---***-----***-----
"Julia,kamusta ang school mo?Wag kang mgpapabaya ah?Top student kapa naman.At ikaw Bea,gayahin mo tong ate mo.Nag-aaral ng mabuti.Hindi puro lakwatsa ang nasa utak"-Mama
Ganyan naman parati.Sanay na ako na ang agahan,tanghalian at hapunan ko ay ang pagkukumpara sa akin at sa ate ko.
"Ma,hindi nman po ako naglalakwatsa ah?Tsaka nag aaral ho ako ng mabuti.2nd honor nga ako dba?"
"2ND Honor.Kaya nga mag aral ka ng mabuti.Gayahin mo ate mo na laging nasa top"
"Kasalanan ko ba kung sya nalang lagi ang nakikita mo?!"
Natigilan sya...si Papa...at si ate.
"Bea..."-suway ni papa
"Hindi ko kayo ikinukumpara--"
Tumayo na ako.
"Sorry.Nawalan na ako ng gana.Alis na ako"
"Bea,sandali!"-Ate Julia
Pero imbes na huminto ako,mas binilisan ko pa ang lakad ko.
Nakakabwisit lang.
Hindi ako nagagalit kay ate...
Tao lang din ako.May insecurities AT may ego din.
Walking distance lang nman yung school kaya nilakad ko nlang.
"Bea!"-sabay hablot ni ate sa kamay ko."Ano ka ba?!Hindi mo dapat sinagot sagot c mama ng ganun!"
"Edi pasensya.Masama lang gising ko.Pwede ba pabayaan nyo muna ako?"
Di na sya sumagot.Tininingnan nya lang akong lumakad paalis.
Wla ako ni minsang narinig ni isang papuri mula kina mama at papa.Lagi pa kaming ikinukumpara.Si ate magaling,ako?syempre nagmumukhang walang silbi.
Ano bang hndi nila maintindihan sa IBA AKO sa KAPATID KO?
"Bwisit"-sabay sipa sa batong nadadaanan ko.
"Aray!"
Dali-dali kung pinuntahan yung natamaan ko.
Walangya!Si Joshua lang pala...
Ang bestfriend ko..at
ang taong lihim kong minamahal.
"u-uy.Ayos ka lang?"-ako
"Tsk.grabeng kabadtripan naman yan at pati bato pinagdidskitahan mo,Bhae"
Napangiti nalang ako sa kanya.
"Sorry ulet."
"Sige.Basta libre mo ako ng lunch at recess!^_^"
"hayy.Ano pa nga ba?-_-)"
inakbayan nya nman ako.
*dugdug.dugdug*
Yumuko ako para hndi nya makitang namumula ako.
"alam mo,bhae...sa lahat ng kakilala kong babae...ikaw yung pinakamaganda,pinakamabait---"
"nangbobola kapa!Dyan ka na nga!!!"-sabay alis habang nakangiti ng palihim
"huy sandali!!!"-sabay habol nya sakin.
BINABASA MO ANG
Fight for Love
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal ng may kahati? Ako?Oo.Mas masaklap nga lang dahil KAPATID ko pa ang kaagaw ko. Don't get me wrong...I don't hate her.I just hate the fact that we both love the same guy...and that guy was my BESTFRIEND.How nice right? I...