CHAPTER 40

573 28 4
                                    

5 months later

STACY BELLATRIX POV
NINDI ko mapigilan ang mapasimangot habang nakatingin sa aming guro. Nakakaasar ang kaniyang mukha! Bakit ba naman kasi siya pa ang klase namin ngayon?

"My lady, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Magnus. Napansin siguro ang aking mukha.

Nakanguso akong tumingin sa kaniya. "Villarreal, ang pangit ni Sir! Ayaw kong makita ang kaniyang mukha," naaasar kong saad na ikinatinatawa ng mga nakarinig na kaklase ko.

Napatingin sa akin si Sir Justin, masama ang tingin nito sa akin na tila ba mali ang aking sinabi.

Tumawa ng mahina si Magnus. "Shh, my lady. Huwag kang ganiyan kay Sir. baka malagot ka," nananakot ngunit natatawang saad niya. Inirapan ko siya at nakangusong tumingin kay Professor Justin na ang sama na talaga ng tingin sa akin.

Lumabi ako. "Sir Justin don't be mad at me. You know i'm just stating the fact," parang bata kong ani.

Asar na bumuntong-hininga si Sir Justin. "Fuck this life! Damn it! Kung hindi ka lang talaga buntis na babae ka, napatulan na kita," ngumuso ako sa kaniya.

"Yah! You're so bad, Sir!"

Inirapan ako nito. "Tch, paano ba kita naging pinsan na bata ka?"

Oh, yeah. Pinsan ko ang pangit na sir namin ngayon. "Duh, syempre pinsan ni Mommy si Tito John which is daddy mo kaya naging pinsan kita. Utak naman sir," nagtawanan ang mga kaklase ko habang si Sir naman ay napagulo na lang sa buhok.

"Ugh! You piggy pregnant lady!" nanlaki ang mata ko, umawang ang labi at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili.

Naiiyak akong tumingin kay Kuya Steve. "Kuya, mukha ba akong pig? Pumangit na ba ako dahil buntis ako? Pangit na ba ang katawan ko? M-mataba na ba ako?" naiiyak kong tanong.

Nataranta ang mga ito lalo na si Magnus na hindi alam kung paano ako papakalmahin. Nagsimula nang tumulo ang luha sa aking mata hanggang sa magsunod-sunod ito.

"Shit! Kuya Justin, lagot ka kay Mommy pag hindi tumigil si Stacy!" rinig kong sigaw ni Kuya.

"Princess, shh... Sorry, niloloko ka lang ni kuya. Stop na, please?" umiling iling ako kay kuya justine.

Nakasimangot na tumayo sa inuupuan saka lumabas ng room. Rinig ko pa ang kanilang pagtawag ngunit hindi ko iyon binigyan pansin.

Baby, look inaasar nila ako. Hindi naman ako mataba a, sadyang nalaki ka na kasi.

"My lady!" tumingin ako sa likod ko. Nakita si Magnus na tumatakbo palapit sa akin. "My lady, saan ka pupunta? Damn, baka may mangyari sayong masama," nag-aalala niyang saad.

"Gusto kong kumain, Magnus. I want to eat chicken," nakapout kong saad.

"Na naman? My lady, baka makasama na sa iyo iyan. Palagi ka na lang chicken ng chicken. Hindi ka ba nagsasawa?" kumunot noong tanong niya.

Ngumuso ako sabay iling. "Hindi. Basta i want to eat chicken. Go, hubby, buy me a chicken!" napahinga ng malalim si Magnus, inalalayan akong lumakad.

"Fine, pero last na ngayon. Sa susunod hindi ka na muna maaaring kumain ng chicken, naiintindihan mo Mrs. Villarreal?" tumango ako ngunit hindi nakawala ang pamumula ng aking pisnge sa itinawag niya sa akin.

Geez, kasal na nga pala kami. Dalawang buwan palang si Baby sa tiyan ko ay nagpakasal na kami ni Magnus para bago ilabas si Baby ay kasal na kami. Simpleng kasalan lang naman ang nangyari, yong mga kakilala lang namin ang inbitado.

Hindi na kami naghanda ng bonggang kasal dahil nga marami pang problema pero ngayon naman ay nanahimik kami na sasyang ikinataka namin.

Nagsimula ito nang isa-isahin nila Mommy ang mga traydor sa organisasyon. Nagulat na lang ako doon ngunit ipinagpasalamat ko na din sapagkat kahit papaano ay nalinis ang mga animal sa grupo.

Pero nakakaasar lang dahil nakawala ang tryador na pinsan ni Mommy. Nakawala ang taong may kinalaman sa pagkamatay nila lolo.

Sa tuwing naaalala ko na kadugo din namin ang may gawa ng nangyari parang nais ko itong hanapin at ako mismo ang papatay sa kaniya ngunit hindi maaari dahil baka ikapahamak ko pa ito.

Sabi nga nila mommy, may tamang oras sa mga taong iyon kaya ngayon ay sarili ko muna daw ang unahin ko. Ang kapakanan ng magiging anak namin ni Magnus.

MAGNUS'S POV
"Two pieces of chicken with rice and one bottle of water," ani ko sa counter.

Nandito ako ngayon aa loob ng cafeteria habang nasa may garden naman si Stacy. Hindi na ito sumama sa akin, natatamad na daw siyang maglakad na hinayaan ko naman.

Alam kong nangangalay iyon lalo na't malaki na rin ang kaniyang tiyan. Magpipitong buwan na ba naman ngayon ang nasa tiyan niya.

Napag-usapan na din namin na babalik na kami sa mansyon ng kaniyang magulang hanggang manganak siya. Hindi naman maaaring magtagal pa siya dito sapagkat hindi natin alam kung kailan maaaring may manggulo sa akademya.

"Hijo ito na ang iyong inorder,"

"Salamat po," pasalamat ko.

Mabilis akong lumabas ng cafeteria ngunit hindi pa man ako nakakadating sa mismong garden ay may isang istudyanteng lalaki ang lumapit sa akin.

Sa pagkakaalala ko, siya si Yvano. Ang isang kagang ni stacy.

"President, si Q-queen—"

"Anong nangyari sa asawa ko?" nag-aalalang tanong ko habang tumatakbo.

Humabol siya sa akin. "Itinulak siya ni Jane," napamura ako sa narinig.

Sa oras na may mangyaring masama sa mag-ina talaga hindi ko siya uurungan kahit pa babae siya. Bakit ba bumalik pa ang babaeng iyon na siyang naging dahilan upang magalit sa akin noon si Stacy?

"Ohmygod! Queen, dinudugo ka!" nag-aalalang saad ni Nancy na inabutan ko.

Napatingin ako sa hita ng asawa ko. "TANGINA! MY LADY," galit at nag-aalalang sigaw ko nang makita ang pulang likido na bumabakat sa kaniyang puting dress.

Nagmadali akong lumapit kay Stacy. Marahan itong binuhat. Bago pa man kami makaalis ay binalingan ko muna ng tingin ang babaeng may kagagawan nito.

"M-magnus.."

I glared at her. "Simulan mo nang magdasal, Jane. Sa oras na may mangyaring masama sa mag-ina ko, asahan mong mapapatay kita," nakita ko ang pagkabigla ng lahat lalo na ni Jane.

Hindi ko talaga siya mapapatawad sa oras na mapahamak ang ang mag-ina ko.

Mabilis kong ipinasok si Stacy sa kotseng inihanda ni Steve. "Bilis Magnus. Ako na ang magmamaneho," hindi na ako umangal pa kay Stave.

"Magnus ang sakit," naiiyak na saad ni Stacy.

Hinawakan ko ang palad ni Stacy. Ilang ulit itong hinalikan. "Shh, stay my lady. Malapit na tayo, kunting tiis na lang,"

"Yong baby natin,"

"Kumalma ka, mahal. Hindi natin hahayaan na mawala ang anak natin. Shh.. Nandito lang ako sa tabi mo,"

Magbabayad ka, Jane. Malaking gulo ang iyong ginawa sa amin!

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon