Paano?

112 1 0
                                    

Sabi nila ayusin ko ang buhay ko,
Sabi nila lumayo na ako sa mga bisyo ko,
Sabi nila magtino na ako kesa mananatiling salot sa mundo.
Paano kung sasabihin kong hindi ko kayang baguhin ang puso ko?

Sabi nila magpadoktor na ako,
Sabi nila magpa-rehab na ako,
Sabi nila iwasan ko na ang mga makakasira sa buhay ko nang husto,
Pero paano kung ako mismo ayaw kong baguhin ang nakasanayan ko?

Sabi nila nababaliw na ako
Kaya sabi nila, kailangan kong pumunta sa simbahan kuno,
Wala naman akong ginawa kundi matulog at tumulala lalo.
Paano ko babaguhin ang mga nakaraang ayaw bitawan kako?

Hindi na nila alam kung anong gagawin sa kalagayan ko,
Wala naman akong pakialam sa kanilang pakikialam sa buhay ko,
Ang gusto ko lamang gawin ay ang mga bagay na hangad nitong aking puso.
Paano babaguhin ang taong ayaw magbago, e ‘di h’wag nang mangialam, po?

Mga salitang nakakaya kong sabihin na bukal sa aking puso,
Ang mga ito'y nakaraan na lamang ng dating ako,
Dahil po, binago na po ang aking puso.
Nangyari ito dahil kay Hesus, na para sa aki'y Siya'y nagsakripisiyo.

Sa panahon ng kagipitan at pangangailangan ko,
May isang taong naglakas loob na sabihan ako,
Sinabi niyang may Dios na mahal ako,
At nagpakamatay sa krus para sa lahat ng kasalanan ko.

Dahil sa sinabi nito,
Ako'y natauhan at napatanong tungkol Dito,
Napatanong ako kung si Hesus ba talaga ay totoo,
Sinabihan niya ako sa mga kuwentong tungkol kay Hesus at binigyan ako ng libro.

Napag-alaman ko,
At nabasa ko nga ang balitang totoo,
Tinanggap ko ang biyaya ng Panginoon at naniwalang Siya'y totoo;
At iyon pa lamang ang simula ng pagbabago ng buhay ko.

Mga Tula (Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon