NAPATITIG ako sa tatlong PT sa aking kamay. Nanlalamig ang palad ko habang may tumutulong luha sa mata. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya.
"My lady, what's the result?" bungad niya pagkalabas ko palang. Bakas sa kaniyang mukha ang pananabik.
Paano na lang kaya kung hindi ito ang resulta? Edi, nasaktan lang siya.
Napailing ako sa isipan. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganon bagay dahil nandito na ang resulta. Ito na, totoo na. Walang urungan kahit anong mangyari.
"My lady..." muli niyang tawag nang hindi ako nagsalita.
Inabot ko sa kaniya ang tatlong PT. Mahinang natawa nang tingnan niya ito.
Natulala siya sa mga ito. Hindi makapaniwalang umawang ang labi saka bumaling sa akin.
Tumango ako nang bumuka ang kaniyang bibig na akmang magsasalita na wala naman lumalabas.
"Yes, I'm pregnant. We're going to have a baby," masayang saad ko.
Inisang hakbang niya ang agwat namin. Marahan akong binuhat. Niyakap at ilang ulit na hinalikan ang tultok ng ulo.
"Oh, god. Magiging daddy na 'ko!" masayang bumaling siya sa akin. "My lady, magiging parents na tayo. Magkakaanak na tayo." tumango tango ako sa kaniya at hinaplos ang aking tiyan na hindi pa halata.
Wala pa itong umbok kaya naman hindi talaga namin napansin. Masyado pang maliit, nagsisimula palang mabuo sa akin.
Simula nang malaman namin na buntis ako ay naging mas maingat kaming dalawa. Hindi pa ito alam nila dad at ngayon palang namin planong sabihin.
Isang linggo na din kasi ang nakalipas matapos ang kaarawan namin ni kuya na hindi ko naman naenjoy. Pero may regalo naman akong natanggap na talagang iingatan ko, ang baby namin.
Mahina akong bumuntong-hininga. Kumapit sa kamay ni Magnus na nakalahad sa akin.
Kinakabahan ako hindi para sa anak ko at sa sarili ko kundi para kay Magnus. Kilala ko si Daddy kaya alam kong hindi niya ito palalagpasin.
Sana lang huwag niyang sasaktan si Magnus.
"Good morning, young lady Stacy."
Marahan kong inilibot ang paningin sa paligid. Ngayon na lang ulit ako nakabalik dito. Sapagkat noong mga oras na lumabas kami o nandito sa labas ng academy ay sa hotel na kami tumuloy. Kung hindi naman ay sa hideout ng Organization kami pumupunta.
"Where's mom and dad?" tanong ko sa isang katulong sa mansyon.
"Nasa library po sila ng daddy niyo," tugon niya.
Saglit akong nagpasalamat bago kami umakyat papunta sa second floor kung saan naroon ang library ni dad na siya din naman na opisina niya dito sa bahay.
Walang nagbago sa mansyon. Mas dumami nga lang ang mga mamahaling vase ni mom. Sigurado akong nakuha na naman niya ang mga ito sa mga bidding.
Mukha kasing hindi talaga biro ang presyo naman mga ito. Well, para kila mom barya lang ito.
Kumatok ako sa pinto. "Come in."
Bumaling ako kay Magnus. Tumango ito at ngumiti sa akin. Humalik sa noo ko bago kami magkasunod na pumasok.
Bumungad agad sa amin ang mga magulang kong nakaupo sa isang sofa. May mga libro sa table at papeles ba mukhang iyon ang ginagawa nila simula kanina.
"Oh, hindi pa kayo bumabalik sa academy?" umiling ako kay mom.
Hindi kasi kami sumabay kila Kuya Steven kahapon na bumalik dahil nga sa plano namin na sabihin ang pagbubuntis ko.
Alam na naman ni kuya iyon. Sadyang sila dad na lang ang wala pang alam pati na din ang ibang tao na hindi naman importante sa amin.
Mamaya, pupuntahan din naman sila ninang lisa para sa bagay na ito. Nais ni Magnus na malaman agad ng kaniyang mga magulang.
"Susunod na lang po kami bukas, mom."
Napatango siya habang si Daddy nakatingin lang sa papel na hawak niya. Kahit ngayon talaga nakapabusy pa din ni Dad.
"So, anong sadya niyo dito kung ganon? Kilala kita Stacy, hindi ka basta-basta uuwi lalo na kung hindi naman mahalagang bagay."
Napalunok ako. Ito na nga ba. Mabilis makapansin si Mom kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nandiyan silang dalawa ni dad sa mga pwesto nila.
Bilang Empress at Emperor.
"Mom.. Dad.." tawag ko na ikinatingin na din sa amin ni Dad. Napakaseryoso ng kaniyang tingin. "I'm one month pregnant," deretsong sambit ko.
Napahawak si mom sa kaniyang bibig. Bumaling sa tiyan kong flat pa din.
"You are pregnant.." muntik na akong mapatalon nang magsalita si dad gamit ang seryoso niyang boses na talagang hindi ko nagugustuhan.
Para lang siya si Mommy. Nakakatakot magalit. Hindi ko iyon kailanman itatago dahil totoo naman ito.
"... And you are the father, Magnus Villarreal," hindi iyon tanong ngunit statement. Para bang siguradong-sigurado na si Daddy.
"Yes, Emperor. I am the father—"
"OHMYGOD! NO, DADDY!" mabilis akong lumapit kay Magnus na ngayon ay nakaupo sa sahig hawak ang kaniyang banga. "Magnus, are you okay?" nag-aalalang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "Don't worry, i'm fine. Malakas yong suntok ng Daddy mo pero okay lang dahil deserved ko yon," kalmado niyang saad bago bumaling kay Daddy na hawak ni Mom ngayon. "Tito, ayos lang po kung suntukin niyo ko. Pero hindi ko pagsisisihan na may nangyari sa amin ng anak niyo. Mahal ko po si Bellatrix at gagawin ko ang lahat payagan niyo lang akong pakasalan siya," dagdag niya.
"Tangina! Ano pa bang magagawa ko? Buntis na ang prinsesa ko oh. Kaya talagang pakakasalan mo ang anak ko at pananagutan sila ng magiging anak n'yo." alam kong nais pa ni Dad na makasuntok ngunit hindi niya magawa dahil nandito ako sa harapan nila mismo.
Alam kong mahal na mahal ako ni Dad at sobra siyang mag-alala sa akin dahil sa nag-iisa akong babae ngunit meron pang isang dahilan na hindi ko pa kayang banggitin kay Magnus.
Iwinasli ko ang mga negatibong nais pumasok sa isip ko.
"Thank you, Tito. Don't worry, magiging mabuti po akong asawa't ama para sa kanila," masayang sambit ni Magnus kay Dad na marahan lang nitong tinanguan bago kami tinalikuran.
Bumaling ako kay Mommy. "Wala na din ako magagawa pero siguradohin mo lang Magnus na gagawin mo ang mga sinabi mo. Dahil sa oras na masaktan ang anak ko, siguradohin mong matindi ang kaparusahan mo," seryosong wika ni Mom na tinanguan ni Magnus.
Umalis din agad si Mommy para sundan si Dad. Kaya naman kaming dalawa na lang ni Magnus ang naiwasan sa library.
Nakangiting bumaling sa akin ito. Hinaplos ang tiyan kong wala pa naman umbok. "Baby, pakakasalan ko ang maganda niyong Mommy. Gagawin ko ang lahat para mapabuti lang kayong dalawa," mahina akong napaluha sa kaniyang sinabi.
"Magnus..." naluluha kong sambit.
Ngumiti siya sa akin, pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mata. "Shh... My lady, mahal na mahal kita, gayundin ang magiging anak natin."
BINABASA MO ANG
Flame Academy: Princess Bella
Mystery / Thriller[FLAME ACADEMY: Second Generation] Maraming nagbago sa Flame Academy. Magkaroon ng bagong High school batches para sa mga kabataan nais mag-aral sa paaralan na ito. Katulad ng nakasanayan, may gang na nabuo o mabubuo sa paaralan na ito. Halika't s...