Chapter 9

265 32 2
                                    



"Bianca! akin na nga yan" Pag pigil sa akin ni Ashtine  nang iinumin ko na uli ang isang bote ng beer. Kanina niya pa ako inaawat pero, hindi ako nag papaawat. Inirapan ako nito ng masama ko siyang tinignan. Bakit ba kase ito pa ang natawagan ko?!

"Please, hayaan mo muna ako" I said and pouted to her while showing my puppy eyes. Kaya padabog na binalik niya sa akin ang beer. "Thanks Ash sa pag sama, gusto ko lang talaga makalimutan muna yung mga nangyari" Sabi ko at nag iwas sa kaniya ng tingin.

We're here sa Lie's Bar, medyo malapit ito sa YGU Hospital. Ngayon lang ako nakapunta dito, dahil madalas ay sa iba kami pumupunta nila Fatima.

Tatlong araw na simula nung nag away kami ni Mom. Hindi ko alam kung naka alis na ba sila sa bahay, dahil pag katapos noon ay mabilis na umalis ako sa bahay at sa condo muna nila Ashtine ako nag stay, hanggang ngayon ay nandoon pa rin ako. Nag text naman ako kay ate May na bantayan si Nanay at ang bahay. Hindi ko na rin tinanong sila Mom kay ate May.

"Bianca" May pag babantang tawag sa akin ni Ashtine ng kinuha ko ang panibagong bote ng beer at ininom ito ng hindi pinapansin ang masama niyang mga tingin. Napailing na lang siya at sumandal uli. Hindi naman kase na inom si Ashtine ng beer, sinabihan ko siya na mag order na lang ng kaniya, pero ayaw niya dahil baka raw malasing kami parehas at walang mag uwi sa amin. Kaya ayan watcher ko siya.

"Hayaan mo muna akong mawala sa sarile ko Ash, okay kahit ngayon lang, dahil nakakapagod maging ako. This life is full of shit" Madiin na sabi ko. Kita ko ang pag aalala sa mata niya, tumango ito at umurong palapit sa akin, naramdaman ko ang pag sandal niya sa balikat ko. "Sorry, dapat nag papahinga kana pero andito ka sa lugar na'to" Sabi ko ng makarandam ng guilty. Galing siyang duty niya at nag bihis lang siya sandali at sumama sa akin. Wala si Fatima, dahil busy siya ngayong gabi, kaya hindi na rin namin siya pinapunta dito, pero sinabi ko sa kaniya kung nasaan kami. Kaya ayun, sermon ang inabot ko sa babaita.

"Okay lang, hanggat kaya ko na damayan ka, dadamayan kita. Pero wag kang mahiyang mag sabi ng mga problema mo kapag ready kana, okay?" Sabi ni Ashtine habang naka sandal pa rin sa akin. Hinayaan ko nalang siyang sumandal, pagod na rin siguro siya at inaantok na. Tumango ako at naramdaman ko naman ang pag buntong hininga niya.

Umalis sa pag kakasandal sa akin si Ashtine ng maramdaman namin parehas ang pag vibrate ng phone niya. "I'll just answer this, diyan ka lang at wag kanang makipag sayaw sa mga random guy!" Natawa naman ako sa huling sinabi niya bago tumakbo palabas. Kanina kase ay hinayaan niya akong pumunta sa dance floor at makipag sayaw sa mga tao doon. Hindi naman siya sumama, kaya hinayaan ko ang sarili ko na makipag sayaw sa kung sino ang lumapit sa akin. Pero may isang guy na muntik na akong halikan, mabuti na lang at nahila niya agad ako. Kaya naka upo nalang kami, dahil hindi niya na ako pinabalik. Natatawa nga ako kanina, dahil galit na galit siya muntik na raw kaseng makuha ng lalaking yun ang first kiss ko.

Nang maubos ko ang isang bote ay kinuha ko na ang last bottle na nasa mesa. Hindi na ako oorder pa, ramdam ko na kase ang init na ng katawan ko at nahihilo na ako hindi naman kase ganoon kataas ang alcohol tolerance ko pag dating sa mga beers, kaya mabilis rin akong mahilo, pero alam ko naman ang mga ginagawa ko, sadyang nahihilo lang ako at susuka minsan.

Akmang iinom na ako ng biglang may babaeng natumba sa akin,kaya natabig ang bote at natapon ng kaonti sa dress ko. Agad namang may humila patayo sa babae na mukhang lasing na lasing na. Bwiset na bruha yun! naiinis na sinundan ko nang tingin ang babae na natumba sa akin, akay na siya ngayon ng isang lalaki at paalis na sila. Wala mang sorry?!

Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa comfort room.Walang tao ng pumasok ako kaya padabog na binagsak ko ang bag ko sa sink at inilabas ang wet wipes ko. My gosh! amoy alak na tuloy ang purple dress ko!

Until She ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon