Chapter 26:

22 1 0
                                    

Natapos na yung activity namin.

Nakakainis lang kasi halos lahat nili-link kami ni CJ.-_-

Wala naman akong gusto dun sa tao.

Oo,inaamin kong gwapo sya,masayahin...pero wala eh...May nauna na dito *turo sa heart*.

Natapos ang dinner na kami lang ni Sheena.Buti hindi na nakitabi samin sina Joshua at Ate...pagod na kasi ako sa drama.

Pagkatapos naming kumain ng dinner,tumambay kami ulit ni Sheena sa dalampasigan.

Ang sarap kasi ng ambiance,nakakatanggal ng stress.

"Bea,mukhang may gusto sayo si CJ ah."-pnunukso niya

"Sheena naman eh..."

"Totoo naman kasi.Bihira lang yun maging ganun sa babae.....sayo lang."

"Wala akong pakialam."

"Kasi may nauna na kaya wala kang ganang magbukas para sa iba?"

"Next time nlng siguro...wag ngayon...hindi ko pa kasi kayang magmahal ulit lalo na at epic fail yung unang beses na nainlove ako."

"Darating din yang magiging LOVE mo na LOVE ka din...hintay lang..natrapik lang yun."

Napatawa nalang ako sakanya.

"SHEENA!"-tawag ng isa naming kaklaseng babae.

"Oh bakit?"-sya

"Pinapatawag ka ni Ms.K.Di ko alam kung bakit."

"Bea,tara na."-Sheena

"Mamaya nalang ako.Dito muna ako."

"Sige.Ikaw bahala.Alis na muna ako ah?Bye.Ingat."

Tinanguan ko nalang sya.

Maya-maya ako nalang mag-isang nagmumuni-muni dito.

Naalala ko na naman yung kay Joshua at Ate kanina....

Ang sweet nila noh?Mahal na mahal nila yung isa't isa....

Bakit kaya hindi madaling kalimutan yung taong minahal mo ng sobra?
Yun bang  feeling na naiinggit ka dun sa isa kasi masaya ang mahal mo dahil sakanya. :(

Napabuntong-hininga nalang ako.Ayoko na kasing umiyak...nakakapagod...nakakaubos ng lakas kahit nakakapagpagaan ng pakiramdam.At isa pa pakiramdam ko ubos na lahat ng luha ko..

Napabuntong hininga nalang ako.

"Lalim ah."-biglang sulpot ni CJ.

Naningkit ang mata ko sakanya.Hindi nya yun pinansin at umupo sa tabi ko.

"Bakit andito ka?"-tanong ko sakanya.

"Bakit andito ka rin?"-tanong nya

"Wala lang."

"Edi wala lang din"

Loko-loko talaga.Pero ok na din yung andito sya...kahit papano nakakalimutan ko saglit yung problema ko.

"Ano bang trip yung ginawa mo kanina?"

"Ha?Yung alin?"

"Yung sa activity kanina."

Natahimik sya saglit.

"Seryoso ako dun,Bea.Gusto ko mapansin mo ako dati kaso lagi naman kayong magkasama ni Joshua kaya hindi mo ako napapansin."-seryosong sabi nya.

Hindi ako sumagot.Hindi ko din naman alam ang isasagot ko eh.

"Bea,alam mo ba....

matagal na akong may gusto sayo."

Nagulat ako dun.

Nagkatitigan kami sa mata at dun nalaman kong SERYOSO sya.

"Ahmm...ano..eh.."

"Ok lang kung wla akong pag-asa sayo.Basta ang importante..nasabi ko toh sayo.Gusto ko lang malaman mo na pag kailangan mo ako,nandito lang ako."-saka nya ako nginitian.

"Salamat,CJ"

"You're welcome ^_^…hindi ka pa ba babalik sa room nyo?"

"Hindi pa eh.."

Hinubad nya yung suot nyang jacket saka pinatong sa balikat ko.Tumayo na din sya.

"Giginawin ka nyan.Magte-ten pm na kasi.Sige una na ako ah?Baka hinihintay na ako nina Seth eh.Mag-ingat ka ha?"

Ngumiti ako sakanya saka tumango..

Mag-isa na lang ulit ako... :(

Maya-maya...naramdaman kong may tao sa likuran ko...

Si CJ na naman siguro..

"CJ,sabi mo aalis ka na?Bakit ka bumalik?"-hindi ako nakatingin sakanya dahil nakatingin ako sa dagat.

"So,dito pala yun nanggaling."


O_O!!!!

"J-joshua...anong ginagawa mo dito?"

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon