Chapter 28: SPACE

34 0 0
                                    

Pag balik ko ng room namin,nandun na si Sheena.

Kinwento ko sakanya yung pagdating ni CJ saka ni Joshua.

Nagulat nga sya eh.

Kinwento ko nadin sakanya na gusto ko na talagang lumayo kina Ate at Joshua.

Naiintindihan naman nya.Tutulungan daw nya ako.

It's so nice to have her.Yung tipong may mapapagkwentuhan ka ng lahat-lahat at tinutulungan ka pa lagi.  :)

--***----***

Ngayong araw ay 3rd day na namin dito sa resort.Pwede naman daw kaming maligo kung gusto namin pero bawal yung mga two piece...mga shorts at spaghetti lang ang pwede sa girls.

May mga games din naman gaya ng treasure hunt,tug of war,egg relay,saluhan ng itlog,volleyball...mga ganun.

Pwede namang hindi sumali kaya hndi na ako sumali.May sugat kasi ako,remember?Malaki nga eh kaya kumikirot pag magalaw ako masyado.Hindi na din sumali sa games si Sheena..pano kasi naligo na sya sa may dagat kasama nung mga hindi sumali sa mga games.

.Si Joshua at Ate naman sumali sa mga laro.

Nagkakasayahan nga sila eh.

Naglalakad lakad lang ako sa gilid ng dagat...yung sa mababaw lng na parte.Ang sarap nga ng tubig...ang sarap din ng ihip ng hangin.Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang ibang mga naglalaro tska yung mga naliligo.

Nakakainggit.Gusto ko sanang maligo,kaso may sugat pa ako eh. :(

*SPLASH*

O_O!!!

"CALVIN JAMES!!!"

Tiningnan ko sya ng masama.

Ikaw ba naman nage-emo sa gilid tas bigla kang babasain ng tubig,hindi ka mab-bwisit?

"Ay,hehe.Peace.^_^v"

"Ikaw talaga,wala kang magawang matino sa buhay mo noh?"

"meron naman...ang mahalin ka siguro?"

Hanudaw?!!!

Binasa ko din sya ng tubig gamit ang kamay ko.

"Binigay ba sayo ni Joshua ang jacket mo?"

"Oo kaso pinagbantaan ako."

Pinagbantaan???

"Ha?Na ano?"

"Wag daw kitang ligawan kundi sasamain daw ako sakanya....ang protective naman nung bespren mo,Bea.Kung hindi silA ng kapatid mo,iisipin kong may gusto yun sayo."

Napatahimik ako.Eto na naman eh....may namumuo na namang pag-asa sa puso ko...Pero tama na.IMOPOSIBLE yun.

Dahil yun sa BESTFRIEND nya ako.....kaya ganun nalang sya kung umasta.. :(

Binasa ako ni CJ kaya nagising ang diwa ko.

"Natulala ka na dyan."

"Ewan ko sayo."-sabay basa ko din sakanya.

Hanggang sa nagbabasaan na kaming dalawa!Parang mga bata at baliw lang kami dito pero kahit papano nakakaaliw naman.Nagtatawanan lang kaming dalawa kahit basang-basa na kami pareho.

"Uy tingnan nyo oh!Ang sweet nung dalawa!!!"-sigaw ng isang senior student.

Napatigil kami ni CJ.

Nagulat ako nung kami pala ang tinutukoy nya...at ngayon....AGAW atensyon na naman kami ni CJ.-_-

"Ano ba yan.tsk"-bulong ko na narinig naman ni CJ

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon