FOUR

230 6 0
                                    

Casilyn

Nagising akong sumasakit ang ulo, like sobra feeling ko umiikot na ang paligid pero nang matapik ko ang gilid ng kama hindi ko mahawakan yung unan na lagi kong tinatabihan.

And I suddenly remembered last night
Bwesit na alak!

Dali dali kong kinuha ang phone ko na nasa night stand. fuck

25 missedcalls from Vivian

15 unread messages from Vivian

58 missedcalls from tiya Flor

Nagmistulan akong ipo ipo kakaikot dito sa kwartong tinulugan ko, nag bihis na ako agad hindi na inayos pa ang buhok na buhaghag , please lang tiya Flor sana hindi mo sinabi kay mom ang tungkol dito.

Nadatnan ko agad ang guard na nasa gate, marispetong nakatingin saakin.
Bilang pag galang naman ay ibinalik ko ang ngiti na binigay saakin.

Huminga akong malalim saka na pumasok sa loob ng bahay

"tiya" sambit ko sa matandang kanina ko pa gusto maakap at makausap ngunit akma na sana akong lumapit sakanya.
Ay isang boses ang pumukaw sa loob ng bahay.

"Can't believe you're still doing this"

Nanigas ako pagkarinig ko sa boses ni mom. Kararating paba nya? Shit

"Vivian said nagpunta nanaman kayong dalawa doon sa bar"

Traydor na best friend. Nag promise pa sya sakin na hindi sya sasabihin ito kahit kanino.

Ngayon nagsisisi na talaga akong sumama pa ako sa babaeng kagaya nya na napaka burara. Ang bigat ng dibdib ko pagka bigkas ni mom sakanyang pangalan.

"It's been awhile. I mean it's been fourteen years"

"iha"

Umupo si mom sa sofa nakangising nakatingin saakin, ewan pero biglang bumalik ang galit na dinadama ko sa babaeng ito.
"Why don't you just hug your mom?"

Ibinukas ang mga braso senyas na gustong magpayakap pero hindi ako gumalaw. Mas lalo akong umatras palapit sa tabi ni tiya Flor, kaya lang naramdaman ko naman ang mahinang pagkirot nya sa gilid ko at binigyan ako ng tingin na sundin ang utos ni mom.

Umirap ako, tinignan ko si mom ng masama kaya niyakap si tiya sabay akyat sa itaas.

"Casilyn" Tawag ni tiya saakin at nagpatuloy lang ako hanggang nadatnan ko na ang pintuan ng aking kwarto saka hindi nagdalawang isip na pumasok.

Wala akong time para pa kamustahin o kausapin man lang ang taong basta basta nalang umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

Sa tuwing nakikita ko sya naaalala ko si dad, kita ko parin sa utak ko kung pano sya hindi umiyak nung inilibing na ang nag iisang lalaking binuhay kami.

Naging saksi ako sa lahat ng mga naging reaksyon ni mom, ni sya nga lang sigurong asawa dito sa mundo na hindi umiyak sa pagkamatay ng kanyang nag iisang asawa.

Iniisip ko lahat ng mga nangyari nung bata pa ako, sinasabi sa sarili na sabik na sabik nang tumanda dahil gusto kong maranasan ang buhay bilang isang ganap na babae pero habang palaki ng palaki ako

Naisip kong napaka toxic na ng society ngayon, parang gusto ko na ulit bumalik sa panahong wala akong problemang pinapasan. Puro saya lang ang nadadama sa buhay.

Naramdaman ko ang pagkabigat ng aking mga mata resulta para makatulog ako ng mahimbing.

• • •

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon