TWENTY TWO

145 4 0
                                    

Casilyn

"Buti nalang pinayagan ka na ng mommy mo" Said the girl na niyaya nanaman ako sa bar. Ngayon wala na ang pag aalinlangan ko ngayon na bumalik doon gusto kong magpakasaya. Gusto kong maalis itong mga stress sa loob ng katawan ko ngayon.

"Yeah I don't even know why basta pag sabi ko sakanya na sasamahan kita she immediately agreed"

"By the way, where's your cutie boyfriend?"

"Overtime at work" Reply ko sakanya fixing my chest properly. I am wearing right now a black tight dress na tama lang mayakap ang katawan ko ng kumportable. It's backless at maraming pearls ang nakakakapit dito. It also shines.

"As always, hindi pa kami nakapag hang out ah, anyways let's get inside now and have some girly time!" Vivian announced cheerfully at hinila ako papasok

It's still the same, maraming mga tao sa loob. Some of them drinking, dancing at yung iba pa naglalamutakan sa sulok.

"What drink you want babe?"

"The same" Umupo kami sa stool dito sa counter side, dito ko gustong umupo para diretso ng maka order ng drinks and ayokong makatabi ang mga lalaki doon na mukha palang manyak na.

I thanked the bartender and proceeds to drop my lips sa side ng basong aking hawak hawak. Vivian is busy chatting on her phone iniwas nya ito nang mahuli nya akong sumisilip sa phone nya.

"Akala ko ba walang secrets" Tampo kong sabi

"Sorry honey pero may privacy din kami as mag jowa, alam kong meron din kayo ni Tristan nun" She wiggled her right eyebrow, I slapped her arm

"You're so dirty"

Lumaki agad ang mga mata nya sa sinabi ko "You're the one who's being dirty minded here bes, ang ibig ko lang namang sabihin ay may privacy din kayo ng bebe mo through your chat to each other, yung mga landian syempre ayaw mong may makaalam na iba kasi nahihiya ka. Ikaw talaga" Nakatanggap ako ng kirot sa aking gilirin galing sakanya

Nahuli ang mga tingin ko sa magpares na masayang nagsasayaw. They look so happy together,the girls arms are around the guy's neck while his are on her waist.

They look so perfect, ang adorable tignan. I wish Tristan is here too para gayahin din namin ang ginagawa nila ngayon, the music changed into a slow one at gumuhit nanaman sa isipan ko ang gabi na kung kelan namin nakuha ni Mike ang atensyon ng isa't isa. That night when we danced together, swaying our heated bodies to each other.

Pikit akong uminom ulit at lumingon sa bandang kaliwa ko

Shit

Sa dinami daming lugar na pwede kaming magkita bakit dito pa?! And why the fuck is he looking at me like I'm a robber?!

Eh gusto ko lang naman magpakalasing

Ewan pero kusang umalis ang katawan ko sa stool at lumapit sa kung saan man nakaupo si Mike, I sitted beside him enough na may distance saaming dalawa.

"Hey"

"What are you doing here Casilyn?"

Gosh he sound drunk right now, parang bad mood nga. Well lagi naman since nung sa kitchen namin.

Nilibot ko ang mga mata kong sabik nanamang makuha ang mga tingin nya
"This is a bar Mike everyone can go here and have some fun"

"Who are you with?"

"My friend, she's there" Turo ko sa direksyon kung nasaan si Vivian na hanggang ngayon nagtatype padin.

"Oh I thought you were with your boyfriend" He said and I tensed

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon