CHAPTER 17

823 37 9
                                    

MAGNUS POINT OF VIEW
"AHHHHHHHHH!" nahinto ako sa paglalakad ganon din sila asher na nasa likod ko lang nang marinig ang isang sigaw na iyon.

Isang babaeng tumatakbo habang umiiyak. Bago pa man ito makalagpas sa pwesto ko ay hinalbot ko siya. "Why are shouting? What happened?" nanginginig ito habang nakaturo ang kamay sa isang building ng nga dorm.

"M-may dugo.. A-ang d-dami sa d-dorm ni S-seo." hindi nito natuloy ang sasabihin dahil nagsimula na siyang umiyak lalo.

Nagkatinginan kami nila Asher at mabilis tumakbo papunta sa floor na sinasabi nito.

"WHAT THE HELL?!" napaiwas ako. Kung sa labas ng pinto ay madami ng dugo mas lalo na dito sa loob.

Hindi ko alam kung sinong gumawa nito ngunit nakapabrutal masyado. Walang kahit na anong suot ang itinira sa katawan ng lalaki at mas malala pa ay pinutol nito ang nasa baba.

"Tingnan niyo may nakasulat sa pader." si Caden na nakatingin sa may kanan ko sa tabi ng pinto.

"Die Traitor!" basa ko na nagbigay kilabot sa buong katawan ko. Anong meron? Anong nangyayari sa paaralan na ito?

Ngayon lang nagkaroon ng patayan dito. Simula nang mahing Supreme ako ay niisang beses ay hindi pa ako nakakaincounter ng ganito.

Huminga ako ng malalim at sumenyas kila Asher na takpan ng kumot ang katawan ng lalaki.

Masyadong malaswa kung hindi tatakpan ito.

Nang makalabas kami ay marami ng istudyante ang nasa labas na para bang naghihintay sabihin kung anong nangyari.

"James, call some staff to clean this. I'm going to report this to the Headmistress. Asher, kunin mo yung babae kanina at isama mo sa Office." tumango ang mga ito habang ang mga istudyante naman ay pinalayo ng mga SSG Officer.

"Anong nangyayari bakit ang daming student sa taas?" takang tanong ni Stacy na nakasalubong namin sa hallway.

"May nakitang patay sa isang dorm. Senior high na lalaki." sabi ni Caden na mas maraming kilala dito dahil sa pagiging Vice President.

Napasinghap si Stacy, namutla ito na para bang natatakot na mabilis namang nilapitan ni Caden.

"Relax, nandito ako." pagpapakalma nito.

Umiwas ako sa kanila at walang ganang dumeretso sa paglalakad. Pagpasok palang ay sumalubong na sa 'min ang seryosong mukha ni Headmistress.

Mukhang alam na niya ang nangyari, hindi na ako nagtaka. Dahil isang misteryosong Headmistress namin ito na kahit isang beses ay hindi ko narinig kung anong apilyedo.

Well, isa pa tong si Clarence, katulad ng kaniyang ina ay wala din itong last name.

Dumadagdag sila sa isipin ko.

"Good Morning, Headmistress." tumango ito at isinenyas ang mga upuan. Umupo si stacy sa tabi ko habang tumayo naman ang ilan sa likod namin.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ay pumasok si Asher kasama ang umiiyak na babae ngunit hindi na ito katulad kanina na halos mahimatay na siya.

Pinaupo siya sa harap namin sa kabilang part.

Tumikhim si Headmistress at tumingin sa akin. "Explain." isang salita ngunit ramdam mo na ang awtoridad sa boses nito.

Huminga ako ng malalim. "Headmistress, i really don't know what is the exactly happened. But i think kagabi ginawa ang pagpatay na ito. May nakita din kaming sulat sa pader at ang isang rosas na nakaukit sa dibdib ng lalaki na siguradong ginamitan ng patalim dahil bakas na sariwa pa ang sugat." tumango si Headmistress.

Bumaling si Headmistress sa babaeng kalmado na ngayon. "Bakit ka nasa dorm na iyon, miss Sanchez? Sa pagkakaalala ko ay nasa Black dorm ka kaya anong ginagawa mo lugar na iyon?" takang tanong nito.

Nagsimula na naman humikbi ang babaeng tinawag na Miss Sanchez. "Ma'am b-boyfriend ko po si Seo at kahapon po ay sinabihan niya akong pumunta sa dorm niya ngunit hindi ko po inaasahan na yun ang maaabutan ko." umiiyak nitong saad.

Dahil sa nangyari ay nasuspende ang pasok kaya ang mga istudyante ay kaniya-kaniya ng mga ginawa ngunit hindi parin naiwasan ang pag-usapan ang nangyari kanina.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng dalawang istudyante na nasa gilid.

Sumandal ako sa pader. "Bagay lang yun sa rapist na lalaking iyon. Hanggang ngayon hindi ko maatim na ginahasa ako ng walang kwentang iyon."

"Shh.. Ano ba Jen, baka akalain nila ikaw ang pumatay sa kaniya."

"Sana nga ako na lang ang gumawa sa kaniya, ako na lang ang pumatay para kahit papaano makaganti man lang ako sa kawalanghiyaan na ginawa niya sa amin." may tumulong luha sa mata niya. "Pero kung sino man ang taong gumawa nun. Malaki ang pasalamat ko sa kaniya dahil natapos na rin ako kawalanghiyan ng lalaking iyon at wala ng ibang madamay." dagdag pa nito.

Kumunot ang noo ko. Rapist? What the hell! Kailan pa nangyari ang mga ganitong bagay? Bakit hindi siya nagsumbong sa Headmistress?

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko ngunit may isa dito ang pinakagusto kong malaman.

Sino ang pumatay kay Seo?

Kung sino man siya ay sigurado akong may alam ito sa nangyayari sa mga istudyante.

Tungkol sa sulat sa pader, anong ibig sabihin ng mga salitang iyon?

Bumuntong-hininga ako at naglakad papunta sa loob ng gubat. Mas magandang alamin na lang muna— 'Anong ginagawa ng magkapatid na ito dito sa loob?—No, namamalikmata lang ako.' usal ko sa isipan nang makitang nawala ang dalawang tao na sa tingin ko ay nakita kong pumasok ngunit nawala na lang bigla.

Come on Magnus masyado mo lang pinag-iisip si Stacy kaya pati dito nakikita mo kahit alam mong imposible iyon, imposible nga ba?

Aysa: Hey, after this updated hindi ko alam kung kailan ulit ako makakapagpost, sumasakit kasi ang ulo ko pero kung may maiisip ako at sinipag subukan kong magpost para hindi kayo masyadong maghintay ng matagal tulad noon.

Bigyan n'yo nga pala ko ng name (kahit name niyo) three girls and two boys. Gagamitin ko lang dito sa story, thank you.

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon