TRP: 11 (Ghost)

773 47 0
                                    

LECKZY'S POV

"Boys sa kabilang kwarto kayo, tapos tayo naman mga beshie dito tayo sa master bedroom." Chelsey said. I slowly nodded my head.

"Pwede bang dyan na lang din kami, pero sa lapag na lang kami matutulog!" Clark said.

"No, no! Hindi pwede! Ikaw mapagkakatiwalaan ko, pero si Ivan hindi! So it's a no, no, no! Sorry Clark!" Sabi ni Chelsey. Clark shrugged and sighed.

"Hoy, ako na naman ang nakita mo? Inaano ba kita dyan?" Ivan said. Tinaasan naman sya ng dalawang kilay ni Chelsey.

"Ang pangit mo kasi!" Chelsey teased him.

"Chelsey!!!" Galit na sabi ni Ivan.

"Mag-sisimula na naman kayong dalawa. Pwede bang tumahimik kayo! Tsk!" Inis na sabi ni Izzy. Tumahimik naman ang dalawa pero masama ang tingin sa isa't isa. I looked at Clark. He's looking at me.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Andun lang ako sa kabilang kwarto!" He said and smiled. I smiled back and nodded. Lumabas na sila Clark at Ivan ng kwarto. Pagkalabas nila bigla naman akong inasar-asar ni Chelsey.

"Kayo na ba ni prince charming?" Pang-aasar ni Chelsey. Umiling iling ako.

"Weh! Bakit may pa-patong ng ulo sa balikat, bakit may pa-holding hands, bakit may pa-I will protect you, at bakit kinikilig ako sa inyong dalawa? Umamin ka nga sa amin, kayo na ba? Yes or yes?" She said.

"Shh! Wag kang maingay, baka marinig nya!" Sabi ko.

"So, kung narinig! Sagutin mo muna ang tanong ko!" Sabi nya.

"Wala! Walang kami!" I said. Inirapan ako ni Chelsey.

"Sabi ko yes or yes lang ang isasagot mo!" Sabi ni Chelsey. I frowned.

"E, wala naman akong pag-pipilian doon!" I said. Mag-sasalita pa sana si Chelsey pero pinigilan sya ni Izzy.

"If you two are just friends, don't assume all his sweet gestures and flowery words. Dahil baka masaktan ka lang sa huli. And, Leckzy! Some promises are meant to be broken!" Izzy said seriously. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at natahimik. Kahit si Chelsey ay natahimik din.

"Ahh-uhm...tayo na sa baba? Baka luto na ang dinner natin?" Sabi ni Chelsey at nauna ng tumayo. Tumayo na ako at aalis na rin sana pero nag-salita ulit si Izzy.

"Promise, is a big word. It's either makes something, or it breaks everything." Sabi ni Izzy bago ako tinapik sa balikat at nauna ng lumabas ng kwarto. Izzy is right! Hindi dapat ako laging nakabase sa mga pangako ni Clark. Clark and I are just friends. Nothing more, nothing less!

-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Gusto nyong gumala sa Parola ngayon?" Tanong ni Chelsey. We looked at her.

"Gabi na 'no!" Sabi ni Ivan. She looked at Ivan.

"Edi wag kang sumama!" Sabi ni Chelsey bago tumingin sa aming tatlo.

"Ano? Gusto nyong gumala?" Tanong ni Chelsey. I nodded my head. Clark looked at me.

"Sama ako!" Sabi ko bago tumingin kay Clark at Izzy.

"Me too!" Sabi ni Izzy. I looked at Clark. He just shrugged.

"Ikaw Ivan?" Tanong ko kay Ivan.

"Ano pa nga bang magagawa ko! Ayoko namang maiwan dito mag-isa!" Sabi ni Ivan.

"Hindi ba delikado kapag gabi dun?" Tanong ni Clark. Umiling-iling si Chelsey.

"May mga nagbabantay doon atsaka maganda doon kapag gabi!" Sabi ni Chelsey.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon