Chapter 32:

27 2 0
                                    

"Buti naman at magaling ka na."-sabi ni Joshua.

Magkatabi nga kami sa seating arrangement dba?

Tumango nalang ako.

Obvious naman na nagke-care sya sakin..as my FORMER Bestfriend.

YUn lang ang naging pag uusap namin at hindi na nasundan pa.

-**---***---

"Nabalitaan ko,nagkasakit ka raw."-Sheena.

As usual,sya na naman ang kasama ko ngayong breaktime.

"Oo eh."

"Nung isang araw,ako ang nagkasakit tapos kahapon ikaw na man.Nanadya naman masyado"

"Coincedence lang naman siguro."

"Hmm...bakit ka nga ba nagkasakit?"

"Nabasa ako ng ulan kahapon..."

Napasimangot ako ng maalala ko na naman ang usapan namin ni Joshua.

"Tapos?"

Tiningan ko sya ng may pagtataka.

"Anong tapos?"

"Alam kong may hindi ka sinasabi sakin..."

Napabuntong hininga ako.

Wala naman akong magagawa pa..sinabi ko nalang sakanya ang naging pag-uusap namin ni Joshua.

Pagkatapos kong sabihin sakanya lahat....parang mejo gumaan na ang pakiramdam ko.Ang sarap pala sa pakiramdam pag may nasasabihan ka ng problema mo...

"Ok lang ba sayo na mawala ang friendship nyo?"

"Hindi...pero may magagawa pa ba ako?"

"Meron....ang magmove-on."

"Yun na nga ang ginagawa ko ngayon...kaso bakit ang hirap?"

"Mahirap...pero masasanay ka din.Balang araw mawawala din yang sakit.Parang sugat lang yan eh,mahapdi kapag bago pa lang...pero kalaunan,matututo ka ng indahin ang sakit dahil nasanay ka na."-saka nya ako nginitian.

Her warm smile makes me feel alright.Buti andyan sya lagi.I'm thankful to have her.

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon