Nakatingin ako ngayon kay Joy. Seryoso ang aking mga mata habang hinihintay na magsalita ito.
"Please, tulungan mo kami. Wala na akong ibang malalapitan." humawak siya sa kamay ko. "Pinapahirapan kami ni dad, lalo na si mommy at si kuya Asher.."
"Kuya Asher? Yung kaibigan ni Magnus?" hindi ako makapaniwalang napatingin sa mukha niya. Inalala kung may pagkakahawig ba ang dalawa.
Napangiwi ako. Meron, parehas sila ng mata, dark brown.
"Yes, Asher Ventura is my brother, half brother. Walang nakakaalam na magkapatid kami dahil ibang apilyedo ang ginagamit ko dito." tinignan ko siya.
"Anong kailangan mo sa akin kung ganon? Tulong saan?"
Sumeryoso ako bigla nang banggitin niya ang mga salitang iyon. "Kilala ko ang pinuno ng kabilang grupong hinahanap niyo. Ama namin siya ni kuya, anak kami ng kalaban m—" napabaling ang mukha ni Joy matapos lumapat ng pisnge ko sa kaniya.
"Tangina! Anak kayo ng hayop na taong iyon? Ang walang-awang pumatay sa mga lolo nila mommy!" hindi ko napigilan ang sariling manakit. Dahil sobra akong nasaktan sa pagkawala nila lolo.
Nakayuko siya ngayon. Hindi nakatingin. Rinig ko ang mga hikbing kumawala sa kaniyang labi.
"Sorry but please hindi namin alam ang pangyayaring iyon." nagmamakaawang tumingin siya sa aking mata. "Tulungan mo kami. Pinatay na ni Dad yung mommy ni Kuya at yung bunsong kapatid namin kaya hindi ako makakapayag na pati si Mommy ko mawala sa akin—amin."
Pinakalma ko ang sarili. Tumitig sa kaniya. "Tutulong ako pero may makukuha ba ako sayo?" paghahamon ko. Galit man ako ngunit wala akong magagawang maganda kung magpapadala ako sa galit.
"Tutulungan ka namin makakuha ng impormasyon kapalit ng kaligtasan namin." matapang niyang saad.
"Fine. I'll help but you're going to help me too." lumabas ako na may nakaguhit na ngisi sa labi.
Sana naman matapos na ang gulong ito lalo na't may lead na kami kung sino sila.
The real game begin...
Tumitig ako sa baso ng juice na hawak ko. Ginagalaw-galaw ito bago ininom. Bukas na ang kaarawan namin ngunit hindi ako makaramdam ng saya.
Maraming pumapasok sa isip ko, mga maaaring mangyari bukas o sa mga susunod na araw. Hindi ko kayang matahimik na lang ng basta basta lalo na kung nasa tabi-tabi lang ang mga kalaban.
Arlando Ventura
Anong dahilan mo para gawin sa mga lolo nila mommy iyon? Anong kasalanan ang ginawa nila sayo? Uh, meron nga ba?
Napatalon ako ng mahina nang may pumulupot sa bewang ko. Amoy ko ang pabango niyang tinatangay ng hangin ngayon. Nandito kasi ako sa may veranda ng hotel room ko.
"Villarreal.."
"Yes?" hinawakan ko ang braso niya sa bewang ko. Mas lalong sumandal sa kaniyang katawan.
"How are you?" isang linggo din kaming hindi nagkita matapos ng laban. Kaya hindi ko alam kung anong mga nangyari sa kaniya—oh, nakita niya nga pala kami ni Asher.
May ideya na kaya siya?
"Not good. Sino ba naman magiging maayos ang araw kung palaging ikaw ang naisip ko. Like, galit ka ba sa akin? Mahal mo pa ba—" i cut him off.
Humarap ako. Saglit siyang hinalikan sa labi. "Hey, don't say that. Hindi ako galit o nagalit sayo ng mga oras na iyon. Oo, nasaktan siguro pero yung galit? No, hindi ko kaya. Masyado kitang mahal." malambing kong sabi.
Tumitig ako sa kaniyang mga mata. Nasa kaniyang mata ang pangungulila, lungkot ngunit nawala din ito matapos kong sabihin iyon.
Nakangiti na siya at may nga kislap sa mata. "Totoo?" i nodded na nakapagpangiti lalo sa kaniya at hinapit ako palapit lalo sa kaniya.
"Damn, Akala ko pagbalik mo, iiwan mo na ko. But hell, you're here with me, hugging you so tight."
Natawa ako ng mahina. Sumandal sa kaniyang dibdib at payapang ninanamnam ang sandaling iyon.
"MY LADY, okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa namumutla." tanong ni Magnus na kapapasok lang sa kwartong kinalalagyan ko.
Maliit akong ngumiti sa kaniya. "Okay lang talaga ako. Baka dahil lang sa pagod." wala itong nagawa kundi bumuntong-hininga. Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas.
Nang mawala siya sa paningin ko ay napahawak ako sa sintido. Sumasakit ang ulo ko. Nakakaramdam ako ng kaunting hilo lalo na kaninang pagkagising ko matapos masuka na wala naman lumalabas kundi tubig.
Nais na nga ni Magnus na pumunta sa Hospital ngunit hindi ako pumayag dahil masyadong madaming ginagawa.
Tumitig ako saglit sa salamin bago lumabas. Kanina pa ako tapos ayusan. Natatamad lang talaga akong lumabas dahil nahihilo talaga ako.
Kumurap ako ng dalawang beses bago deretsong naglakad papunta sa elevator. Alam kong nasa baba na si Magnus para hintayin ako kaya wala na akong problema don.
Katulad nga ng sinabi ko. "My lady.." ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang nakalahad ng niyang palad sa harapan ko.
Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Inaalalayan lumakad palapit aa may pinto. Nandito sa malaking hall ng hotel ang paggaganapan ng kaarawan namin ni Kuya, 18 na kami ngayon.
Nakakatuwa, ilang taon na kaming nabubuhay sa mundo.
"Happy Birthday, baby." napangiti ako ng malaki kay Kuya Steven na kasama si Janelle sa labas ng pinto. Naghihintay pa sigurong tawagin.
"Happy Birthday too, kuya." nakangiting saad ko. Humalik saglit sa pisnge niya, ganon din kay Janelle.
Huminga ako ng malalim ng marinig ang boses ng emce sa loob.
"Good evening, everyone! I know all of us are excited to know the face of our future leaders, right?" nagsigawan sila ng 'yes' na kahit dito sa labas ay naririnig namin.
Nabanggit ko bang halos kasali lang sa organisasyon namin ang nasa loob which is kasama na yung mga istudyante ng Flame Academy.
"Okay, huwag na natin patagalin pa. Let's welcome Prince Brix or Steven Brixton Del Fierro with his partner Miss Janelle." bumukas ang pinto kaya pumasok sila Kuya doon. "And also let's welcome the only daughter of our Empress and Emperor, Princess Bella or Stacy Bellatrix Del Fierro with her partner young Master Magnus Villarreal." binura ko lahat ng emosyon sa mukha ko bago kami sabay na pumasok ni Magnus.
Rinig ko ang singhapan nila na nasisigurado kong nagmula ito sa mga kaschoolmate namin.
Well, hindi ko naman sila masisisi kung namukhaan nila kami lalo na't wala kaming suot na maskara ngayon. Wala na naman silbi ang maskara namin kung kilala na din naman pala kami ng kalaban.
Sa aming pamilya ang bunsong kapatid ko na lang ang hindi pa ipinapakilala nila mom na ngayon ay natatanaw kong bored na bored sa pwesto niya kahit pa may suot itong maskara.
Hays, nagmana talaga siya kay daddy. Masyadong mainipin.
![](https://img.wattpad.com/cover/282667932-288-k100064.jpg)
BINABASA MO ANG
Flame Academy: Princess Bella
Mistério / Suspense[FLAME ACADEMY: Second Generation] Maraming nagbago sa Flame Academy. Magkaroon ng bagong High school batches para sa mga kabataan nais mag-aral sa paaralan na ito. Katulad ng nakasanayan, may gang na nabuo o mabubuo sa paaralan na ito. Halika't s...