CHAPTER 41

680 27 16
                                    

"DON'T worry, Mister Villarreal. Maayos na ang kalagayan ng mag-ina mo. Ngunit pakiusap sana ay hindi na ito maulit pa sapagkat mahina ang kapit ng bata. Maswerte na lang talaga dahil nadala niyo agad siya dito. Ah, Mister Villarreal, may alam ka bang sakit ng iyong asawa?"

Kumunot ang aking noo. "Bakit? May sakit ba ang asawa ko?" tanong ko pabalik.

Nag-aalalangan siyang tumingin sa akin. "Mas magandang ang asawa mo na ang iyong tanungin. Baka may masabi akong hindi yata maaari," nagpaalam na itong babalik na lang sa oras na may kailanganin kami.

Napahinga ako ng malalim nang hindi mawala sa isip ko ang napag-usapan namin kanina ng doktor na tumingin kay Stacy. Hindi ko alam ngunit batid kong may nais iparating ang doktor na iyon.

Pinagmasdan ko si Stacy. Napakaamo ng mukha nito, wala ka din mababakas na sakit. Ngunit meron nga ba o wala? Sana'y mali ang aking iniisip.

Bumuga ako ng hangin kasabay nang pagmulat ni Stacy. "Thanks god. You're awake," masayang ani ko.

Inilibot niya ang kaniyang paningin. "Anong nangyari sa akin? Nasaan ako?" takang tanong niya.

"Hindi mo naaalala?" kunot-noong ani ko.

Saglit siyang tumahimik. Mukhang inaalala kung anong nangyari. "Ohmygod! Ang baby ko... Ang baby natin?" nagpapanic niyang tanong.

Mabilis ko siyang hinawakan. "Hey, relax my lady. Ayos lang ang kalagayan ng baby natin," nakahinga ito ng maluwag sabay hawak sa tummy niya.

"God! Akala ko may nangyari na sa kaniya. Dahil kung meron man baka hindi ko mapatawad ang sarili ko," mahina niyang saad.

Huminga ako ng malalim. Kagigising niya palang ngunit may nais akong malaman.

"May problema ba, Magnus? Kanina ka pa humihinga ng malalim," nag-aalalang tanong niya.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha saka bumuntong-hininga. "Stacy, may tinatago ka ba sa akin?" nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha, hindi din siya nakaimik sa akin itinanong. "My lady, may dapat ba akong malaman?" tanong ko muli.

Bumuka ang kaniyang bibig, iimik na sana nang bumukas bigla ang pinto ng kaniyang kuwarto.

Pumasok sila Mommy Bea at mabilis na lumapit kay Stacy. Tumayo ako para mabigyan sila ng pwesto.

"Oh, my daughter. Ayos lang ba ang kalagayan mo? Tumawag bigla ang kuya mo sa amin kanina," nag-aalalang saad ni Mommy Bea.

Tumango sa akin si Dad Steven na siyang ginawa ko din naman. Muling bumalik ang tingin ko sa asawa ko.

"Mom, dad labas muna po ako. Ikukuha ko lang si Stacy ng makakain," paalam ko.

Bago pa man ako makalabas ay nakita ko ang pagtingin sa akin ni Bellatrix. Nasa mukha nito ang pagkabahala sa hindi ko alam na dahilan.

Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na iyon binigyan pansin.

"HEY dude, gising na si Stacy?" salubong sa akin ni Stave pagkababa ko palang sa sala.

Tumango ako. "Yeah, kasama na niya ngayon sila Mommy Bea. Una muna ako, kukuha lang ng pagkain,"

"Sige,"

Dumeretso ako sa kusina. May pagkain na sa lamesa akong nakita kaya kumuha na lang ako saka ito inilagay sa isang tray.

Saglit akong nagtimpla ng gatas para kay Stacy bago binitbit ito pabalik sa taas.

Kakatok na sana ako nang mapatigil ako sa narinig. Nakaawang ang pinto kaya abot sa akin ang usapan sa loob.

"Mom, mukhang may nalaman si Magnus sa akin. Paano kung malaman niya ang sakit ko sa puso? Ayoko ko, mom! Mag-aalala siya sa akin na siyang iniiwasan ko," umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang naitulak ang pinto.

Lahat sila ay nalabaling sa direksyon ko. Nandito na din pala sa loob si Steve na gulat din sa akin presensya.

"M-magnus.." usal ni Stacy.

Pinasadahan ko siya ng tingin, naiiling na nag salita. "May sakit ka, Bellatrix? P-paano? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Hubby.."

Umiling-iling ako, inis na inilapag ang tray sa table na nasa tabi ko. "Asawa mo ko! Bakit mo tinago sa akin ito? Huwag mong idahilan na nag-aalala ka sa akin, mahal! Hindi sapat na dahilan iyon lalo na't ikaw na ang usapan," nagulo ko ang aking buhok sa pagkainis, pagkainis hindi para sa asawa ko kundi para sa sarili ko.

Bakit hindi ko man lang nalaman na may sakit na siya? Bakit hindi ko man lang ito napansin?

Umiiyak na mukha ni Stacy ang aking nakita nang tumunghay akong muli. Dahil sa mukhang iyon ay hindi ko napigilan ang sariling lapitan siya sabay yakap.

Mas lalo siyang umiyak na ikinataranta ko. "Damn! I'm sorry. Please, stop crying. Hindi ko sinasadyang masigawan ka," nagpapanic  kong saad.

Humikbi siya. "Hindi ka na galit? Pasensya na kung hindi ko sinabi sa iyon. Ayaw ko lang talagang mag-alala ka lalo na ngayon," aniya.

Huminga ako ng malalim sabay pikit ng mariin. "Naiintindihan ko," naiintindihan ko naman diba? Tama, naiintindihan ko. Mahal ko siya at wala na akong magagawa kundi alagaan na lang siya lalo.

"Siya, labas muna kami. Mukhang kailangan n'yong mag-usap na dalawa," saad ni Mommy Bea.

Bumaling ako sa kaniya sabay tango. Ngumiti lang sa akin ito habang ang dalawang lalaki ay tinapik lang ang aking balikat.

Nang makalabas sila ay naramdaman ako ang paghina ng hikbi ni Stacy. Gumaan na ito na parang tulog? Napailing ako nang makita ang tulog niyang mukha.

"Tinulugan mo ko. Paano tayo nito mag-uusap kung tulog ka?" naiiling na iniayos ko siya ng higa. Lalayo na sana ako nang mas lalong humigpit ang kaniyang yakap sa akin.

Wala akong nagawa kundi tumabi na lang din. Sa kasong ito ba naman ay alam kung hindi na ako makakawala kahit pa tulog siya.

Hinalikan ko muna ang kaniyang noo bago ipinikit ang sariling mata.

ANNOUNCEMENT!!

A/N: Final decision na po, gagawan ko din ng story si Spencer at iyong mga hindi mababanggit na pangyayari dito sa kwento nila Beatrice ay sa kaniya ko ilalagay. Napansin nyo naman siguro di ba na halos wala naman laban dito sa kwento ni Beatrice na dapat ay kwento din ni Steve na parang hindi naman nangyari dahil kay Beatrice at Magnus pala ako nagfocus. Kaya pasensya na po sa bagay na iyon.

Kung sisipagin ako, baka gawan ko din si Steve kaya pray tayong may maisip na din akong plot para sulat na lang.

So balik tayo kay Spencer, ayon nga gagawan ko na siya hindi ko nga alam kung kailan ko ipopost. Meron na din akong prologue.

I hope suportahan niyo din ang kwento ni Spencer!

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon