CHAPTER 11

788 33 6
                                    

STACY POINT OF VIEW
Nakakapagtaka na. May nangyari ba noong mga oras na nasa bar si kuya? Kung makangiti ba naman akala mo nanalo sa loto tapos palagi pang nakatulala habang nakangiti.

Nasiraan na kaya ito ng ulo? Just kidding.

Pero seryoso kung makangiti si kuya steve parang may nangyaring maganda na siyang ikinatutuwa niya.

Nakibit-balikat na lang ako at hindi pinansin ang kasabay kong nakangiti pa rin. Jusko, huwag ka naman sanang pagkamalan na baliw kuya.

Dumeretso kami sa classrom, saktong wala pa naman si Miss kulot, kulot kasi masyadong kulot ang buhok niya.

Bagay naman kay Miss yung buhok niya lalo na't kulay itim ito habang kayumanggi naman ang kulay ng kaniyang bahok–teka nga, bakit ko ba pinag-iniisip yung buhay ng iba? Kanina si kuya ngayon naman si miss.

Naku, naku ako na ang nababaliw!

Humalumbaba ako sa table ko. "Walang akong magawa.." bored kong sabi na ikinatingin nila Caden na nandito na rin pala.

Lumapit sa akin si Asher, literal na lumapit talaga dahil may akbay pang kasama na mabilis namang inalis ni kuya.

"Wag, masyadong mabigat ang braso mo kaya hindi pwede." singhal sa kaniya ni kuya. Tch, akala mo naman hindi sa kaniya mabigat.

"Ito naman, akala mo kagabi wala siyang inaakbayan na babae. Ang ganda pa naman." kunot-noo akong tumingin kay kuya. Uh, iyon kaya ang dahilan ng kaniyang mga ngiti kanina?

Hindi ko inaasahan na kahit dito ay dinala ni kuya ang pagiging flirty guy niya na talagang hindi ko alam kung kanino niya namana.

Sapagkat hindi naman maharot si daddy—uh, well, kay mommy pala maharot si daddy na kahit minsan sa harap namin naglalambingan. Pero yung paiba-ibang babae, naku hindi ko talaga alam kong kanino yon namana ni kambal.

"Bumalik ka na naman kuya sa pakikipagflirt sa mga babae?" ngiwing ani ko na tila ba nandidiri na ikinakurot niya sa pisnge ko. "Ouch! Don't pinch my cheek!" mabilis akong lumayo at hindi inaasahan na bumangga ako sa nasa likod ko.

Napatili ako at muntek ng lumagapak sa sahig kung hindi lang may sumalo sa akin at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

Tumunghay ako at natulala kay magnus na nakaalalay sa akin.

"Tch, tumingin ka sa tinatapakan mo sa susunod, Bellatrix. Kung ayaw mong sahig na ang sumambot sayo." aniya at itinayo ako ng tuwid.

Tumango ako. "Thank you." wala sa sariling sambit ko.

He smiled. "Just be careful next time, my lady." aniya saka umupo sa kaniyang upuan na nasa tabi ko lang.

Tumikhim ako nang mapansin na nakatingin pala sa amin ang mga kaklase naming chismosa at sinamaan sila ng tingin bago umupo.

Napabaling ako sa katabi ko na ngayon ay nakaub-ob na naman. Nasanay na ako dahil tuwing nasa classroom ay lagi itong nakaub-ob na hindi naman sinasaway ng mga guro.

Dahil siguro sa tuwing tinatanong ay lagi na lang tama na para bang nakikinig siya kahit nakayuko sa table.

"That's all for to day, you all can take your lunch." napaunat si Caden na muntek na akong tamaan kung hindi lang naiharang ni Magnus ang kaniyang kamay.

"Caden!" si magnus na hawak ang kamay ni Caden habang nakatingin ng masama dito.

Namumutlang kinuha ni Caden ang kamay niya kay Magnus at nauutal na huminga ng tawad. "S-sorry Stacy. Hindi ko napansin na matatamaan na pala. Kita sorry talaga, libre na kita, ayos lang?" aniya na habang sumasabay sa paglalakad ko.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon