CHAPTER 22

781 46 4
                                    

STACY BELLATRIX POINT OF VIEW
Matapos makatulog ni Villarreal ay lumabas ako ng kwarto at dumetso sa katapat na office ni kuya Steve.

Alam kong nandito siya kasama si Janelle na kaniyang Girlfriend. Hindi na naman ako nagulat noong ibalita ito sa akin ni kuya dahil halata naman sa kaniyang na love at first sight siya.

Anyway, wala naman problema sa akin iyon. Basta huwag na huwag lang sasaktan ni Janelle si kuya dahil kahit naman may pagkaflirt iyan kakambal ko ay marunong pa din itong magseryoso lalo na kung alam na niyang mahal niya ito.

Parehas lang naman kami haha.

Kumatok ako bago binuksan ang pinto. Katulad nga ng inaasahan ko, nandito ang dalawa. Napangiwi na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na masama ang tingin sa akin.

"Ops, naabala ko kaya kayo?" inosente kong ani bago bumungisngis nang umirap si Janelle habang napasinghal naman si kuya.

Parang si Magnus kanina noong umepal si Caden sa amin. Kung titingnan ko ba naman ang pwesto nila kuya ay sigurado akong may gagawin sana ang mga ito lalo na sa pwesto ni Janelle na nakakandong kay kuya.

Umiling na lang ako bago umupo sa sofa at tumitig sa taas. "Stay here, honey. Kakausapin ko lang kapatid ko." rinig kong sabi ni kuya saka ko naramdaman na may umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya tiningnan. "What's wrong? It's there something bothering you?" i sighed and nodded. "Come, let me hug you, my baby." tumingin ako kay kuya na ngayon ay nakabuka na ang mga bisig.

Ngumiti ako ng maliit bago yumakap sa kaniya. Nakakamiss din pala ang ganito, halos hindi na kami magsama kahit nasa iisang dorm kami.

Nitong nakalipas na mga araw ay masyado akong naging busy habang siya naman ay nililigawan si Janelle.

Hindi naman ako nagtatampo dun at naiintindihan ko siya.

"Now, tell me. What is it?"

Huminga ako ng malalim at malungkot na tumitig sa pader sa gilid ko. Hindi pa rin ako humihiwalay kay kuya.

"Namimiss ko na sila mommy. I missed them, i really do. Gusto ko silang yakapin." naiiyak kong saad.

Mabilis naman niya akong iniharap sa kaniyang mukha at hinaplos ang aking mukha. "Shh.. Dalawang linggo na lang, uuwi na tayo para makita sila. Kunting tiis pa, okay? Malapit na ang kaarawan natin kaya mas kailangan natin maghanda." aniya na ikinatango ko.

Bumuntong-hininga si kuya at bumaling kay Janelle na ginawa ko din naman. Nakatingin ito sa amin at kumunot ang noo, nagtataka siguro kung bakit nakatingin kami sa kaniya.

Nginitian ko siya na ginawa naman niya pabalik. Napalapit na din ako sa babaeng ito pero minsan ay hindi parin naiiwasan ang magtarayan kami na parang naging lambingan na namin.

"Nag-aalala ako para sa kaniya. Alam kong hindi siya mahina dahil isa siya sa kagang ni Magnus ngunit hindi ko maiwasan ang mag-alala dahil alam ko na sa oras na ipakilala tayo ay siyang pagdami ng mga kalaban natin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagnapahamak siya." mahinang bulong niya na kami lang ang nakarinig.

Bumakas naman ang pag-aalala sa akin dahil dito. Alam kong kaya ni Magnus ngunit natatakot din ako.

Bigla akong napahiwalay kay kuya nang may pumasok sa isip ko. "Kuya, bakit hindi natin sila isama sa Hideout? Ipaalam natin kila mommy ang tungkol dito, baka payagan nila tayong pag-ensayuhin silang dalawa upang mapanatag ang loob natin." nakangiting pahayag ko na ikinasang-ayon naman niya.

Nagpaalam ako kay kuya at Janelle. Mabilis akong bumalik sa kwarto at hinanap ang cellphone ko.

Kailangan kong sabihin ito kay mommy. Huminga ako ng malalim nang bumaling ang paningin ko kay Villarreal na payapang natutulog.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon