inaway tungkol sa pag iwan niya sa akin kay Miss Montero. Nakasalubong lang naman namin si Doc. Salves na may kausao sa isang sulok kanina, pero ano namang pake namin doon.Kaya anong dahilan para magalit siya?!
Red days niya ba?
Nang hindi ko parin maisip ang ginawa ko para magalit siya or what. Tumayo ako at hinanap siya."Hoy babae!" Tawag ko ng makita siya na naka upo sa bench dito sa garden.Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. Napahinto ako sa harapan niya at masamang tinignan siya.
"Sorry, wala lang sa mood" Nawala agad ang inis ko ng mapansing malungkot siya. Matamlay rin ang aura niya.
" Sai, ano bang nangyari?" Tanong ko umupo satabi niya. Nakatungo lang ito ng tignan ko siya sa mga mata." Ayos naman tayo kanina may nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?" Agad na umiling siya at nginitian ako ng malungkot.
"H-hindi babe, wala lang talaga ako sa mood" Sabi nito at nag iwas ng tingin. "Tara na nga, kumain na lang tayo" Pag aya sa akin ni Sanndy at hinawakan na ang kamay ko para tumayo na ako.Pero hindi ako nag pahila sa kaniya.
Akala niya madadaan niya ako sa pag kain. Hindi ako gutom!
"Upo" Nag babantang utos ko sa kaniya at inalis ang pag kakahawak niya sa kamay ko. She just fucking frowned in front of me, nanatiling nakatayo lang siya habang nakatingin sa mga bulaklak sa gilid namin. "Sige ayaw mo, tumayo ka diyan habang nag papaliwanag. You can start now"