EPILOGUE

899 34 6
                                    

Kaunti na lang ay tatama na sana sa akin ang bala ngunit bigla na lang may humarang na naging sangga ko upang hindi ako tamaan ganon din ang anak ko.

"N-No!" umiiling-iling kong ani at nanghihinang sinalo si Jericho na ngayon ay nag-aagaw buhay sa harapan ko.

Hindi ko inaasahan at hindi ko kayang paniwalaan.

"No! Why did you do that? Why did you save me?" tanong ko.

Umubo siya, humawak sa kamay kong nakapatong sa dibdib niya na patuloy sa pag-agos ng dugo.

Ramdam kong dumating na sila Mommy sa loob dahil kita ko ang pagprotekta ng mga tauhan namin sa anak ko. Ngunit hindi ko kayang ibaling ngayon ang atensyon sa laban dahil sa naging kaibigan ko na nag-aagaw buhay na ngayon.

"Prinsesa, the t-truth is I really don't want to do it. I w-want you safe but if I didn't do it my s-son will die..." muli ay umubo siya na dugo na ang lumabas.

Nanlaki ang mata ko. Hindi lang dahil sa pagubo niya kundi gayundin sa narinig.

"Y-you have a son? Damn! Jericho, don't die, may anak ka! No, please.." umiiling-iling ako ng makita ang paghihirap niya huminga.

Bumaling ako kay Magnus na siyang may hawak na sa aming anak. "Magnus, let's help him." tumango siya sakin saka senenyasan ang mga kalalakihan sa tabi niya.

"Go, carry him and take to the hospital." tatayo na sana ako ngunit hinawakan ni Jericho ang kamay ko.

"N-No.. I think I can't take it...  But P-princess please do me a f-favor. T-take care of my s-son. He's in my c-condo u-unit, VillaCondo 169," utal-utal niyang saad. Muling nagtagpo ang mata namin, kita ko ang pagkislap ng kaniyang mata at ang paghingi ng paumanhin sa mga ito.

"I'm s-sorry for w-what I did..."

"No, you didn't mean it, you said it. Please stay alive!"

Umiling iling ako nang makitang gumuhit ang ngiti sa labi niya bago pumikit. "I love you, I really do."

Umawang ang labi ko kasabay ng luhang tumulo sa aking mata. Wala itong tigil habang nakahawak sa kaniyang kamay.

He said, he loves me but I didn't know and I love my husband.

Nakuha kaming ligtas nila Mommy ngunit hindi naman namin nailigtas si Jericho. Malaki ang pasalamat ko sa kaniya ngunit nasasaktan ako.

Hindi ko nais na mawala siya at mas lalong hindi ko nais na iwan niya ang anak niya.

Wait, I need to take his child bago pa makuha ito ng kabilang panig.

Sabihin man na patay na si Mr. Vintura ay hindi parin ako makakampanti lalo na't buhay pa ang isang tao na nagpasimuno ng gulo.

Ang taong tunay na pumatay kay lolo.

Tumayo ako bumaling kay Magnus na kalong kalong si Stella. "Villarreal, we need to go to Jericho's condo. We need to take his child," malungkot kong ani.

Nalulungkot at nasasaktan parin ako. Lalo na ngayon nag-aalala ako para sa bata dahil nawala ang kaniyang ama dahil sa akin, dahil iniligtas niya kami.

"Hey, my lady. Stop blaming yourself, it's not your fault. Hindi mo inaasahan ang nangyari. Pero kung ako ang tatanungin thankful ako kay Jericho dahil nagawa ka niyang iligtas. Hindi ko man kinaya, nagawa niya."

Napatitig ako sa kaniya, nginitian niya ako saka marahan na hinalikan ang noo ko ganon din ang ginawa niya kay Stella bago ito iabot kila mommy.

Saglit namin kinausap sila mom na siyang umaasikaso ngayon sa labi ni Jericho. Hindi ko pa natatawagan sila Joy pero mukhang si Kuya Steve na ang bahala dito.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon