STACY BELLATRIX POV
Limang taon na ang nakalipas simula nang manirahan kami dito sa New york kasama ang magulang ni mommy. Kasama din namin ang bunso kong kapatid na si Spencer.Sa katunayan nga ay ang laki laki na ng batang iyon. Mula sa pitong anyos, ngayon ay nasa twelve years old na.
Ang tangkad na din nito, kunti na lang at malalagpasan na ko. Baka nga sa susunod na pagtatagpo namin ay mas matangkad na ito sa akin.
Right, babalik na kami sa pilipinas. Dahil wala na naman daw na hinaharap na problema ang organisasyon ay maaari na muna kaming bumulik kung nanaisin namin at iyon ang nais namin.
Babalik na kami bukas ng umaga sa pilipinas. Nakakungkot lang sapagkat hindi makakasama si Spencer dahil marami pa itong dapat gawin.
Naaawa at nalulungkot ako na ang dapat na masayang childhood experience niya ay naudlot pa. Hindi niya man lang naenjoy ito.
Alam ko naman na hindi din ito nais pigilan ni mommy ngunit nagkagipitan na talaga. Nabuntis ako, sa academy naman ang bagsak ni kuya habang si Spencer na lang talaga ang natitira para sa pamumuno sa organisasyon.
Alam kong kaya pa nila Mommy ngunit kailangan din naman maging handa sa maaaring mangyari. Maraming posibilidad na dapat paghandaan.
Mahinang bumuntong-hininga ako. Marahan na hinaplos ang buhok ng aking masayahing anak.
Nais ko man siyang bigyan ng payapa at tahimik na buhay ay hindi ko kaya. Hindi ko gugustohin na kumalas sapagkat mas mapapahamak kami pag nagkataon.
"Wife..."
Tumunghay ako, nginitian ang asawa kong wala man lang kangitingiti sa labi habang naglalakad palapit samin.
Dala dala nito ang mga bagahe namin habang ako naman ay karga karga ang anak naming ayaw ng bumitaw sa akin.
Nakanguso ito sa tuwing ibaba ko. Mag-ama nga talaga sila. Parehong mahilig dumukit sa akin.
Bored na nakatingin sa amin si Spencer nang makababa kami sa living room. Sa ilang taon na pananatili namin dito ay unti-unti ng namamana ni Spencer ang kalamigan at kaseryosohan ni Daddy.
Sa tuwing makakasalubong ito ng ibang tao ay para bang kalaban ito sa kaniyang paningin. Isa pa nagtataka na ako kung bakit hindi man lang siya nagdala ng kaibigan dito, ni' isa ay wala pa akong nakakasalamuha.
Masyado na siyang mailap sa ibang tao. Buti na nga lang nitong dumating sila mommy last month ay hindi siya ilag sa mga ito na siyang ipinagpasalamat talaga naming lahat.
Humakbang ako palapit sa kaniya, ininguso ang anak kong nakatingin sa kaniya.
"Tito..." cute na saad ng aming prinsesa na nagbigay ngiti sa kaniyang tito.
Tumango ako sa kaniya nang makitang nais lumipat sa kaniya ni Baby. Binuhat niya ito saka nakangiting kinausap.
Lumayo muna ako sa kanila. Pumunta kila lolo na ngayon ay kausap si Magnus.
"Mag-iingat kayo pabalik. Nasabi sa akin ni Bea, may susundo sa inyo sa airport na pagmamay-ari ng pamilya mo, Magnus." rinig ko pagkalapit.
"Nasabi din po sa akin ni Dad kagabi," saad ni Magnus.
Ilang saglit pa kaming nag usap bago nila kami ihatid sa airport. Hindi na sumama si Spencer dahil hindi niya daw nais makitang umalis kami o mas magandang sabihin na ayaw niyang makitang umalis ang mahal niyang pamangkin.
Masyado itong napalapit sa kaniya kaya hindi ko rin siya masisisi. Minsan ba naman siya na mismo ang nagbabantay dito pagwala kami sa bahay o kaya naman may ginagawa kami.
Hindi naman mayapat nandito kami sa new York ay hindi na kami magtatapos. Ayon pa nga ang naging isang dahilan upang mabusy kami.
Nag-aaral kami dito at last year lang kami natapos, same kaming about business ang kinuha.
MADILIM na nang makarating kami sa pilipinas. Tulog na din si Stella sa bisig ng kaniyang ama.
Nang makababa kami sa eroplano ay dumeretso agad kami sa may private room o private area na para lang sa pamilya Villarreal at sa mga kalapit nitong tao.
"Good evening, Mr and Mrs Villarreal. Maligayang pagbabalik po sa pilipinas,"masayang bati ng mga sumalubong sa amin sa loob.
Nasabi samin nila Mommy na sa mansyon na nila kami sa salubungin upang iwas pansin na din daw. Sumang-ayon din na ako dahil baka kumalat agad ang aming pagdating na magbigay gulo agad sa prinsesa namin.
Masyado pang maaga upang lumabas sa media ang mukha ng maganda kong anak. Ayokong pagkaguluhan siya ng mga mapanakit na tao sa mundo.
Lumaki siyang tahimik at puro pagmamahal sa New York kaya natatakot akong masaktan siya dito sa mapanghusgang katutohanan.
Nagpasalamat ako sa kaniya habang seryoso lang na tumango si Magnus. Hindi din naman kami ganon natagalsa loob ng private room dahil dumating na agad ang sunod namin which is nakakataka dahil dapat kanina pa sila nandito, una pa sa amin pero sinabi naman nilang nagkaaberya sa sasakyan.
"Good evening, ma'am," I just nodded and let them take our things.
Maayos akong umupo sa loob ng kotse, kinalong anak kong payapang natutulog parin.
Ang cute niya kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti at bigyan ito ng magaan na halik sa pisnge. Ang pula nito na bumabagay sa maputi niyang pisnge.
Kumunot ang noo ko nang makitang ibang daan ang tinatahak namin, hindi ito ang papunta sa mansyon ng aking mga magulang ganon din kila Magnus.
Damn!
"My lady, be ready. Nasa kamay tayo ng kalaban," bulong ni Magnus na nagtama sa akin hinala.
Mukhang nalusutan sila Mommy ngayon at talagang kami pa ang tinira nila. Maghanda sila sa akin sa oras na masaktan ang anak ko, uubusin ko talaga sila.
Patagong nagtagis ang aking bagang na mabilis naman umaksyon si Magnus para pakalmahin ako sa paghawak sa aking kamay.
Mahina akong bumuntong-hininga saka patagong hinaplos ang earrings ko na may tracking device. Mahina kong pinindot ang maliit na bato na magbibigay update sa hideout ng organisasyon na nasa panganib ako.
It's emergency alert
"Boss, nasa amin na ang babaeng anak ng mga Del-Fierro, kasama nito ang kaniyang asawa at anak." dumilim ang paningin ko sa narinig, plano talaga nilang kunin kami.
Ang galing naman. Talagang kung kailan bagong dating palang namin saka sila aatake, napakakj naman talaga nila.
"Yes, boss. Mukhang kanina pa din naman sila nakahalata kaya tinawagan na namin kayo," saad muli ng lalaki saka tumingin sa amin.
Nagtama ang paningin namin dala na naging dahilan upang umawang ang aking labi sa gulat.
Hindi ko inaasahan makikita ang lalaking naging malapit sakin ngunit bigla na lang nawala na parang bula at hindi na nagpakita.
"Jericho..."
Ilang taon na ngunit nandito parin ang sakit na siya ang dahilan. Si Jericho ay bestfriend ko noong hindi pa kami lumilipat ni kuya sa Academy.
Siya yong lalaking nandon sa tabi sa tuwing wala si kuya ngunit isang araw bigla na lang siya nawala pagkatapos namin ipakilala siya kila mommy.
Ang lalaking akala ko, hindi kami iiwan ay kabilang pala sa kalaban. Bakit ngayon ko lang napansin? Bakit ngayon ko lang naalala?
Nginisian niya ako na ikinahigpit ng hawak ko kay Magnus. "Nice meeting you again, Princess. Jericho Vintura is back!"
A/N: May bago na naman kalaban tauhan na naman po tayo. Last two chapters na lang friends.
![](https://img.wattpad.com/cover/282667932-288-k100064.jpg)
BINABASA MO ANG
Flame Academy: Princess Bella
Детектив / Триллер[FLAME ACADEMY: Second Generation] Maraming nagbago sa Flame Academy. Magkaroon ng bagong High school batches para sa mga kabataan nais mag-aral sa paaralan na ito. Katulad ng nakasanayan, may gang na nabuo o mabubuo sa paaralan na ito. Halika't s...