FORTY

129 2 1
                                    

Casilyn

Kanina ko pa napapansing iniiwasan ako ni Josh especially when I'm asking him about what happened when I fell asleep kasi hindi naman sya ganyan nung gising pa ako ah.

Sina Vivian at Kevin kanina ko pa din sila hindi nakakausap ayoko din naman kasing maka interrupt sa mag asawa. Nandito ako sa loob ng kwarto ko ngayon kung saan ako chineck in ni Mike hindi alam kung bakit syang nagpupumilit na dito lang daw ako.

Ang ganda ng kwarto at malawak ito, may king size bed, may malaki ding salamin na bintana at matatanaw mo mula dito ang ganda ng Henann.

Josh's room was just beside mine kaya nag decide akong lumabas at kumatok sa kwarto nya. "Ano ba gusto kong makapag beauty sleep eh" I shove myself inside of his room pagkabukas nya ng pinto not caring na gusto nya akong itaboy palabas. "I know may nangyari and I want you to tell me,now."

"What do you mean?"

"There's something going on Josh I know"

He removed the facemask na nakalagay sa mukha nya putting some face lotion on it atsaka ako tinabihang umupo sa kama "Sinabi ko na sakanyang bakla ako Cas"

Welp kinda disappointed but not sad

I looked away facing where the door is "Nah it's okay pero sana naman sinabi mo muna saking ibubulgar mo na kay Mike"

"Kanina sa jet I was washing my face in the restroom,Casilyn" Josh tilt my head to meet his eyes na may pag uunawang nakabakas doon "He is very jealous Casilyn to the point na sinundan nya ako sa restroom saying that I'm pissing him off"

Tumayo ako nagbabasakaling babawiin nya ang kanyang sinabi pero nagdaan na ang isang minutong nakatayo parin ako hindi padin sya umiimik "You're joking right?"

"I'm not gurl, c'mon the man is planning to have you back"

No

He's not here for me may girlfriend na sya at isa pa hindi nya na dapat pa sinama yung Tina na yun if he wants to have me back. Pero hindi naman agad ako magpapadala sakanya eh, bahala syang maghirap at maghintay sa wala

"He has a girlfriend Josh"

"I think it's not his girlfriend"

"Why'd you say that?" He motion me to leave pero nanatili padin ako "Ang slow mo naman kasi nakakairita na basta kung gusto mo talagang malaman lahat si Mike na tanungin mo ngayon chupe! Need to ng beauty rest" He shoved me away to the door and slam it in my face

Baklang to! Argh!

Bumalik ako kwarto dahil wala rin naman akong ibang magawa pa ayoko ding bumaba dahil wala akong kasama mamaya pa kasi may dinner kaming lahat doon. I grabbed my phone

"Hey"

Ilang seconds lang mag typing na itong si Spade ang bilis talaga makareply nito pag ako na yung unang nagcha-chat.

"Good evening" - Spade

"Can I share something?"

"Kisses? With all my pleasure sweetheart" - Spade

"There's a man there, I fell inlove with him, nung una kasi hindi nya nakikita sa akto ko pa naman at sa mga sinasabi ko, after four years nandito sya ngayon nagpakita ulit kung kelan pa ako nakapag move on"

Typing

A minute

2 minutes

Typing

"All I can say is that man, he is madly inlove with you sweetheart kaya sya ngayon nagpakita sayo para bawiin ang mga oras at panahong nasayang nya para makasama ka" - Spade

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon