CHAPTER 26

707 38 1
                                    

"Your next target are Professor Merle and Student name Carlos Sevilla." gulat kaming napatingin kay daddy na ngayon ay seryosong ipinapaliwanag ang sunod na magiging target namin.

Inaasahan ko ng isa na naman sa mga istudyante ang sunod naming target ngunit hindi ko inaasahan na may kasama itong guro.

Kilala si Prof. Merle sa academy dahil sa pagiging istrikto nito at isa narin sa dahilan kung bakit kilala talaga si Professor Merle ay dahil sa isang issue na kumalat noon, tungkol sa sabi-sabi na pumapatol daw ito sa mga istudyante. Ngunit wala naman nakapagpatunay kaya tinawag na sabi-sabi lang ito.

"Tito, ano pong nagawa nilang dalawa?" tanong ni Clarence kay daddy na mukhang nakakatagtag na ngayon.

Tumingin si Daddy kay Tita Benelyn na nasa tabi lang ni Tito Chad. "Well, anak, Professor Merle and Carlos are one of the spy here. Ispiya sila ng kalaban na matagal nang minamanman ng grupo natin." napasinghap kami. Bumaling si Tita kay Magnus na tahimik lang na nakikinig sa tabi ko. "Magnus, naaalala mo ba noon na may nangyaring gulo sa laboratory?"

Tumango si Magnus. "Yung nakitaan sa CCTV na may isang babae ang nanadyang sumunog sa laboratory ngunit nakatakip ang mukha nito."

"Tama, pero nitong nakaraang buwan ay nalaman namin kung sino ang nasa likod nito. Walang iba kundi si Professor Merle kasama ang kaniyang pamangkin na si Carlos Sevilla."

Natahimik kami. Dalawang kalaban na naman ang meron sa loob ng akademya. Tama nga talaga si Daddy dahil kahit nandito kami sa loob ay hindi parin sigurado ang kaligtasan namin dahil hindi maiwasan na may makapasok na kalaban.

Hindi na ako magtataka kung balang-araw may sumugod na dito.

"Dad, anong gagawin namin sa kanila?" i asked.

"Don't kill them. Kunin niyo lang at dalhin dito. Sa tingin namin ay may malaking pwesto sila sa organisasyon ng kalaban kaya hindi malabong marami silang alam." saad ni mommy na kanina pa nakikinig lang sa amin.

Nagsitinginan kaming lima sa isa't isa saka tumango.

Nandito na kami ngayon palabas sa gubat. Tanghali na ngunit wala naman problema dahil sabado ngayon at mamayang gabi na din namin sila huhulihin ngunit hanggang maaga pa ay sisimulan na namin ang misyon sa pamamagitan ng mga task ng bawat isa.

Si Clarence ulit ang bahala sa mga CCTV at daan na pwede naming daanan ng walang nakakakitang iba. Si Kuya Steve kasama si Janelle ay kukunin si Carlos habang kami naman ni Magnus ang bahala kay Prof. Merle.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam na may nakamasid sa amin simula nang makabalik kami sa academy. Ramdam ko ang talim nito kahit pa sabihin na malayo siya.

Napailing at palihim na lang akong napangisi. Ang tanga talaga nila, kung nais nilang magmasid sana naman sinigurado nilang hindi ko—namin nararamdaman ang presensya nila.

Jusko, sa oras na may nakatitig kaya sa akin ay ramdam ko iyon dahil masyadong nakakailing ngunit dahil nakasanayan ko na iyon ay umakto na lang akong parang walang nararamdamam.

Tahimik akong pumasok sa CR. Naghuhugas ako ng kamay nang pumasok ang isang babae na ngayon ko na lang muli nakita.

Joy, ang babaeng nangbuhos sa aking ng juice. Ilang buwan na din ngunit ngayon lang muli nagtagpo ang landas namin.

Nagkasalubong ang mga tingin namin sa salamin. Umirap siya sa akin na hindi ko naman binigyan pansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.

"It's been a months and we met again huh?" walang bakas na pag-iinarteng aniya, hindi ito tulad noong unang magtagpo ang landas namin na binuhusan niya ako.

Iba ito ngayon. Dahil kalmado lang siya ngunit ang make-up sa mukha ay hindi pa rin nagbabago.

I sighed. Bakit ko ba pinapakialaman ang buhay ng iba kung meron naman akong sarili. Hayst! Need ko na talagang magrelax kahit minsan.

I looked at her. "Yeah, it's been a long months."

Tumingin siya sa akin. Sa mga tingin niya ay alam kong may kailangan ito sa akin.

"What do you need? Sigurado akong sinadya mong magtagpo muli ang landas natin, tama?" nanghuhuling tanong ko na ikinayuko niya.

Anong nangyayari sa babaeng ito? Mukha siyang hindi ang Joy na naglakas loob na banggain ako dahil isang baguhan at mukhang lampa ako.

Yung babaeng may lakas ng loob na tarayan ako kahit nakakatawa ang kaniyang mukha.

Lumuluha siyang tumingin sa akin. "Stacy, tulungan mo 'ko. Hindi ko alam kung bakit sayo ako lumapit ngunit wala na talaga akong alam na makakatulong sa pamilya ko." kumunot ang noo ko. Tama nga ako may kailangan siya sa akin.

"Go, talk. Tell me directly."

Napangiti ako matapos ang pag-uusap namin ni Joy ay mabilis din akong umalis. Nakakatuwa, hindi ko inaasahan na may malalaman akong nakapa-interesadong bagay.

Sinong mag-aakala nga naman na malapit lang pala ang kalaban sa amin—huh, hindi pala masyado sa akin sapagkat di naman kami madalas mag-usap.

Well, we don't talk to much. Kaya hindi ko masasabing kilala ko talaga siya ngunit ang tanong kilala nga ba talaga siya nila Magnus? Hmm.

This is exciting. Hindi ko inaasahan na may ganito palang eksenang mangyayari.

I mentally laughed. I can't wait to know what will happen next.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon