TWENTY FIVE

200 5 1
                                    

Casilyn

Focus na focus ako ngayon sa pag tahi ng punit na parte nitong aking dress na binili ko, ayokong suutin yung dress na binili na mom para sakin. Basta ayoko lang.

Inadjust ko nadin dahil masikip sa katawan ko pero hindi pa naman ganun pa visible ang baby bump ako. Three weeks pa kasi akong buntis, sinamahan ako ni tiya kanina na magpa check sa doctor and yes I am pregnant.

Nakahanda na ang mga sasabihin ko kay Tristan, nawa'y sana maintindihan nya ang aking sitwasyon. Si Mike din he needs to know about this, na mag kakaanak na sya.

7:48 PM pagtingin ko sa clock ng aking phone tamang tama 9 o'clock magsisimula yung party kaya di na ako nag aksaya pa ng oras at lumabas na.

Mauna na daw ako dahil mahuhuli pa sina tiya Flor sasabayan daw kasi sya ni Mang Edi kaya di na ako tumanggi pa, ayoko rin namang makasira ng moment ng iba.

Sana all

Right timing din na naabutan ko si Vivian na may kasamang lalaking pamilyar ang itsura and dun ko lang napagtanto na sya yung Kevin na lagi nyang kinukuwento saakin.

"Yung bebe mo pala andun sa mommy mo kinakausap sya habang hinihintay ka" Umiling ako saka sya hinila palayo resulta para matanggal ang pagkakahawak nya sa braso ni Kevin

"Wait lang ito naman!"

"Viv...may sasabihin ako" Kabado kong sabi

"Oh ano yun?" I look behind her seeing Kevin looking at us curiously kaya nginitian ko sya ayaw kong pag isipan nya kami ng masama ngayon

"Viv"

"Ano nga" Inayos nya ang kanyang hikaw at tinignan ako ng mariin

"I'm pregnant"

"What?!" Napatikom sya sakanyang bibig bahagyang nilapitan ako at niyakap

"Congratulations babe! Magiging tita nadin ako" Ngunit sa gitna ng mga ngiti na sinasalubong nya saakin ay hindi ko naibalik ang yakap nya ibinigay nya. I wiped my tears fanning myself with my hand

"Si Mike ang ama" Pumikit ako at dun din may pumatak ulit na luha.

Niyakap nya ulit ako saka hinahagod ang aking likod "Mygosh I'm so shocked right now to be honest, but Casi-"

"I know they're getting married tapos pumunta pa talaga ako dito sa engagement party na toh" Pagputol ko sakanya

Marami ng tao ang dumating mga kakilala kong panay kaway saakin and the rest I don't know who are they I'm sure they are related to mom and Mike.

"Sasabihin mo ba kay Tristan?"

"Yes about this pregnancy and Mike" Her brows narrowed

"Nahulog ako sakanya Viv ang bilis diba? Pero nangyari na eh nagpadala ako" Pinaupo nya ako sa isang kumportableng upuan habang humaharap saakin. Tumingin sa direksyon namin si Kevin at nginitian kami, I'm sure they really look good together sana sila na nga talaga.

"Sasamahan kita" Hindi na ako nakapag protesta pa at nakita na naming pareho na paparating si Tristan sa direksyon namin

"Mahal"

Mahal

Yan na ang huli nyang tawag saakin pagkatapos kong sabihin sakanya itong salitang ibibigay ko sakanya ngayon.

"Tris usap muna tayo sa labas" Tumango sya at mas lumapit pa para sakin saka ako niyakap. Si Vivian naman sumunod lang samin takot na baka may mangyayaring masama. "Ano yun?" Saad nya saakin namulsa at taka akong tinignan

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon