CHAPTER 33

619 33 0
                                    

Nakasandal ako sa may pader habang hinihintay na dumating ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila ng ganitong oras. Gusto ko man habulin si Stacy ay sigurado akong hindi ko din ito malalapitan.

"Asher.." napatingin ito sa akin. Seryoso ang kaniyang  mukha na tila ba inaasahan na niyang aabangan ko siya dito.

"Kung itatanong mo kung anong pinag-usapan namin ni Stacy o mas magandang sabihin na si Prinsesa Bella. Pasensya na, hindi ko maaaring sabihin kung ano iyon kahit pa leader kita at boyfriend ka niya." diretsong sabi niya. Lalagpas na sana siya sa akin ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay.

Seryoso ang mukha ko. "Hindi ako magtatanong pa pero siguraduhin mong walang mangyayaring masama sa kaniya. Kilala mo ako, Asher hindi ako nagbibiro." ngumisi siya sa akin at umalis.

Make it sure, Asher. Hindi ko inaasahan na may tinatago ka pa pala. Ang galing mo sapagkat muntik ko na itong hindi malaman.

"GOOD MORNING, EVERYONE. WE DON'T HAVE CLASSES FOR TO DAY UNTIL TOMORROW. IF YOU'RE ASKING WHY, IPINAPASABI NI EMPRESS BEA NA DADALO ANG LAHAT PARA SA IKALABING-WALONG KAARAWAN NG PRINSESA AT PRINSIPE. JUST GET THE INVITATION HERE IN HEADMISTRESS OFFICE."

Napatingin ako sa speaker nang tunog ito. Bukas na ang kanilang kaarawan. Bumuntong-hininga ako. Naglakad palabas.

Nagkalat ang mga istudyante. Maraming natutuwa at nasasabik. Sinong hindi matutuwa dahil sa wakas ipakikilala na din kung sino ang mga anak ng may-ari nitong academy. Kung sino din ang susunod na henerasyon sa kanilang pamilya.

"Hey, leader, pinapatawag ka ni Headmistress." sabi ni Caden na sumabay na din sa akin sa paglalakad.

"Bakit daw?"

Nakibit-balikat ito. "Walang nabanggit sa akin basta hanapin daw kita at isama sa office."

Napahinga ako ng malalim. Kumatok ako sa pinto bago ito buksan.

"Headmistress.." tumunghay ito bago itinuro ang upuan sa harapan niya.

"Have a seat. Pinatawag ko kayo dahil pinapauna na kayo ni Emperor na pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang birthday ng dalawa." kumunot ang noo ko ngunit biglang pumasok sa isip ko na baka may ipagagawa sa amin ang Emperor o kaya naman alam na niya ang nangyari sa amin ni Stacy.

"Take this invitation. Nasa hideout na sa gubat ang maghahatid sa inyo. Oh, siya pwede na kayong umalis."

Pagkalabas ng pinto ay takang tumingin sa akin si Caden. "Anong hideout yon? Yung sa Snake gang?" umiling ako na ikinakunot lalo na kaniyang noo.

"You're invited to join in our Celebration!" mahinang basa ko sa nakasulat sa card. Maikli lang ngunit halos lahat gustong makakuha para lang makapunta.

Kahit naman ako. Gusto kong makadalo sa pag-sasalong iyon. Ang kaarawan ng mahal ko.

I signed and looked at Caden. "Sa likod na lang tayo magkita."

"Okay leader."

Mabilis akong nag-ayos ng gamit at inilagay ito sa isang bag. Dalawang pares lang ito ng damit na masusuot ko mamayang gabi hanggang bukas.

Sigurado naman akong hindi kami magtatagal don.

Matapos ang lahat, dumeretso agad ako sa likod. Natanaw ko ang isang kotse na nakaparada malapit sa isang puno. Nakatayo sa labas nito ang pamilyar na butler ni Stacy.

"Good afternoon, young master." simpleng tumango lang ako. Sinenyas nito ang pintong binuksan niya kaya pumasok ako sa loob.

Gulat akong napatingin sa katabi kong nakaupo sa loob. Nakapikit ito habang nakasandal sa upuan. Mukha siyang pagod na pagod na tila ba ilang araw ng walang pahinga.

"My lady.." tawag ko. Minulat niya ang kaniyang mata, tumingin sa akin at maliit na ngumiti na talagang namiss ko ng sobra.

"My lord." malambing niyang sambit saka sumandal sa dibdib ko.

"You're here..." hindi ako makapaniwalang nandito siya. Kahit nakita ko siya kagabi ay hindi ko inaasahan na nandito siya kasama ang sasakyan na kakaon sa amin.

"Hmm, Miss me?" mahina niyang sabi ngunit hindi parin nakatingin sa akin. Nasa dibdib ko parin siya at nakapikit.

Sasagot nasa ako ngunit may bigla na lang umextra. "DUDE, NILOLOKO MO BA SI BESTFRIEND KO?! ABA, MAY PROBLEMA NA NGA KAYO, GUMAGAWA KA NA NAMAN NG—"

"SHUT THE HELL UP, CADEN! I'M TIRED." singhal ni Bellatrix habang nakatingin ng masama kay Caden. Nakamaskara man ay hindi naging hadlang ito para maiparamdam niya ang pagkainis niya.

Lumaki ang mata ni Caden at gulat na tumuro kay Bellatrix. "S-stacy, ikaw ba yan?" hindi makapaniwalang tanong niya na mukhang nabosesan.

Tumango lang si Bellatrix na ikinamura ni Caden ng mahina. Hindi ko ito pinansin. Muling bumaling kay Bellatrix na bumalik sa pagkakasandal sa akin.

"You want to sleep, my lady?"

She nodded. "Can i?"

Ngumiti ako, hinalikan siya sa noo at sinimulan na haplosin ang kaniyang buhok. Hindi naman nagtagal ay naramdaman ko ang pagpantay ng kaniyang paghinga.

"I missed you, my lady. Hindi na kita hahayaang mawala muli sa bisig ko, kahit na anong mangyari. Magkamatayan man. Mahal na mahal kita."

Flame Academy: Princess BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon