CHAPTER 28

642 30 0
                                    

STEVE BRIXTON POINT OF VIEW
Tahimik akong nagmamasid. Pinagmamasdan ang kwartong nasa tapat nitong punong kinalalagyan ko.

Kanina pa ako dito habang nasa gilid naman ng pader si Janelle na nagbabantay sa akin. Hindi naman kasi maaaring siya ang umakyat dito.

Napailing ako nang marinig ang mga boses nila Clarence sa suot naming earpiece. Mukhang may nangyayari pa sa pwesto nila Stacy.

"Prince Brix, papasok na si Carlos sa dorm niya. Walang ibang tao sa loob maliban sa kaniya. Pwedeng dumaan si Janelle sa mismong pinto habang ikaw ay maaari diyan sa pwesto mo, sa bintana." saad ni Clarence na ikinatango ko.

Tumango ako kay Janelle. Umalis ito sa pwesto niya habang ako ay tahimik na umakyat sa may bintana. Kung sa ibang pangyayari ito baka pinagkamalan na akong magnanakaw.

Dahan-dahan kong binuksan ang bintana. Hindi naman ako nabigo sapagkat bumukas ito na mukhang nakalimutan ilock.

Mabilis akong nagtago sa may gilid ng kurtina nang mapansin itong lumapit sa may bintanang dinaanan ko.

"What was that? Guni-guni ko lang b—Damn! Gabing gabi na may kumakatok pa rin."

Napangiti ako. Sigurado akong si Janelle na iyon dahil nasa plano namin ang kakatok siya sa pinto.

"Who are you? Fuck!" napapailing akong lumabas. Masyado talagang mainipin ang isang ito.

Hindi man lang napigilan ang huwag sugurin. Sumandal na lang ako sa pader habang nakatingin sa kanilang naglalaban.

"AHHHH!"

Napahalakhak ako nang sipain ni Janelle ang nasa gitna ni Carlos. Mukhang masakit iyon ah. Gulat na bumaling sa akin si Carlos na hindi parin nawawala ang sakit na dulot ni Janelle.

"Base sa mukha reaksyon mo, kilala mo ko. Paano kaya?" naglalakad kong saad palapit sa kanila.

Namumutla siyang tumitig sa mukha kong may suot na maskara. "Isa ka sa huling lumabas sa kwarto ni Sio! Pinatay niyo yung kaibigan ko." galit niyang sigaw.

"Prince Brix, dalian niyo! Mukhang may nakarinig sa sigaw ni Carlos." nagtanguan kami ni Janelle saka mabilis na pinatulog ang lalaking ito.

Lumabas kami sa kwarto na buhat-buhat si Carlos na wala ng malay. Sinong mag-aakala na ang malainosenteng mukha ng isang ito ay kabilang pala sa mga taong bumabangga sa amin.

Nilisan namin ang lugar na wala man lang nakakapansin. Walang iniwan na kahit anong bakas na makakapagturo kung sinong kumuha o kung nasaan si Carlos Sevilla.

"Good job, children." bungad ni mommy pagkapasok palang namin sa Office nila.

Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa itinawag niya. Alam kong wala pa akong 18 but hell bakit naman children, mukha ba kaming bata?

Itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Janelle na mukhang inaantok na. Hinila ko siya palapit sa bisig ko. Hiyaan siyang doon matulog.

Binuhat ko si Janelle nang makatulog ito. Dinala ko siya sa kwartong tinuluyan namin kahapon, yung kwarto ko dito.

Marahan ko siyang inihiga ng maayos sa kama bago kinumutan. Simula nang maging kami ay nag-iba na ang ugali nito, hindi na katulad noong unang magkita kami sa bar. Yung mukha niyang may pagkabitch na lalandiin ang lahat nang gusto niya.

I sighed. Buti na lang talaga nabago ko siya kahit papaano. Dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa oras na may ibang lalaki siyang kasama.

Tumabi ako ng higa. Ipinulupot ang ang braso sa kaniyang bewang at hinapit payakap sa akin.

"Good night, honey." i kissed her forehead.

Tulad ng inaasahan. Maraming nagtaka kung bakit ilang araw ng wala ang magtiyahin sa academy.

Bago iyo sa paningin ng iba. Yung feeling na isang himala kung wala kang makikitang Professor Merle or Carlos Sevilla.

Hindi namin binigyan pansin ang nangyari. Kahit pa si Magnus na siyang Student Council President ay walang ginagawa. Umaakto lang itong walang alam kahit ang totoo ay meron naman.

"That's all for today, dismissed." sambit ng isang professor namin ngayon sa unahan bago lumabas.

Isa isang nagsisialisan ang mga kaklase namin habang kami ay nananatili pa rin na nakaupo. Palagi naman ganito kami. Hinihintay makauna ang iba bago sumunod.

Sabi nga ni Stacy 'Mas maganda ng huling lumabas kaysa naman makipagsisiksan na maiipit ka lang, may maaamoy ka pang iba.'

Baliw din ang isang 'yon pero totoo naman ang kaniyang sinabi. Masyadong matapang ang mga pabango ng mga istudyante dito. Ang sakit pa sa ilong lalo na pagnaghalo-halo ang amoy.

"Wahh, Gutom na 'ko!" napatingin kami kay Stacy. Nakanguso ito at inis na nakatingin sa kaniyang tiyan na tumutunog.

I chuckled. "Tara na, baka mamaya magwala ka na." natatawang ani ko saka siya inakbayan.

Wala ngayon dito si Magnus sa classroom dahil busy ito sa mga gawain sa Office nila. Yung girlfriend ko naman ay hindi namin kaklase dahil nasa kabilang section ito na madadaanan lang namin.

Huminto kami sa room ni Janelle. Sumilip ako sa loob na ikinadala ni Stacy palapit. "Si Janelle ba ang hanap mo, Steve?" tanong ng isang babae na mukhang kaklase ni Janelle dahil nasa loob ito.

Tumango ako. "Yeah, Where she is?"

"Janelle, nandito na boyfriend mo!" sigaw nito na mabilis naman na ikinatingin ni Janelle sa pwesto namin.

Ngumiti ito bago saglit na nagpaalam sa mga kaibigan. "Let's eat?" she nodded.

Napailing ako sa isipan. Nagmumukha akong playboy sa tayo ko nito. Nakaakbay ba naman ako kay Stacy habang nakahawak sa bewang ni Janelle na busy sa pakikipag-usap sa kapatid ko.

Parang display ako sa gitna nila. Gwapong display.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon