SIXTEEN

128 7 0
                                    

Casilyn

Pinikit ko ang aking mata seeing the flashed of lights through my closed eyes habang sinusuklayan ni tiya ang aking buhok. Nandito kami ngayon sa sala pinag uusapan ang mga naging araw namin and when I asked her about Mang Canor todo sya deny at napipikon na dahil hindi ko tinatantanan ang topic na iyon.

"Wala nga iha, sinabayan nya lang akong mamalengke at nag usap lang kami yun lang wala ng iba pa"

"Asus tiya naman eh parang ano"
Tumigil sya sa pagsuklay kasabay ng pag hinga nya ng malalim

"Iha naman yun nga yung totoo"

"Okay okay po kalma lang" Kahit na hindi ako nakatingin sakanya ngayon ay alam kong umiiling na sya

"Kamusta yung dance class?"

"Next month na yung final competition kaya kaya todo yung teacher namin sa pagturo every part ng choreography"

Pinagpatuloy ni tiya ang pagsuklay nya.
Ganito gawain namin pag maagang natapos si tiya sa gawain nya dito na ikinasasaya ko. Haplos nya saaking buhok ang pinaka favorite ko sa lahat mabilis kasi akong makatulog pag ginagawa nya iyon saakin.

Nag pop naman ang notif ng message saakin ni Tristan, just like a protective boyfriend he is. Lagi nya akong kinakamusta.

"I'm here right now with tiya nag uusap lang naman kami"

"Ah ganun ba mabuti naman, kumain kana?" - Pogi

"Tapos na sinabayan nya ako kanina, eh ikaw?"

"Wag kanang mag alala sakin mahal basta ikaw dyan ah wag kalimutan kumain alam naman nating lahat na may ulcer ka" - Tristan

"Opo" Hindi ko na nahintay pa ang reply nya sa kadahilanan ng pagtuon ng aking mga mata sa lalaking pababa at dumiretso sa kusina kaya saglit akong umalis sa pwesto nagpaalam saglit kay tiya.

Pumunta ako sa kusina kung saan lang pumasok si Mike nadatnan ko syang naglagay ng tubig sa isang baso

"Ayos kalang?" Nanigas sya sa kinatatayuan saglit na tumalikod para inumin iyon

"Yeah"

"Kumain kana ba?"

"Mamaya na hindi pa naman ako gutom"
Pagbaba nya sa baso patuloy parin sa pag iwas ng tingin saakin

"About the-"

"I'm going now" Pagputol nya sa aking salitang kanina ko pa gustong sabihin sakanya pero ngayon palang nakikita kong hindi sya interesado dito

"Mike please tell me what's wrong" Inabo


t ko ang kanyang kamay kasabay ng paglayo nya mula saakin

He's now putting a distance between us

"Casilyn let's just forget everything please, that drunken night at the hotel saka last night please...I don't want to ruin my relationship with your mom"

Kagaya nga ng kagabi ay iniwan nya nanaman ako dito mag isa sa isang tahimik at malamig sa sulok ng kusina.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi saakin ni Mike kung masasaktan ba ako o magagalit, madidismaya or so whatever!

Now I realized to myself

I'm attracted to him

I'm attracted to a man who I just met and my mom's fiancee

Ang bilis ko namang magkagusto sa lalaking iyon kahit na may boyfriend na akong alam ko sa sarili na mahal na mahal ako. At yun ang kinakatakutan ko,
ayokong malaman ni Tristan ang tungkol sa issue na ito.

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon