Chapter 3:

63 5 0
                                    

Tahimik ko lang silang pinagmamasdang dalawa.Masaya sila....

kung hndi mo sila kilala,sa unang tingin...aakalain mong may relasyon sila.They make a nice picture.At ako?ano pa ba?Edi photo bomber.Kahit saan nman ako ilagay basta kasama ang ate ko,panira lang ako.

"Ahmm...alis na ako"-paalam ko.

"Huh?hindi pa naman naga-alarm ah?"-ate Julia.

Masakit kayang makita kayong naglalandiang dalawa. :3

"Tumatawag si Sean eh."-sabay ngiti.

"Hmm..okay.I understand"-si ate sabay kindat.

"Sean?Sino yun?"-tanong nya habang naka-kunot noo.

"Lolo ko."

"Ako ba pinagloloko mo?"-sabay tingin sakin ng masama.

"Hindi ah.Gina-gago lang."

"Diba---"

"Hayy nako.Hindi pa ba nasabi sayo ni Bea?Nililigawan sya ni Sean.Taga ibang school yun eh.Di bale,makikilala mo rin sya sa susunod."-Ate

Buti si Ate na nagsabi.Wala naman kasi akong balak magsabi sakanya ng tungkol samin ni sean eh.

"AN0?!Huy Bea,bakit hindi ka ngsasabi?!"-naiinis nyang sabi.

"It's none of your business.Lovelife mo nga hindi ko pinapakialaman eh."

Tiningnan nya ako ng masama.Alam ko naiinis sya.

How I wish naiinis sya kasi nagse-selos sya.Pero hindi eh,naiinis sya kasi naglilihim ako sakanya.Bestfriend ko sya eh.

Pesteng FRIENDSHIP yan.

Pumunta ako ng classroom,naupo sa respective seat ko,pinaslakan ng earphones ang tenga ko at nagsoundtrip.Buti ako lang mag isa ngayon at walang nakakakita ng pagiging emo ko.

Alibi ko lang yung kay Sean.Hindi naman ako nun tinatawagan dahil alam nyang hindi ko din naman sasagutin.Taga ibang school sya kaya hindi sya kilala ni Joshua.Almost 1week palang naman nanliligaw yun kaya hindi ko na binanggit dun sa mokong.Para saan pa?Tss.

-********-------***---

=DISSMISAL=

"Joshua,tara uwi na tayo"

"Teka,Pano si Julia?Daanan muna natin sya"

"Ah sige ikaw nalang.Una na ako."

"U-uy teka...ikaw naman ang mawalan ng kasamang umuwi.Hintayin nalang natin sya."

"Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"No.Samahan mo ako kay Julia.Sabay tayong uuwi"-sabay hatak ng kamay ko at naglakad papunta sa room nina ate.

"Tatay ba kita?tss."

Ang totoo nyan,gusto ko syang makasama sa pag uwi.Eh ang kaso gusto nya isama si Ate.Maa-out of place lang naman ako...Masasaktan.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na may SEAN na palang nanliligaw sayo?"-sumeryoso ang mukha nya

"Wala lang naman yun sayo,diba?"

"Anong wala?Bespren tayo dba?Diba dapat nagkkwento tayo tungkol sa isa't isa?"

Bespren.......kaibigan lang talaga noh?Saklap naman nito. :'<

"Oo.Eh alam mo naman ngayon,so wala ka nang dapat isermon pa dyan."

"Gwapo ba yun?Gwapo pa sakin?"

"Ewan ko."

"Mahal mo?"

Natigilan ako saglit.

Dagdagan mo lang ng 'ako' yang sentence mo,sasagot ako ng 'OO.KASO ang MANHID mo.'

"Ewan ko."

"Sira!Pinayagan mong ligawan ka eh hind mo naman pala alam kung mahal mo talaga sya."

"Sira ka din.Kaya nga nanliligaw eh...pinapatunayan ang sarili nya kung dapat ko nga ba syang mahalin!Tsaka...crush ko naman sya eh."-sabay yuko.Pkshet.Namumula ako.RAMDAM KO!

Totoo naman kasi yung sinabi ko.Hindi ko papayagan si Sean kung alam kong wala akong nararamdamang ni katiting para sakanya.

"Kinilig ka na nyan?tss."

"Teka nga,bakit ba ang sungit mo ngayon?kanina naman hindi ah.May mood swing ka ata eh"

"Ewan ko sayo."-at nauna syang naglakad.

Problema ba nito???Hindi  naman yan nagseselos dahil hindi naman nya ako gusto,dba?

Hindi ko man lang namalayan na nasa harap ng room na kami nina Ate.

--***-+--****---

Habang pauwi,nag uusap sila...nagtatawanan...

Ako?Eto...emo ulit.Nasa likuran lang nila.Nakikinig.Sumasagot lang pag kinakausap.

Hayy nako...

"Sige Joshua.Hanggang dito na lang kami ni Bea.Ingat ka pauwi ah?"-Ate Julia

"Oo naman tsaka Tatlong bahay lang ang layo ng bahay namin sa bahay nyo nuh."

"haha.Osige.Bye na"-Ate

"Bye rin,Julia.Bye,Bea"

Ngumiti lang ako ng konti at agad pumasok sa loob ng bahay.

------

Habang nakahiga ako sa kama,hindi ko maiwsang mapaisip..

Mahal nga kaya talaga nina Josh at Ate ang isa't isa?Kung hindi pa namn ganun katindi ang nararamdaman nila para sa isa't isa,may pag asa pa ako.Mas gusto kong ipaglaban tong nararamdamn ko.Kesa sa huli,magsisi ako na hindi man lang ako gumawa ng PARAAN para maiparamdam kong mahal ko sya at PARAAN para mahalin nya din ako.Ayokong sa huli ay magmukhang tanga habang nakayakap sya sa iba,at nakatingin lang ako sakanila...sakanya,nagsisisi na wala man lang akong nagawa.

ika nga eh..
Huwag mong isuko ang isang bagay na alam mong kaya mo pang IPAGLABAN.
Mahirap MAGHINTAY,
Pero mas masarap MAGTAGUMPAY.

Kung wala talaga edi tatanggapin ko,basta I tried at alam kong wala akong pagsisisihan dun.

Simula bukas gagawa ako ng paraan.Paraan para mas magkalapit kami.I'll make him realize that there is Bea Mendoza na hindi lang pang-Friendzone.

Si Sean naman?Well,oo crush ko sya.Pero alam nyang hanggang doon lang talaga sya.Pero nagpumilit padin syang manligaw.Gusto nyang ipakita na mahal nya talaga ako.He said he want to win my heart.Sana nga sya nalang eh...para walang problema.Bakit ba kasi madalas pa sa madalas kung magkamali ng pana si Kupido?

Alam ni Sean na gusto ko si Joshua.Nakita na nya ito ng minsang nakita nya kami sa mall.Naiintindihan naman nya.Pero andyan naman daw sya if wala talaga akong pag-asa kay Joshua.Willing naman daw syang maghintay.

Sean is indeed a nice guy.How I wish sya nalang ang minahal ko.Pero ang puso talaga napaka-bobo,ang hirap turuan kung sino ang dapat mahalin.

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon