TWENTY SIX

149 6 4
                                    

Casilyn

Bumilang ako ng tatlo bago sinenyasan ang mga tao sa likod ko para simulan na ang pagsasayaw. "Okay guys what's our precious word here?" I asked while they still keep going. Malakas na tugtog ang maririnig dito sa loob ng studio.

"Focus!" Sabay nilang sigaw at saka ako tumango

Nang bumagsak na ang huling beat ay hingal silang lumapag sa sahig nakaangat ang mga tingin saakin

"You guys really did a great job,keep it up okay?" Nakatanggap naman ako ng thumbs up mula sakanila "Okay I'll give you twenty minutes break" Saad ko saka sila tumayo sabay pumaroon sa kung saan man sila pupunta

I held my phone with my right hand habang ang kaliwa ko naman ay abala sa pagmamasahe ng aking noo. Ilang araw din akong pabalik balik dito dahil hindi matapos tapos ang class.

Bumukas naman bigla ang entrance ng studio "Hello!!" Bati saakin ni Vivian at sinalubungan ako halik sa pisngi

"Kamusta ang class?"

"Stressful but fun" I grabbed my slipper at sinuot ulit ang sapatos dahil sa bandang oras na ito ay kelangan ko nang umuwi. I need to rest.

"Alright I'll give you a time to rest your body kitang kita ko nga ngayon eh,just call me if you want okay? I gotta go now Kevin is waiting for me outside"

"Sige" Pagpaalam ko sakanya

I checked the time in my phone 10:45 AM,
lumabas na ako ng studio pagkalabas ko naman sa building ay pumara ako ng taxi. Ganito ang buhay sa Baguio, maaliwas at malamig. Minsan nahihirapan din pero walang wala lang yan saakin.

"Maraming salamat po" Bayad ko sa driver saka na lumabas ng sasakyan. Hindi pa ako nakapagligpit sa apartment na tinutuluyan ko sa sobrang busy at ayoko ding bumisita dito si Vivian noh dahil alam kong magpupumilit nanaman syang maglinis dito.

She got married with Kevin last year, yes they are a very happy couple now hinihintay ko nalang na magkaanak sila. Parang mas sabik pa nga ako kesa kay Kevin eh gusto ko na kasing maging isang ganap na tita tsaka I love babies that's why.

It's been four years since nung sinama ako ni Vivian dito, sya ang nagsilbing susi ko para masanay na akong mamuhay sa lugar na ito at hinding hindi ako nagsisisi. It's been three years since nung ache, and it's been three years since nung umalis ako doon.

But nope past is past hindi ko na dapat inaalala ang mga bagay na dapat ng kalimutan. Basura na saakin ang mga memoryang iyon lalo na ang lalaking nagbigay saakin ng sakit.

I took a shower bago nagluto ng ramen, tamad akong magluto eh kaya kadalasan ko nalang kinakain dito ay ramen, sometimes I order pizza. Tsaka hindi din ako ganoon kagaling pagdating sa gawaing kusina.

I logged in my insta and posted my new photo that I took from studio kanina, naka jogging pants pa ako na naka sports bra and kakatapos ko lang magsayaw nun while waiting for my students na dumating sa oras na pinag usapan namin.

Ilang saglit lang ay nag pop ang comment ni Vivian sa notification ko

"Grabe kana Cas (fire emoji)"

I tapped it and replied "Ako lang to Viv" habang natatawa sa sarili hindi ko alam bat bigla nalang akong narka

I logged out and proceed to YouTube para manood ng mga choreography na gusto kong matunan.

• • •

Nagising ako dahil sa isang boses na pumukaw saakin "Gosh akala ko aswang"

"Gaga sa ganda kong ito? Bumangon kana dyan!" Paghampas nya saakin ng isang unan at humiganti din ako ng mas matindi pang hampas sakanya

"Girl today is the first Saturday remember?"

Ay oo nga pala! Makalimutan ko na ang lahat wag lang ito. Bumalikwas agad ako sa kama saka binuksan ang closet para maghanap ng maisusuot, kinuha ko nalang yung black pants ko and then and green cardigan bago naghubad at sinimulang isuot iyon saakin.

"Bilisan mo naman!"

"Saglit lang po madam ha eto na po oh" Sabay naman kaming napairap, syempre di ko kinalimutan ang magsuot ng sapatos at sumunod na sakanyang lumabas ng apartment ko. Nauna na sya dahil nilock ko pa yung pinto,ganyan dapat double check alam nyo na delikado nang mamuhay sa ganitong panahon ngayon.

Naabutan ko syang may dala dalang bulaklak ipinasok nya iyon sa back seat at pumasok na kaming dalawa sa front seat

"Where's your car?"

"Engine problem pang apat na yun parang need ko na magpabili ng bago kay husband"

"Loko! Tara na nga" We drove away at pumunta sa lugar kung saan naming binibisita every first Saturday. Hindi ko pwedeng ma miss ito.

Pumasok kaming dalawa sa main gate ng mala paraisong lugar, this is the place where the love of my life burried

Nang makarating kami sa munting puntod ay ipinuwesto ko ang bulaklak at magsindi ng kulay pink na kandila.

Dalawang oras din kaming nag stay dito, kinakamusta ang munting puntod, naglapag kami ng kumot dito at parehong tinabihan iyon

We both fell silent, both eyes on the sky na ang kulay palang at itsura nito ay parang uulan na kaya kinalabit na ako ni Vivian nag aya ng umalis. Hindi na ako nag protesta pa dahil ayoko din talaga sa ulan.

Tumayo sya hawak ang aking balikat habang ako naman ay nakaluhod, hinaplos ang puntod na kung saan ay may pangalan na nakaukit

My little angel

Kliera

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon