Ito ‘yung uri ng sitwasyon na hindi ko kayang isipin.
Ito ‘yung uri ng digmaan na hindi ko kayang suungin.
Ito ‘yung uri ng operasyon na magsisimula kung ang utak ay gagamitin.
Ito ‘yung uri ng paghuhugas ng kamay na iba ang gagawa sa aking gawain.
Ito ‘yung uri ng dasal na hindi ko kayang dasalin.
Ito ‘yung uri ng pagsaksak na hindi ka papatayin.
Ito ‘yung uri ng hinihiwa na hindi hinahain; lalong lalo nang hindi kinakain.
Ito ‘yung uri ng lawa na sinisipsip bago languyin.
Ito ‘yung uri ng pagnanakaw na dinahan-dahan.
Ito ‘yung uri ng pagpisil na iniingatan para hindi lantahin.
Ito ‘yung uring pagtatahi na isang maling galaw ang kinahinatnan ay kamatayan.
Ito ‘yung uri ng kurso na ‘di ko kayang pag-aralan.
Ito ‘yung uri ng trabaho na ‘di ko kayang pasukan.
Ito ‘yung uri na gawain na hindi ko kayang gawin.
Noon pangarap ko ito pero nang maglayon na iniisip ko pa lang ay hindi ko na kayang simulan.
Kaya ko bang tumulong sa nangangailangan?
Kaya ko bang labanan ang aking kinatatakutan?
Kaya ko bang manipulahin ang aking kakayahan?
Inspired by: Romantic Doctor 2
Kayo ba, Alam n’yo ba ang trabahong aking kinatatakutan?
Kung kayo ay nasa aking sitwasyon, makakaya n’yo bang lampasan?
BINABASA MO ANG
Mga Tula (Poems)
PoesiaMga Tula is a bunch of poems compiled and made by my vague mind. Some of these compilation of poems were taken from the stories I made. There are also poems made by my cousins and also, poems made by myself. So please, beware of dog. Ay este. Words...