CHAPTER 30

666 45 6
                                    

Katulad nga ng plano. Tahimik at walang bakas kaming pumasok sa loob ng arena. Kanina bago kami umalis ay nagpost ako sa site ng academy patungkol sa challenge na iniaalok namin sa grupo nila Magnus.

Sa tingin ko ba naman ay hindi iyon pupunta dito kung may nangyari ngang hindi maganda sa kanila ni Ate Stacy. Kilala ko ang ugaling meron si Magnus. Sa ilang taon na naging magkaibigan kami nakilala ko na ito.

"They're already here." sambit ni Nancy na siyang nasa tabi ko mula dito sa tagong parte.

Lahat kaming myembro ng gang ay nandito kasama na si Queen na nasa taas, tahimik na nagmamasid kasama si James. Ewan ko ba kung paano napalapit si James kay Queen lalo na isang leader din ito ng ibang gang.

Kung naaalala niyo, si James ay secretary ng student council. Palaging kasama ni Magnus ngunit noong isang buwan ay naging kasama ni Ate Stacy dahil sa sandaling pumalit siya sa pwesto ni Magnus.

Alam niyo ba may napapansin akong kakaiba kay James pagkasama ko siya o nasa malapit lang ito. Feeling ko may connection kami na—uh, nevermind.

Napabuntong-hininga ako, naiiling na tumingin kay Nancy na nagmura. Damn! Kung hindi ko lang talaga kilala ang isang 'to baka nasabihan ko na siyang pangit, pangit ang babaeng nagmumura—Well, isa na si Ate Stacy sa mga mahihilig magmura kaya hindi ko talaga magawang mang-asar.

"Tangina! Sinong haliparot yung dikit nang dikit kay Supremo? Mukhang linta."

Napatingin ako sa kaniyang tinitingnan. Tama nga siya may isang babae ang pilit na kumakapit kay Magnus kahit halata naman na ayaw magpahawak ng lalaki.

Bumaling ako sa taas. Malayo man ako kay Ate Stacy ngunit sigurado akong kanina pa nito gustong manuntok.

'Patay ka, Magnus! Ginagalit mo lalo ang Reyna namin. Ipagdadasal na lang kita tol na sana kaawaan ka kahit kaunti ni Ate Stacy.'

Umakyat sa ring si Drea, ang emcee dito sa academy palagi. Isa din ito sa mga student council kaya sikat. Well, madaldal ang isang iyon at masyadong happy-go-lucky.

"Good evening, everyone! Masyadong madami tayo ngayon ah. Mukha talagang pinaghandaan ng lahat dahil siguradong nananabik kayo sa balitang nabasa niyo, tama?" nagsigawan ang mga ito na tila ba nananabik talaga.

"Masyado silang excited. Akala mo naman sila ang lalaban." inis na saad ni Nancy na umirap pa.

Naiiling ako, mahinang tumawa bago bumaling na lang sa baba. Kung saan naroon ang ring. "Uh, halata nga talagang excited kayo haha. Anyway, let's call Phoenix gang our rank one to come here on stage." napatsk ako.

Mamaya, makukuha din naman yan para sa Reyna namin. Wala naman talaga kaming balak na maging Rank one noon pa man dahil hindi pa naman kami binabangga ng grupong ito. Isa pa boyfriend ni Ate ang leader ng Phoenix na si Magnus habang si Kuya Steve naman ay girlfriend si Janelle.

Umakyat sa stage ang grupo ng Phoenix gang. Masasabi 'kong malalakas ang mga ito at higit sampo siguro ang lamang nila sa bilang namin.

Seryosong nakatayo si Magnus sa gitna katabi si Janelle at ang pinsan niyang si Marga na mukhang ayaw palapitin yung babaeng linta.

Aww, masyadong loyal talaga si Marga kay Ate Stacy to the point na pati ibang babae ay ayaw niyang hayaan makalapit sa pinsan.

"Now, let's call the challenger, Snake gang!" i smirked. Inalalayan ko si Nancy na hindi naman umangal sa akin. Seryoso kaming lumabas sa dilim kasama ang iba.

Napasinghap sila, gulat na napatingin sa aming na nagsisilabasan sa dilim. Hindi siguro inaasahan na kanina pa kami nagtatago sa dilim habang hinihintay na tawagin.

Ang hihina nila, hindi man lang naramdaman ang mga presensya namin. Siguradong madidisappointed si Tita Bea pagnalaman niyang ang mga anak ng mga kasama sa organisasyon ay ang hihina makiramdam.

"Shit! Bakit hindi natin naramdaman na nandito na pala sila?"

"Ohmygad! I thought hindi na sila pupunta."

"They are really scary!"

"Wait, wala yung Queen nila."

"Right, nasaan kaya? Wala din siya noong huling lumaban ang Snake gang sa rank 3."

Uh-oh, si Queen hanap nila? Nasa taas lang kaya.

"They still don't know that our Queen is here." ngising bulong ni Yvano.

"Poor them! Anyway, kailan bababa si Queen doon?" tanong ni Nancy ngunit ang tingin ay nasa kaharap.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na si Drea. Taka itong nakatingin sa amin katulad ni Magnus na para bang may hinahanap.

Tch, mukhang kilala ko na kung sinong hanap nila. "Snake gang, where's your Queen? Wala ulit?" tanong nito.

Ngumisi kami ngunit hindi nagsalita na ikinatikhim niya. Masamang tingin ang ibinaling ni Nancy sa babaeng linta.

"Babe, easy—Aray ko!"

"Gago, don't called me babe!" ngumiwi ako at pilit na tumango. Tangina! Brutal talaga kahit kailan.

"Hindi pa ba magiistart? I'm so naiinip na." biglang sambit ni linta.

"Shut up! Hindi ka kasali dito kaya manahimik ka. Ikaw ang may dahilan kaya nandito kami ngayon!" galit na sigaw ni Marga na ikinasinghap ng ilan.

Nakilala nila kaming misteryosong gang ngunit alam nila na nilalabanan lang namin yung mga may kasalanan sa grupo namin tulad ng mga nakaraang gang.

Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit ganiyan kagalit si Marga. Isa pa, isa siya sa mga taong nakakakilala sa amin sa likod ng maskarang ito.

"YOU—" napasinghap ang lahat na kahit kami ay nagulat ng kaunti sa biglang pagtalon ni Queen mula sa taas kasama si James na nakasuot din ng maskara ngayon.

Wala, nais niya daw maging misteryoso din kahit saglit.

"Bakit ba naman kasi may linta dito sa arena? Putak nang putak, saling pusa lang naman." malamig sa sabi ni Ate Stacy.

Masyadong malamig iyon, hindi tulad noon na malambing ang kaniyang boses na ginagamit pa para paglaruan ang kalaban. Ito ang dahilan kung bakit iniiwasan namin na masaktan o magalit si Ate Stacy sapagkat nakakatakot talaga siya.

"Miss Drea, let's start shall we? I really want to make this bitch shut up, like a robot without battery. Uhm, shutdown?" ngising niminsan ay hindi talaga namin nagugustuhan.

Nangilabot ang kabilang grupo kasama kaming kinakabahan din. Jusko, ano bang ginawa mong kalokohan, Magnus? Mapapatay ka talaga.

Kaibigan kita ngunit nais ko pang mabuhay. Bahala kang gumawa ng sariling paraan para malagpasan ang galit ng isang Del Fierro.

Magdasal ka na lang na sana hindi malaman ni Tito ito kung ayaw mong lalong magilitan talaga.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon