SIX

160 5 0
                                    

Casilyn

"oh bat nandyan ka.. teka ano yan?"

Tanong ni Tristan saakin ng makarating sya sa tapat ng main gate namin. Hinila ko sya palayo hinihila din ang maleta.

"Naku Casilyn mahirap yan baka ma trace tayo, alam mo na ngayon hightech na"

Ano ba pinagsasabi ng lalaking ito
Seryosong seryoso na nga itong sitwasyon ko ngayon nagpapatawa pa.

"Ano bang ibig mong sabihin?!"

"Anong ibig mong sabihin eh mahihirapan tayo nyan eh, dinadamay mo pa ako"

"Tristan umayos ka nga!"

"Eh ano pa nga ba laman ng maletang yan? Eh diba bangkay?"

Binatukan ko sya, baka mamaya may makarinig pa at mapag dududahan pa kami kahit hindi naman totoo.

"Hindi bangkay laman nito. Damit ko"

Naglabas sya ng hiningang pagkawala ng kanyang kaba nang marinig nya ang sinabi ko.

"Eh san kaba pupunta?"

"Umalis ako" Tinignan nya ako na parang tinatagpi tagpi ang salitang binitawan ko

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dumating si Olivia kahapon"

"Yung mommy mo? O bat ka naman aalis eh diba dapat masaya ka"

Yun ang akala ni Tristan, akala nya may masaya akong relasyon sa mother ko.

"Ikakasal na sya Tris, at hindi ko approve yun tsaka ang dami nyang ginawa na hindi ko nagustuhan"

"Tulad ng?"

"Pinatanggal nya yung family picture namin gusto nyang palitan ng bago kasama yung fiance nya,kaya ayun nagkasagutan kami hanggang sa nasobraan at nasaktan ako"

Ayun umiyak nanaman ako ulit at naramdaman ko nalang ang dibdib nya sa mukha ko.

"Magiging okey din ang lahat Cas,sige lang nandito ako para sayo"

Si Tristan lang ang tumatawag saakin nyan while me Tris ang tawag sakanya. Iba talaga ang friendship naming dalawa.

"Naiintindihan kita, need mo ng time para makaisip ng maayos tungkol dyan sa inyo ng mommy mo"

"I'm sorry kung nakaistorbo ako, yung favor ko kasi ano.."

Ngumisi sya at inakbayan ako

"Of course no problem welcome na welcome ka sa mansyon namin senyorita" Sa sobrang saya ko ay hinampas ko sya

"Bat mo alam na sasabihin ko yun?"

"Dahil... Kitang kita ko sa pag mumukha mo tsaka wag ka dun kay Vivian paniguradong sya agad tatawagan ng lola ko teka alam ba nya?"

"Alam nyang umalis ako pero hindi nya alam na sainyo ako pupunta"

Tumango sya at binitbit ang maleta

"Okey wag kang mag alala hindi ko sasabihin sakanya kung yan ang ikinabahala mo, pano ba kasi ang lakas mo sakin eh"

Baliw talaga itong lalaking ito. Minsan nga parang kinikilig na ako sa mga salita nya sakin kahit biro lang iyon lahat.

Mikael

"Did she already pick up?" Tanong ko sa yaya ni Casi na halatang halata din na nag aalala sa kanyang alaga.

"Hindi eh, cannot be reach talaga.Tinawagan ko nadin yung kaybigan nyang si Vivian, wala din. Inoff nya yung telepono nya" Huminga ako ng malalim tinitignan ang babaeng papakasalan ko ilang buwan nalang.

"Let her be, ginusto nya iyan"

"Mygod Olivia she's your daughter. Your own daughter" Tinignan nya ang matandang nakatayo padin sa likod ko sinenyasan na iwan kami para makapag usap. Pero pinigilan ko sya, may karapatan din syang samahan kami dito dahil naging ina din sya dito ni Casilyn.

"Olivia, naulila sya nung namatay ang daddy nya and nung umalis ka. Can't you just understand her? May pinagdadaanan yung bata"

Binitawan nya naman ang towel na pinagpunas nya sa kamay nya saka hinarap ako iniangat medyo ang ulo para maabot ang aking mga tingin sakanya.

Maganda si Olivia, maputi, maganda ang korte ng katawan, Casi and her had the same height, not short but not tall at all,. Oo ganyan ang ugali nya pero mabait yan. That's why I proposed to this woman.

"I know Mike pero nung sinabi nya sakin yung mga salitang iyon. Parang hindi na sya yung Casi na minahal ko"

"Olivia anak" Mahinahong tawag ni aling Flor

"Nadala lang sa atensyon yung bata, syempre nagulat sya sa sinabi mong ikakasal kana. Alam kong nasaktan ka sa mga sinabi nya pero alam nating pareho na hindi nya sinadya iyon, kilala mo sya. Anak mo sya eh"

Huminga naman sya ng malalim. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pero anak Olivia, nakita ko sa mukha ni Casilyn kung pano din sya nasaktan ng lubos sa mga salitang nabitawan mo sa kanya"

"Alam ko yun tiya, nadala din ako ng emosyon ko. Dahil ngayon parang hindi ko na anak ang hinaharap ko"

"Hindi madali ang pinag daanan nung bata nung umalis ka nak. Tuwing gabi akong umaakyat sa kwarto nya dahil nadidinig ko ang bawat pag iyak nya, hinahanap ang daddy nya at syempre ikaw"

Humigpit sa pagkakahawak si Olivia sa akin kaya dahan dahan kong hinahaplos ang kanyang likod.

"Simula nung namatay si William, ang dami ng nagbago. Nagbago si Casilyn.
Ang dating masiglahin na alaga ko nag iba na Ang timpla ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun eh susuko nalang tayo sakanya."

Hinarap ako ni Aling Flor saka ngumiti

"Kung gusto nyong tanggapin ng buong buo ni Casilyn ang relasyon nyo. Mahalin nyo sya ng totoo kagaya ng pagmamahal ng daddy nya sakanya"

I wonder kung gaano sila ka close ng daddy nya. Sa kinukuwento kasi ni aling Flor saamin damang dama ko na daddy's girl itong si Casilyn.

I can't blame her to be honest, hindi ako nakaramdam ng galit sakanya nang sinigawan nya ang mommy nya.

Naiintindihan ko sya. Losing someone you love really hurt you, you'd feel like
ikaw nalang ang tao dito sa mundo. Na wala kanang kakampi.

Niyakap ni Olivia si tiya Flor atsaka tumango, showing that's she's finally okay.

"She needs to be alone, I know she's not that easy to forget something"

Umakyat na kaming dalawa. At nang makapasok kami sa kwarto ay niyakap ko sya mula sa likod.

"Everything is gonna be alright. Trust me love" Bulong ko sa tenga nya at hinaplos nya ang aking pisngi

"She loves her dad so much, than me"

"Hey don't say that. She loves you hindi nya lang pinapakita ngayon"

I know she loves her daughter more than anything.

Sya ang nagbigay sakanya ng buhay dito sa mundo at walang makapag babago noon.

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon