CHAPTER 43

552 29 5
                                    

"MALIGAYANG pagdating, mga apo," masayang bungad sa amin ni Mrs. Buenaventura nang makarating kami sa lugar nila.

Hindi katulad ng inaasahan ko. Wala sa city ang mansyon ng mga Buenaventura dito sa New York sapagkat malayo ito sa siyudad. Payapa at masarap ang simoy ng hangin.

Parang nasa province lang pero nasa ibang bansa nga lang.

Naglakad ako palapit kay Stacy, niyakap ito patalikod. I gently touched her tummy and kissed her head.

"My lord..."

"Hmm?"

"I'm excited to meet about baby. Gusto ko na siyang mayakap."

"Miski ako, mahal. Nais ko na din makasama si Baby pero kailangan pa natin maghintay ng kaunti." naramdaman ko ang marahan niyang pagtango.

Ilang saglit pa kaming nagstay sa balkunahe ng mansyon bago bumaba para kumain ng tanghalian. Pagkababa ay nakasalubong namin si Spencer. Wala ito kanina nang dumating kami.

"Ate, it's true, you're here." maliit ang ngiting bumaling ito sa kapatid bago yumakap.

Napapansin ko ang pagkakapareho talaga ni Spencer kay Daddy Steven. Katulad ng kaniyang ama, masyado itong seryoso na para bang hindi marunong ngumiti.

Tumango ako sa kaniya nang humarap ito sa akin. "Good day, Kuya Magnus," bati niya.

Marahan kong ginulo ang kaniyang buhok na ikinangiwi ng kaniyang labi habang ikinatawa naman ni Stacy.

Mukhang hindi niya gustong may gumugulo sa kaniyang buhok haha.

"Villarreal gusto ko nga ng strawberry!" nagwawalang sigaw ng buntis kong asawa sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Ayos lang naman sa akin kung nais niya kumain ng strawberry pero ngayong oras? Damn, saan ako hahanap?

"My lady, sarado na ang mga tindahan ngayon. Hatinggabi palang kung hindi mo alam," napapakamot sa noong saad ko.

Umiyak itong tumingin sa akin na siyang ikinabahala ko. Mabilis kong inabot ang cellphone ko saka tinawagan ang taong alam kung makakatulong sa akin ngayon.

"Damn, man! Anong oras na sa tingin mo? Inaantok pa ako!" reklamong bungad nito sa akin pagkasagot ng tawag.

Hindi ko pinansin ang kaniyang reklamo. "James, nandito ka pa sa New York di ba?" tanong ko.

"Yes, i'm still here. So, what do you need?"

Bumaling ako kay Stacy na ngayon ay tahimik ng nakatingin sa akin. Ngumuso ito nang magtama ang paningin namin.

"Buy me a strawberry. Make it fast," utos ko.

Narinig ko ang sunod-sunod na ingay sa lugar niya. Mukhang gumagalaw na ito. "Damn, saan ako hahanap sa ganitong oras?" rinig kong sambit niya bago mawala sa kanilang linya.

Muli akong tumingin sa asawang kong napalakpak at binigyan ako ng sunod-sunod na halik sa buong mukha.

"Omo! Thank you, my lord."

I smiled and kissed her forehead.

Buti na lang pumasok sa isip ko si James na nandito din sa New york. Kung hindi pa nga sasabibin ni Bellatrix ay hindi ko mapapansin na hindi pa ito bumabalik sa academy.

Masyado ng naging malihim ang isang iyon. Kung hindi ako nagkakamali, si James ang kasama ni Bellatrix noon sa underground arena. Yong lalaking nakamaskarang kasabay niya bumaba.

Kung ang iba ay hindi iyon napansin huwag nila akong igagaya sa kanila. Dahil katulad ng aking magulang, magaling akong magmasid sa paligid.

"Fuck this strawberry! Hindi ko mahanap-hanap agad," maktol ni James na kapapasok palang. Bumusangot ito, asar na upo. "Here's your strawberry, ate. Please, sa susunod huwag naman sa ganitong oras."

Nakita ko ang pag-irap ni Stacy bago kumain ng strawberry nakalatag sa lamesa. Nandito kami ngayon kusina, pinapanuod na kumain ang babaeng buntis.

Pangiti-ngiti itong kumakain. Kung minsan pa ay hinahalikan ito bago kainin.

Nagtaka ako nang itabi niya ang dalawang strawberry, nakahiwalay ito at hindi na muli niyang ginagalaw.

Napangiwi na lang ako ganon din si James nang kumuha ito ng Ketchup saka isinawsaw ang dalawang strawberry na kanila lang ay itinabi niya bago ito kinain.

Seriously?

"Want niyo?"

Nakangiwing sabay kaming umiling ni James na inosenteng ikinatango niya.

Fuck! Hindi kaya sumakit ang tiyan ng asawa ko?

NAPATAKBO ako papunta sa pinagmulan ng sigaw ni Stacy. Kinakabahan at sobrang nag-aalalang napatingin ako sa kaniya.

"What happ—Oh my god! Manganganak na si Stacy!" saad ni Mrs. Buenaventura na nagpagising sa akin mula sa pagkatulala.

Mabilis kong nilapitan si Stacy, binuhat ito palabas ng kwarto saka mabilis na isinakay sa kotseng nakahanda na sa labas.

Mukhang nasabihan agad ni Mrs. Buenaventura ang driver. Tumango ako sa driver senyales upang makaalis na kami.

Hindi ko mapigilan ang mapamura sa tuwing dadaing si Stacy. Halata sa kaniyang mukha ang sakit na nararamdaman. Ang mga munting daing na naririnig ay nagbibigay sa akin nang pagnanais na sapakin ang sarili.

"Ahh! Villarreal, ang s-sakit na!" naiiyak na mungkahe niya na ikinabahala ko. Isa sa bilin sa amin ni Doctora Cheska McGregor ay huwag hahayaan na masobrahan ito sa emosyon dahil baka mapasama ito.

Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na hospital dito sa New York, nandito sin ang hospital na pagmamay-ari ni Dra. Cheska McGregor.

Natanaw ko si labasan ng hospitak ang doktora, nakaabang na ito sa amin sapagkat nasa sasakyan palang at natawagan ko na ito.

"Take her to the delivery room," utos nito sa mga kasamang nurse saka mabilis na sumunod.

Naiwan ako sa labas ng pinto. Hindi din naman nagtagal ay dumating na sila Spencer kasama sila lola Bellena.

"Hijo, nasaan na ang apo ko?"  bungad ni Lola Bellena.

"Nasa loob pa po, nandon na din po si Doktora Cheska McGregor," marahan kong saad bago muling bumaling sa pintong kilaluluoban ng asawa ko.

Nag-aalala ako ngunit mas pinapanatili ko ang pagiging kalmado dahil alam kung—

Bumukas ang pinto ng Deliver room. "Mr. Villarreal, nais po kayong makasama ni Mrs. Villarreal sa loob," saad ng nurse na lumabas.

Tumango ako kila lola bago sumunod sa nurse. Nagpalit ako ng suot, para daw safe sa loob.

I sighed heavily before i go inside. Kinakabahan ako na para bang ang puso ko ay lalabas na sa katawan ko. Ang bilis nito!

"My lady.." usal ko habang hinahawakan ang kaniyang kamay. Marahan kong hinaplos ang palad nito saka pasimpleng hinahalikan kahit pa mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin.

Bakas ang sakit sa kaniyang mukha na tila ba sa pag-ire niya ay nararamdaman ko ang sakit na kaniyang dinadama.

"Mrs. In count of 3, push." tumango si Bellatrix. "1... 2... 3 PUSH!"

"AHHHHH!"

"Again.."

"Ah.. Ahhhh!" ireng muli ni Bellatrix kasunod nito ang paglabas ng isang munting sanggol na babae.

Ang prinsesa namin...

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon