TWELVE

127 5 0
                                    

Casilyn

Malalaman mo talagang ayaw sayo ng mundo pag nalaman mo nalang na may gagawin kang hindi mo naman talaga gustong gawin. Pinuntahan ako dito ni mom madaling araw palang sinasabing kelangan kong sumama sakanya para manukat ng gown na isusuot para sakanilang wedding which is ayokong sumipot.

Hindi porket na umuwi na ako ay okay na ako sa kasal nilang dalawa yan siguro iniisip ni mom. But mommy I'm sorry hindi pa talaga bukas ang puso ko para tanggapin ang lalaking iyan sa buhay ko.

Labis ang aking pasasalamat nang tumawag saakin ang aming dance teacher pinapaalalang may schedule kami today pagtingin ko naman sa calendar dun ko nadin napagtanto na sabado pala ngayon.

So hindi na ako nagsayang pa ng oras saka na pumaroon sa banyo para maligo dahil baka maabutan pa ako ng mom ko.

And when I'm fully done nagpaalam na agad ako kay tiya saka na lumabas tinext ko nadin si Tristan na mamaya na sya pumunta sa bahay dahil wala ako dun ngayon. Inexplain ko din sakanya about this right now.

Pagkababa ko sa taxi ay ipinulupot ko ang strap ng backpack ko sa aking balikat buong lakas loob na pumasok sa loob na animoy isang main character

Main character thing abyer

"Look who's here" Pwersa kong ipinuwesto ang bag sa wood floor ng studio

"Sup Clayton"

"Still fine ngayong nandito kana" Alam na alam kong paparating nayan pero hindi ako nagpadala

"C'mon Casi it's been five months since nung pinopormahan na kita"

"I have a boyfriend now Clayton"

Iniharang nya ang kanyang sarili saaking harapan "Kelan pa and who?"

"Tristan" Tipid kong sagot dahil wala ako sa mood makipag lokohan sa lalaking ito ngayon

"Yung kaybigan mong palaboy?" Tumawa sya saka ako umalis sa pagkakahawak nya saakin nakakadiri sya wala syang karapatang sabihan si Tristan ng ganyan ayokong makasuntok ng lalaki sa ganitong oras ngayon kaya ako nalang ang iiwas.

Yeah Clayton is courting me pero wala sakanya ang hinahanap ko sa isang lalaki alam lahat ng mga students dito pati na nga siguro mga trainer na playboy yang lalaking iyan.

Memorized ko na nga schedule ng papalit palit nya ng babae.

Pero ngayon ayokong isipin pa ang tungkol sa lalaking iyon malas lang kasi pinagsama kami sa iisang class

• • •

"Okay class make sure na makabisado nyo ang mga steps na iyon okay? always remember next month na ang final ng sayaw na ito"

Paalala ni Miss Felin saamin bago lumabas sa studio. Rinig sa loob ang mga boses ng ibang mga students na nagpapaalam sa isa't isa kaya agad kong isinilid sa loob ng aking bag ang aking mga kagamitan dahil baka maabutan pa ako ni Clayton aalis na ako habang busy pa sya sa paghihingi ng number doon kay Sydney na halatang ibibigay nya naman talaga

Poor girl

Hindi na ako nagpalit pa dahil sa bahay ko na gagawin iyon doon din naman ako didiretso.

Hindi ko alam kung bat bigla lumakas ang kabog ng aking dibdib sa pagkakita ko kay Mike sa labas na nakasandal sa kanyang mamahaling sasakyan hindi ko alam brand wala naman hobby ko sa pag aalam ng mga pangalan ng mga kotse.

"What took you so long" Silip nya sakanyang relo

"It's a dance class"

"I know" Hindi padin sya gumagalaw sakanyang kinasasandalan hinihintay na lumapit ako sakanya but hell no

"Bat kaba nandito?" Irita kong bigay sakanya ng tanong

"Susunduin ka" Umirap lang ako bago naglakad papalayo

"Don't be so full to yourself Casilyn mommy mo nag utos saakin na sunduin ka kasi sasamahan mo sya ngayon for your gown" Bwesit talaga! Napaka assuming nyang lalaki eh hindi ba pwedeng ayaw ko lang talaga syang makita o makasama sa iisang sasakyan tangina nya

"Sakay kana bago pa magbago ang isip ko iiwan kita dito"

"I don't want to go may usapan kami ni Tristan"

"Cancel that" Tinignan ko sya ng masama hindi padin umaaalis sa pwesto ko ngayon ayokong magmukhang tanga pero wala na akong pake kung ano tingin nya sakin ngayon.

"Just tell her sya na bahala sa gusto nyang gown para saakin"

"Casilyn"

Binuksan nya ang pintuan ng front seat hindi tumitigil hanggang sa papayag na akong sumama

"Please just do this for your mom's special day"

"You mean yours too?" He scratched the back of his neck bago sinalubong ang aking tingin na kanina pa nakatuon sakanya

"Casilyn please just come with me" Inis nya na ngayong sabi kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod galit na pumasok sa kotse walang planong kausapin sya, like interesado sya.

Tahimik ang naging byahe papunta sa lugar kung nasaan si mommy wala ng salita na lumabas pa sa bibig ko ganun nadin kay Mike sabay kaming pumasok sa boutique at tamang tama naabutan na namin si mommy na kinakausap ang stylist siguro

"You're finally here honey"

"I even begged for her to come here with me" I glared at Mike and he looked away excusing himself para mabigyan kami ng privacy na mag ina

Kinausap ulit ni mom ang stylist para sukatan ako kaya I don't want to waste another time dahil nag send saakin ng text si Tristan

Saglit akong naglakad sa hall ng gown section tinitignan bawat mga damit na naka display hanggang sa isang wedding gown ang kumuha ng aking atensyon. Marahan kong hinaplos ang palad ko sa mamahaling tela ng damit iniisip kung kelan ako makakasuot ng ganito saaking buhay.

Iniisip ko na tuloy na kinakasal kami ni Tristan

"Thinking something?" Boses ni Mike ang nag alis ng aking mga kamay sa gown na kumikinang dahil sa mga pearl na nakalagay sa bawat sulok ng sleeve

"Like it's your business"

"You know Casilyn, if you're marrying someone you should make sure that he is the one" Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng lalaking ito bigla bigla nalang kasi sumusulpot everytime I'm having my own moment with myself

"Are you saying Tristan is not the right guy for me?" Pinakita nya ulit saakin ang nakakairita nyang ngisi na gusto kong ukitin sa pagmumukhang iyan

"Let's just say na baka this is not the right time for you to be in a relationship" Halos magsalubong na ang aking mga kilay sa sinabi nya wala talaga akong alam kung bakit nya sinasabi saakin ang bagay na ito ngayon

"You're annoying"

"You're stubborn"

"Like I care" Sumilip ulit ako sa gown bago inalis ang sarili sa sahig kung saan ako nakatayo dahil because I don't have a right time para makipag deal sa lalaking nasa harap ko na ngayon

"Casilyn can we-" Inabot nya ang kanyang kamay saakin

"Everything is settled let's go now" Napaiwas ako agad saka lumapit kay mom bago nagpaalam

Gusto nya akong sumama sakanila para mag lunch pero hindi ako pumayag dahil nagmamadali ako kanina pa ako pabalik balik tingin sa aking phone dahil ayokong mainis si Tristan kakahintay saakin

Dali dali na akong lumabas sa boutique para makapag para ng taxi nag reply ako sa text habang kinakapa ang sarili dahil sa pawis na kumakalat saaking likod. Nakalimutan kong hindi pa pala ako nakapag palit ng damit.

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon