ONE

786 11 0
                                    

Casilyn

Sa mundong kinabubuhayan natin ngayon wala ng bagay na hindi nabibili.
Pati nga siguro tao nabibili na, hindi kana mabubuhay kung wala kang pera.
Pero wala narin tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan at harapin ito.

Nagmumukmok ako ngayon sa kwarto iniisip kung bat paba talaga ako nabuhay na mundong ito.
Parang OA mang marinig pero sana hindi nalang ako nabuhay. I wanna die painless pero parang imposible naman yun. Unless kung bangungutin ako mamaya.

Being an only daughter of a rich parents is not so easy for me.
My dad died when I turned six, yeah he died on my birthday.
Inatake sya bigla sa puso at hindi manlang sinabi saamin na may dinadala na pala syang malubhang sakit.

Oo nagtampo ako kay dad nun kung bakit di nya agad sinabi saamin ni mom
pero hanggang lumalaki ako,unti unti kong narealize na wala naman talagang ginawang mali ang daddy ko.

Naiintindihan ko na ngayon.

Me and my mom didn't get along anymore, that day after mailibing si dad, lumipad na papuntang Paris si mom nang hindi manlang nagpapaalam, but I heard her talking to someone na pupunta sya dun kaya hindi narin ako nagtaka o nagulat pa.

I'm disappointed of her, what kind of a mother she is. Ni hindi nya man lang ako tinanong kung gusto ko bang sumama sakanya that time, kahit nga siguro sabihin nya pa eh hindi naman talaga ako sasama pero kahit na, dapat tinanong nya padin ako.

After six months when she flew to Paris tumawag sya bigla sakin at nangangamusta pa. Naaalala ko pa nga kung pano ako umiyak noon, kung pano ako nagmakaawa na bumalik sya dito at tinatanong kung bakit sya bigla umalis papuntang Paris.

"Iha halika na handa na ang pagkain,kumain kana habang mainit pa"

"Oho" Sagot ko kay tiya Flor, yaya ng daddy ko before na naging yaya ko nadin ngayon.

Sa lahat ng mga katulong namin dito kay tiya Flor lang talaga ako nakikipag usap ng maayos, at binabahagi ang mga problema ko.

Nasaksihan nya kasi ang paglaki ng daddy ko at ganun nadin sya sakin.

Medyo tumatanda na si tiya pero gaya nga ng lagi nyang sabi saakin, hanggat malakas pa sya hindi sya titigil sa pag aalaga saakin.

May apo si tiya Flor, si Tristan bumibisita sya dito minsan at nag uusap nadin kami kaya lang medyo strict sya kay Tristan pagdating sakin. Ewan natatakot siguro syang may magawang masama ang apo nya saakin pero binabalewala ko lang naman iyon dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi gagawin saakin ni Tristan ang ganung bagay.

Gwapo si Tristan, maputi, matulungin, matangkad, mabait at higit sa lahat marispeto.

Kung ako nga siguro tatanungin, pasado na sya sa standard ko sa lalaki.

Medyo pihikan kasi ako kaya hanggang ngayon wala padin akong jowa.

Bumaba na ako saka pumunta sa kusina, naabutan ko doon si tiya Flor hinihintay ako at nang makita nya na ako agad akong pinaupo saka iniharap saakin ang ulam na niluto ni kuya Canor. Ang cook dito.

Oo sosyal pakinggan sa ibang tao but for me? A big no.

Sawa na akong malunod sa salapi, sawa na akong mamuhay bilang isang anak ng mayaman.

Siguro kung buhay pa si dad, binibisita na siguro namin ang bahay nila mommy doon sa bukid. Sa bukid na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saang banda iyon.

Ni hindi ko nga alam kung may lola o lolo paba ako sa mom side ko.

Mom doesn't say anything pag tinatanong ko sakanya iyon.

Hindi ko alam kung bakit at may karapatan naman talaga akong malaman ang tungkol doon, gusto kong ma meet ang lola at lolo ko.

But I still have a grandmother right now,from my dad's side.

Bumisita din sya dito para mangamusta and sometimes nag uusap nadin sila ni tiya Flor,hindi ko alam what is it about.

My grandfather is already dead,namatay sya nung ipinanganak ako. Ang saklap diba? Napaka malas kong nilalang dito sa earth.

Siguro sinisisi nadin ako ni mommy sa pagkamatay nila, eh pano ba naman kasi

"Kinamusta ka ng mommy mo sakin" Ani ni tiya habang abala akong hiwain ang masarap na karneng naka lapag sa harap ko na nasa hapag kainan.

"Iha ganyan lang yang mommy mo pero nag aalala din yan saiyo" Umirap ako hindi dahil kay tiya Flor kundi sa sinabi nya about kay mom

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba yang sinasabi nya I'm not really that sure kung totoo ang sinasabi nya or gusto nya lang bawasan ang tampo na nararamdaman ko sa mom ko

"Bat di ako yung tinawagan nya kung may pake naman pala talaga sya saakin" Saglit syang natahimik sa sinabi ko at hinila yung bakanteng upuan para umupo sa harap ko

"Nahihiya na daw kasi syang kausapin ka, bihira ka nalang daw nyang tatawagan kasi-"

"I don't care kung ano paman ang gusto nyang sabihin about sakin tiya, baka naaalala nya parin yung panahong iniwan nya ako kaya nahihiya na syang kausapin ako ngayon"

This time hindi na umimik si tiya sa harapan ko at nang matapos ako ipinuwesto ko sa dati ang mga kubyertos saka kinuha ang napkin at itoy ipinahid sa tabi at baba ng aking labi.

"Thank you po tiya Flor, and tell to mom wag nya na akong tawagan dahil hindi naman ako umaasa na tawagan nya pa ako, don't let her waste her time for me"

Huli kong sabi saka umakyat pabalik sa kwarto ko para makapag isip narin ng maayos.

I don't want to think about my mother right now gusto kong mag focus sa paligid ko lalo na sa sarili ko. Self love is one of the most important thing in my life

Hindi ako gagawa ng isang pagkakamali na sisira sakin

Never.

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon