STACY POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiling sa oras na ito. Matatawa dahil sa naging reaction ni Magnus o maiiling dahil sa kamuntekan ng mawala yung first kiss ko.Tumingin ako kila Asher na silang nagbukas ng pinto na ngayon ay hindi hindi makapaniwala nakatingin sa amin.
Tumikhim ako at umalis sa pagkakaupo kay Magnus saka lumipat sa may kama. Tumingin lang ako sa kanila at doon na pagtanto na tapos na ang morning class namin.
Kainis ba naman itong president na ito at yung dalawang mukhang palaka na humila sa akin. Makakaattend pa sana ako kung hindi lang ako hinila.
Masyado sila, akala mo naman hila festival ngayon.
"Uh, president.. A-ano?" nauutal na tanong ni asher na tila hindi kayang tagalan ang tingin ni magnus.
"Anong ano? Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba kayo marunong kumatok?" hindi ko alam kung galit ito dahil hindi talaga kumatok ang mga ito o dahil sa halik kanina na hindi natuloy.
Oh, damn! Bakit ko nga ba iniisip ang pangyayaring iyon?
Feeling ko mamumula ako sa tuwing iniisip ko ang pangyayaring iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko nang biglang tumunog ito at sinagot. "Hello, kuya steve, may problema ba?" tanong ko ng hindi tinitingnan ang mga kasama ko sa loob ng kwarto.
"Nasaan ka? Bakit hindi ka umattend ng klase?" natawa ako ng mahina. "Hey, huwag kang tumawa, pinag-aalala mo ko. Kung pwede lang lumabas kanina ginawa ko na." dagdag pa nito na ikinatawa ko na talaga ng malakas.
Masyado talaga mag-alala ang kuya ko. Yung feeling na malingat lang siya na wala na ako sa tabi niya. Naku, hahalughugin na nito ang buong lugar.
"Relax, kuya nandito lang ako sa office ng SSG. Don't worry, kasama ko sila asher." sa tingin ko ay nakahinga na ito ng maluwag dahil nakarinig ko ang paghinga nito.
Tumingin ako kila Magnus na ngayon ay tahimik na lang na nakatingin sa akin. "Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Bellatrix, pumunta ka na dito sa cafeteria." i nodded kahit hindi naman niya nakikita.
"Okay, see you later." pagkababa ng tawag ay nagpaalam agad ako kila magnus na siyang sumama naman sakin dahil kakain na rin daw sila.
Well, lunch na naman kaya di ko na sila pinigilan at hindi naman ako ang may ari ng cafeteria.
Inilibot ko ang paningin at huminto ito sa pwesto nila Clarence na kausap ngayon si Nancy? Himala, sumama ang isang 'to sa table.
"Hey, anong nangyari sayo ate Stacy? Bigla ka na lang nawala kanina." tanong ni Clarence na unang nakapansin sa akin.
Umupo ako sa tabi ni kuya. "Tch, wag mo ng itanong sa akin, naiinis lang ako. Masyadong uso ngayon ang mga tao dito manghila." tila gigil kong sabi sa huli.
Tumawa si kuya sa tabi ko dahil alam niyang sa lahat ay ayaw ko na hinihila ako kaya nga minsan pilit pa ako pag si Clarence ang nanghihila.
Kumuha ako ng fries na nasa unahan ni kuya bago bumaling kay Nancy. "Anong ginawa ni Clarence para mapasama ka dito sa table, Nancy? Ang huling naaalala ko kasi ayaw mong dumugin ng mga so-called-fans ng mga ito." turo kila Clarence.
Bumusangot itong tumingin kay Clarence at pigil ang sariling huwag hampasin ang katabi. "Paano ba naman hinila ako basta basta pagkakita sa akin sa pinto ng cafeteria kanina. Hindi naman kasi pwedeng suntukin o sipain ko siya sa harap ng mga stupident na yan kung ayaw kong sugudin ako lalo, di ba?" asar nitong ani na ikinatawa namin ni kuya habang sila asher ay nakangangang nakatingin kay Nancy. Hindi siguro inaasahan na may pagkasadista ang isang 'to.
"Nerd ka ba talaga, Nancy?" sambit ni Caden na ikinatahimik namin.
Umubo-ubo si nancy na nasamid. "Okay, ka lang? Teka, ito tubig." si Clarence na natatarantang inabutan ng inumin si Nancy.
Napabaling ako kay Magnus na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko nagugustuhan ang mga tingin na ito na tila ba may ibang kahulugan.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain kahit nararamdaman ko parin ang mga tila nakakapasong tingin ng lalaking ito.
Huminga ako ng malalim. Ilang araw, linggo pa ba ang hihintayin namin bago tigilan ang pagpapanggap na ito.
Hindi naman literal na nagpapanggap kami dahil wala naman kaming niloloko, maliban sa walang nakakaalam kung anong apilyedo namin at kung saan kami nagmula.
Mapapansin niyo naman na tila mapangmataas ang ilan sa istudyante dito na ginagamit ang kapangyarihan para lang galangin o pagmataasan ang ibang istudyante.
Tumunghay ako sa pagkakaub-ob sa kama at lumabas. Nandito ako ngayon sa dorm habang si kuya naman ay tinangay ni Clarence, gigimik daw.
Nalaman ko kanina na may bar dito, bar na para talaga sa mga istudyante dahil kaunti lang ang alcohol na nakalagay.
Pero narinig ko na yung kabilang bar ay pangcollege which for those college student na nasa kabilang pader. Kung saan dati nag-aaral sila mommy.
Sa nalalaman ko ay nandito lang din yung sa loob ngunit nalalayo ang mga building na iyon sa building ng mga high school.
Well, wala naman akong pakialam don sapagkat hindi pa naman ako college at lalong hindi ko pa oras para lumipat sa kabilang parte.
Uminom ako ng tubig habang nakatingin sa labas ng bintana. Mula dito at natatanaw ko ang mga madidilim na parte ng gubat, gubat na kinalalagyan ng mga hideoout.
Hindi ko inaasan na ganito kalaki ang lupain na pag-aari ni daddy. Dahil sa pagkakaalam ko ay bagong gawa ang high school campus na ito, noong mga panahon nila dad ay college lang ang meron dito na nasa kabilang parte ng lugar.
Bakit ba nagugulat pa ako sa mga nalalaman ko kung sa mommy ko pa nga lang nakakagulat at nakakamangha na paano pa kayo kung pagsamahin ang dalawang pamilya na iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/282667932-288-k100064.jpg)
BINABASA MO ANG
Flame Academy: Princess Bella
Mystery / Thriller[FLAME ACADEMY: Second Generation] Maraming nagbago sa Flame Academy. Magkaroon ng bagong High school batches para sa mga kabataan nais mag-aral sa paaralan na ito. Katulad ng nakasanayan, may gang na nabuo o mabubuo sa paaralan na ito. Halika't s...