Sosyal Media 2

30 1 1
                                    

Kinahihiligan ng mga kabataan, bata’t matatanda.
Ito’y naging daan para sa pakikipagkomunikasyon.
Ito ay ginawa para tayo’y magkamustahan kahit saan mang dako sa mundo.
Sosyal Media na pinadali ang palitan ng mga salita.

Sosyal Media na ginamit sa pagpasa ng balita,
Napapanahon na nangyayari sa pamilya,
Napapanahong kulitan ng mga amiga,
Nakakahanap ng bagong mga kaibigan.

Ngunit dahil sa pagmamalabis ng tao,
Ito’y naging pinagmulan ng mga maling balita,
Naging platapormang bawal sa mga bata,
Naging sanhi ng ingitan, awaya’t luha.

Ito’y naging sanhi ng depresyon at pagiging balisa,
Itinataguyod ang mga negatibo’t banta,
Hindi angkop na pagbibigti’t hitsura,
Pagdala ng kaisipang pagsira sa sarili at sa iba.

***
Dedicated to Cherlyn, dear.

Mga Tula (Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon