TWENTY FOUR

159 4 1
                                    

Casilyn

Hawak hawak ang tissue habang ang ulo ay nakatuon malapit sa inidoro nilalabas lahat ng gusto kong ilabas. Ang sama ng aking pakiramdam paradng  bumaliktad ang sikmura ko dahil sa kakasuka ko.

Ilang linggo ko nang nararanasan ito, ang sakit din ng mga balakang ko at sa sa tuwing naaamoy ko ang mga lutong pinapakain saakin ni tiya nababahuan ako at nasusuka kahit na yun ang paborito kong kainin pero ngayon hindi ko na gusto ang amoy na yun. Nakakadiri.

Humarap naman ako sa salamin at napapansin nadin ang katawan ko nananaba na. Grabe na talaga tong pakiramdam ko ngayon di ko na maintindihan.

Bigla namang may kumatok sa kwarto hindi na ako sumagot pa dahil bumukas ito at nakita ko si tiya Flor na pumasok.

"Iha pwede ba kitang makausap?" Tanong nya sakin at umupo ako sa kama handang makipag usap sakanya

"Iha nag aalala na ako ilang araw kanang ganito tapos yung dance competition nyo hindi ka sumali bakit?"

Yeah hindi na ako tumuloy pa sa competition na yun, hindi ko na kasi maiwasan ang masuka,masama ang pakiramdam and my body is always been so sore. Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang igive up nalang iyon, may next time pa naman eh bahala na. Atsaka nawala narin yun sa isip ko.

"Casilyn iha napapansin ko lang ah, hindi mo na kinakain yung mga pinagluluto kong alam kong paborito mo, napapadalas nadin yang pagsusuka mo baka naman" Natigilan sya saglit at hinawakan ang magkabila kong kamay

"Sabi ko sainyo ni Tristan huwag muna magmadali eh, pero hindi ako nakasisiguro ha kaya lang iha nakikita ko kasi sayo ang mga senyas eh"

"Senyas na ano po?" Taka kong tanong inabot ko naman remote ng aircon at pinatay iyon dahil sobrang nilalamig ako

"Na..baka buntis ka"

Napatawa ako ng mahina sa naging komento sakin ni tiya at inagaw ang mga kamay ko sabay tayo. Kung buntis ako I'm pretty sure hindi si Tristan ang ama

Kundi si Mike

Pananagutan nya kaya ako? Pero hindi pa naman namin alam eh kung buntis ba talaga ako.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa kaba na nadadama

"Tiya..." Utal kong tugon at ngumiti sya, nakikita ko ang mga wrinkles nyang namumuo sakanyang noo dahil bumagsak bigla ang ngiti nya sa sinabi ko

"May nangyari po saamin ni Mike"

Umasa akong tumayo sya at sigawan ako pero hindi, sa halip napatakip sya sa bibig at pinapaypayan ang sarili. Inabot ko naman yung tubig sakanya dahil takot akong baka tumaas dugo nya,god.

"Jusko po!"

"Tiya I'm sorry" Umiling sya hinila ako at pinaupo ulit

"Sabihin mo saakin lahat Casilyn jusko, sabihin mo na para maintindihan ko habang maaga pa" Napabuntong hininga ako at humikbi nadin. Halo halo na ang emosyon saaking loob ngayon, tangina talaga gulong gulo na isip ko.

"I like Mike tiya, ever since nung nagkita kami sa bar hindi ko pa po alam na sya pala ang mapapangasawa ni mommy and then habang tumatagal ang pagsasama naming dalawa sa iisang bubong hindi namin maiwasang mag usap ko nakawin saglit ang oras na meron kami. Umabot po dun sa point na si Mike na yung umiiwas saakin dahil gaya nga ng sinasabi nya ay mahal nya si mom. But until last month nung gabing iyon, yung maaga na po akong nakauwi"

Malungkot syang tumango

"Nung gabi na po iyon ay aksidente nanaman po kaming nagkita sa bar, and then nalasing sya sinasabihan nya ako ng mga salitang nagpadala saakin resulta para bumigay ako hanggang ayun na nga po may nangyari saamin"

Ngayon sya naman ang tumayo pacing back and forth ang isang kamay ay nasa noo nya

"I'm so sorry tiya tinraydor ko po kayo lalo na si Tristan,pero narealize ko nadin po eh na hindi sya ang hinahanap ng puso ko"

"Sino? Si Mikael? Iha ikakasal na sila,sa susunod na buwan na dahil bukas na bukas na ang magiging engagement party nila"

Napanganga ako

"Akala ko po-"

"Pina advance ni Mike hindi ko alam kung bakit, kaya naghahanda na nga sila ngayon eh pero teka nga wag muna yan pag abalahan natin ngayon, iha yung apo ko pano natin sasabihin sakanya ito"

Mas lumakas ang aking hikbi. Ang sama sama kong babae hindi ko deserve si Tristan sobrang bait nya para sa isang malanding babaeng kagaya ko

"Sasabihin ko po sakanya bukas ng gabi, pero tiya I'm really sorry,I'm sorry kung naging digrasyada ako kahit hindi ito ang lagi nyong tinuturo, I'm sorry kung hindi ako naging maayos na babae para sa apo nyo, I'm really really sorry" Hikbi ko nalang ang maririnig sa loob at ilang saglit lang ay nadama ko ang mainit na bisig ni tiya Flor saakin.

No, bakit ba ang bait bait nya saakin? Kahit na kumaliwa ako sa relasyon namin ng kaisa isa nyang apo

Pareho silang hindi ko deserve

Mygod!

"Casilyn, hindi ako galit pero syempre nadidismaya ako ngayon at nalulungkot para kay Tristan at lalong lalo na para saiyo" Humigpit ang aking yakap sakanya ayoko syang bitawan, ayokong iwan nya ako dito. Gusto ko ng karamay ngayon, gusto ko dito lang ako sa bisig ni tiya Flor.

"Pero naiintindihan kita, nagmamahal ka pero kahit na anak ikakasal na si Mike ano ang gagawin mo pag sya talaga ang ama nyan?"

Si Mike ang ama nito wala na kasing ibang gumalaw sakin bukod sakanya. Pero hindi pa naman confirm eh kung buntis ba talaga ako

"Hindi ko po alam" Mas lalo nalang nya akong niyakap at dinamayan ako saaking pag iyak dito sa kwarto, inintindi nya ang sitwasyon na dinadala ko ngayon. Bukas sasabihin ko na kay Tristan ang lahat, kelangan kong mag ipon ng lakas ng loob para harapin sya.

• • •

Dito na ako kumain sa loob ng aking kwarto wala paring gana para lumabas. Iniwan muna ako saglit dito ni tiya para bumili sa pharmacy ng pregnancy test dahil gusto namin parehong malaman ang katotohanan.

Hanggang ngayon hindi padin nawawala sa katawan ko ang kabang nararamdaman

Tinext ko si Vivian at inupdate ang tungkol sa party na bukas igaganap at kinatuwa ko narin naman ang pagtanggap nya akala ko kasi tatanggihan nya nanaman ako at sasamahan nya yung Kevin na yun.

Bumukas ulit ang pinto at doon ko naabutan si tiya na may dala dala ng plastic. Tinanggal nya sa pagkakabalot ang isang kahot na naglalaman ng dalawang pregnancy test

"Mas maganda pag sisiguraduhin talaga din kaya dalawa binili ko sige na maghihintay ako dito" Kabang sabi nya sakin nung una nagdalawang isip pa ako pero hindi, gaya nga ng sabi ko maglalakas loob na ako.

Inabot nya saakin ang isang maliit na cup para siguro dun ko iipon ang aking alam nyo na. Pumasok na ako sa banyo at sinimulan na ang dapat simulan

Inuna ko yung isa at pagkakita ko sa guhit na pula doon ay mas lalong pinagpawisan ang mga palad ko. Sinunod ko ang isa pa, kaya nang matapos na ako ay inayos ko na ang sarili at lumabas na. Hindi ko na tinignan pa ang huling test dahil dali dali kong binigay kay tiya ang mga iyon.

Umupo ako sa mini chair na nasapwesto sa harap ng bintana ng aking kwarto mula rito ay kita ko ang lawak ng labas pati narin ang pool. Kung saan kami nagsaya noon ni Tristan.

"iha" Mahina na ngayong sambit ni tiya saakin at tumango paulit ulit

Parang ilang minuto nalang bibigay na itong mga hita ko ngayon, namamawis nadin ang noo ko at nanlalamig na

"Buntis ka"

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon