THIRTY THREE

145 5 2
                                    

Casilyn

April 25, 2017

It's still 4:00 AM in the morning pero gumising na ako sa bagay maaga din naman akong natulog kagabi kaya no worries na ako ngayon. I need to prepare nadin dahil today is the dance competition day maaga din kaming natapos sa pag ensayo kahapon which is a very good thing to me, Josh and sa students namin. No misses,no mistakes and no worries na dapat kami ngayon ang kelangan nalang namin isipin ay ang pagtutulungan sa isa't isa para mapanalo ito.

But for me? It's okay for me na hindi maiuwi ang premyo the important is basta naisubok lang lahat ng mga makakaya at efforts. Pero alam ko sakanila na gustong gusto nilang magwagi and that makes me proud too I feel like I am the best dance teacher dahil sa mga magagandang paratang nila saakin at mga pasasalamat kung paano ko sila ginabayan hanggang sa matapos. "Josh pakisundo ako dito oh katamad na mag taxi eh" Sambit ko sa phone na aking hawak hawak habang nagsusukat ng maisusuot bago ko iyon binaba at nagproceed ulit sa pag hahanda.

Nag usap kasi kami kahapon na kelangan maagang magising para makauna doon sa venue kung saan igaganap ang contest. And we're really glad na may intermission number din kaming dalawa mamaya. And about sa deal ni Josh sakin? Yeah sumang ayon ako dahil alam ko namang imposibleng pupunta doon si Mike eh hindi nya naman alam and he's not invited.

Tsaka it's been four weeks since nung nagkita kami, nung tumayo sya sa harapan ko at kinamusta pa ako. So that means nakabalik na siguro sya sa Maynila at pinagpatuloy ang business nya and his marriage with Olivia.

Wish me luck nalang para mamaya.

• • •

Nang makarating kami sa venue pasado ala sais ng umaga dahil itong si Josh ay parang pagong kung makapag maneho panay pa mention na pupunta talaga dito si Mike, na para bang nagpi-predict sya.

"Miss Madrigal I'm glad you made it to come here at this hour" I smiled Josh is behind me abala sa ka text mate nya

"Of course and we want to make sure too that everything is alright here and our students din na dadating na dito soon" Sagot ko kay Mrs Claire. And lead ng competition na igaganap mamaya, may nakikita narin kaming ibang mga team na kakarating lang at mga estudyante naming panay tanong kung nagsimula na ba.

Pumunta kami sa backstage para makita ang ibang contestants "Josh can you check their attendance?" He nodded at pumasok na ako waiting room namin. Sakto ang lapad nito sa laki ba naman ng studio na ito parang lalagpasan na ang Arena eh.
Pero hindi lang talaga ito basta lang studio dahil may sarili din itong stage and extra rooms din. And yung floor pwede kana din manalamin sa sobrang linis at kinis but I knew this is not a wooden floor.

"Oy beh!" Nilingon ko si Josh

"Kaloka pala premyo dito gurl"

"Ano?" Saglit nyang sinabihan ang mga contestant na huwag muna umalis

"Three weeks trip to Boracay tapos libre na lahat beh pati yung hotel natin doon,yung pagkain plus five million pesos! Kaya beh ipanalo natin ito!" Nagtaka ako, I though this is just an simple competition bat may bigla agad na papremyong trip to Boracay at five million?! Is Mrs Claire really that rich para mag invest ng ganyang kalaking pera dito sa event na ito para gawing prize

Umalis ako sa backstage at hinanap si Mrs Claire sakto namang may kausap sya I don't know who is it dahil nakatalikod ito mula saakin "Oh Miss Casilyn Madrigal, I'd like you to meet Mr Sarmiento my co lead here in this competition"

Sarmiento

Co lead

Marahan akong umatras at napalunok, anong ginagawa ng lalaking yan dito? Co lead? So that means

"Nag offer kasi si Mr Sarmiento ng five million here eh at first the prize is only the trip to Boracay but he's still insisting kaya wala na akong nagawa, Mr Sarmiento meet Casilyn Madrigal, she's one of my favorite dancer now that you know that and napakilala ko na kayo I gotta go for a minute para makausap ko din yung ibang dance teacher and their teams" Gusto ko hilain si Mrs Claire pero pinipigilan ako ng mga tingin saakin ni Mike, what the fuck!!!

Please lupa kainin mo na ako!

"Uhhm good morning sige alis muna ako ha kelangan ko pang tignan-"

"Stay please" He announced eyes still glued on me napansin ko din na may hawak hawak syang baso and he's not wearing a suit now. He look so good on a ripped jeans and leather jacket paring it with white shoes. Bumata sya sa suot nya ngayon at naninibago ako nasanay kasi akong nakikita sya laging naka suit.

"I'm sorry Mr Sarmiento but I really need to go now magsisimula na maya maya ang contest" He put down his glass bago ko naramdaman ang mainit nyang kamay around my wrist. Hindi ko nadin naisip kung saan nya ako dinala basta ang alam ko lang ngayon ay nandito kami sa isang walang lamang kwarto. Tangina wala ding ilaw hindi ko na din sya makita.

"It's Mike Casi, Mike" Nanindig din mga balahibo ko sa mainit nyang hininga malapit saaking leeg, ang dilim dito pero alam ko sa sarili ko na nasa likod ko ngayon si Mike at ang lapit lapit nya sakin ramdam ko nadin ang matigas nyang dibdib na humahaplos saaking likod. God! Lupa please ibaon mo na ako!

"Okay,Mike ayokong madismaya saakin ang mga students ko dahil yung teacher nila di pa dumadating,ngayon hayaan mo na muna akong makalabas sa kwartong ito" Akala ko ay aalis na sya at pagbubuksan na ako ng pinto pero halos pumutok na dibdib ko dahil sa kabog ng aking puso na takot ako na baka madinig nya.

My posture hardened when she snake his arms around my waist "It's still the same, hindi ka padin tumatangkad and I thought bangs is life"

"Humaba na kasi isn't it obvious?Gusto kong baguhin ang sarili ko atsaka pwede umalis kana?" Is he bullying me about my fucking height?! Matangkad ako ha!

"Nope" He smells so nice, just like before he smells masculine pero may dumagdag na ngayon. His grip on me right now na humihigpit na dahil sa pilit kong pag kakalas. "I didn't know mahilig ka pala mag invest sa mga ganitong event" I mockingly said and he blow an air to my right ear, tangina nya may kiliti ako dun!

"Before wala pero ngayon" He was about to finish it but my hand on his got his attention kaya nagkaroon ako ng time para makawala sakanya. Ha! Asa ka ngayon Mike!

"Ah I know it's business thing" Sabi ko at nakasalubong ang tahimik at malamig na paligid. Where is he now? Iniwan nya ba ako dito?!

Shit!

Kelangan ko ng umalis, yung pinto! Asan na yung pinto!

I sighed in relief nang mahawakan ko na ang door knob pero hindi ko mabuksan ang pinto, fuck! fuck! fuck! talaga!

"You can't open that Casi" Hindi pa pala sya umalis "Without this" Nadinig ko din ang tila pagyugyog ng bakal na alam kong ang mga iyon ay susi. "Ano ba Mike? Sabihin mo na kasi kung ano kelangan mo atsaka huwag mo nga akong madamay damay dito sa kalokohan mo" Isinandal ko ang sarili sa pinto hindi gustong ihiwalay ang sarili mula doon.

"Casi just please let me talk to you"

"You just talked to me Mike isn't that enough?!" No! Coz I felt his hands on me again hindi na ako natutuwa ah! Yung competition may ilang minuto nalang bago magsimula iyon!

"Casilyn?" It's Josh! Thank God nandito nadin sya. Nakarinig ako ng pagbaon ng susi sa doorknob at iyon ay nabuksan na. Bumungad saamin ang pagtatakang mukha ni Josh pero agad nya din iyong pinalitan ng matamis na ngiti saakin.

"Babygirl let's go na hinihintay kana nila doon sa backstage we need to prepare too for the intermission" Umiinit na ang mukha ko ngayon sa kahihiyan dumagdag pa ang mga salitang binitawan ni Josh and Mike is still behind me.

"Sige Mr Sarmiento kukunin ko na po babygirl ko ha may gagawin pa kasi kami eh" He winked at me before mouthing an audible word, umalis na kami leaving Mike there alone still looking at us hindi ko din maintindihan ang emosyong naka guhit sakanyang mukha ngayon. Kanina lang sobrang among makatingin sakin pero ngayon parang papatayin na ako.

The Unhidden Truth ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon