FIVE

175 4 0
                                    

Casilyn

"I can't believe you did that, akala ko ba best friend kita"

"Omg Casi I'm really sorry okay? Eh pano ba naman kasi yang si tita binabantaan ako na ayaw nya na akong payagan pa na makita ka o makausap ka"

"Kahit na"

"Casilyn. Im really sorry please patawarin mo na ako"

Shit talaga nawalan na tuloy ako ng chance pa para makaabot sa doon sa studio at buti nalang nakabigay ako ng magandang palusot para hindi ako pagalitan

"Okay okay fine pero pag tinraydor mo ulit ako. Let's just forget about each other"

Ibinaba ko ang phone itinapon sa mesa at itinapon ang sarili sa kama. Hindi ko naman talaga kayang itapon ang friendship naming dalawa ni Vivian sinabi ko lang iyon para hindi na sya magbalak pa na gawin ulit ang bagay na iyon sa mom ko kahit na siguro pinipilit pa sya. Hindi rin naman ako galit sakanya eh.

Mamaya na ako lalabas. I know they're still there kinakausap si tiya Flor.

Sino ba sila sa akala nila para basta basta ko nalang sila tanggapin.

Hindi sila pwedeng ikasal!

And then there's Mike

Bakit hindi nya sinabi saakin na engaged na pala sya. Kung makahawak sya saakin last night

He didn't tell me he's getting married!

Wag na syang umasa pa na tatanggapin ko sya bilang asawa ng mommy ko.

O bilang magiging step dad ko.

• • •

Hindi ko na napigilan pa ang uhaw na nararamdaman at nagpasyang lumabas na.

Ala una na ng madaling araw, I'm sure tulog na sila tiya Flor and wala na sina sina mom dito.

Dahan dahang lumakad sinisiguradong hindi makakagawa ng ingay na makakagising sa mga taong nakatulog na.

Binuksan ko ang cabinet kung saan naka puwesto ang mga baso saka na naglagay ng tubig at itoy ininom resulta para makabitaw ako ng 'ah' dahil sa pagkawala ng uhaw sa aking dila at lalamunan.

Bigla akong nakaramdam ng presensya saaking likod nang lumingon ako ay napahawak ako sa aking dibdib.

"Gosh!" Bulong kong sigaw

"Sorry I was just about to drink some water too"

"I thought you both left"
Tumingin sya saakin sabay kamot sa batok nya. So ngayon nahihiya na sya while the other night may pa dirty talk pa syang alam.

"Casi, I'm really sorry wala akong intention na pag awayin kayo ng mom mo"

Akala ba ng lalaking ito yun ang dahilan kung bat ako galit?!
Hindi kasama yan sa mga nagiging rason ko ngayon wala akong pake kung ilang taon pa kami mag aaway ng mommy ko. Well sanay na ako eh, pano na.

"You didn't tell me you're getting married"

"Look I have no idea ikaw pala yung anak nya" Ang basong hinahawakan ko muntik nang madulas sa kamay ko buti nahigpitan ko agad ang pagkakahawak.

"Kahit na. Sinabi mo nalang din sana what if may nangyari talaga saatin nung gabing yun?!"

Lumapit sya sa kinasasandalan ko

"I was drunk that time, and I know I'd made the biggest mistake"

Bakit parang nasaktan ako sa salitang binitawan nya.

"Me and my friend decided to go on that bar, me and your mom were staying at the hotel that night. Nag away kami dahil sa mga naging busy schedules nya and then she called asking for my forgiveness"

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon